Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

Nawala

Nakatingin ako sa grupo ng magkakaibigan na nagtatawanan. Masaya sila at mukhang mga walang problema, "Miss mo na best friend mo?" Tanong ng kaibigan ko na bagong dating.

"Mahalaga pa ba yun? Masaya na siya. Tignan mo may bago na siyang mga kaibigan. Kaya di na mahalaga ang nararamdaman ko." Tinapik niya ang balikat ko at sinamahan akong panoorin na mag saya ang dati kong matalik na kaibigan.

Napangiti, dati kami yung ganyan. Magkasama sa kalokohan at walang hanggang tawanan. Pero anong nangyari ngayon? Nakahanap siya ng mas masayang kasamang mga kaibigan. Kaya nakalimutan niya na ang aming pinagsamahan.

Kaya ang pagkakaibigan namin ay unti unting nawawala na. At parang di na nangyari pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro