Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

Alipin

"Ina! Ano ang nangyari sa inyong mga kamay?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang siya ay naglalaba.

Tumingin siya sa akin, "Wala ito, anak." Nakatingin pa rin ako sa mga kamay niyang may malaking sugat.

"Ina, baka lumalala iyan! Atin nang ipagamot sa doktor!" Ngunit umiling siya at patuloy na naglaba.

"Hindi na, Anak. Marami pa akong labahin. Para may pera tayo anak." Napatingin na lang ako sa kaniya at natulala.

Ang pera ay ginawa para sa mga tao. Bakit parang ang mga tao na ata ang sumasamba sa rito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro