Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12

Tayo

"Bakit ka umalis?" Rinig ko ang pagkabasag ng boses niya. Nandito ako ngayon sa isang probinsya na malayo sa kanila, sa kaniya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Yung habang ako pinaglalaban kita tapos bigla ka nalang mawawala na parang bula?" Pinunasan ko ang mga luha na tumulo sa aking mata. Kung masakit na sa naiwanan? Paano pa sa aking nang iwan? Sobrang sakit na iwan ko ang lalaking pinakamamahal ko.

"Ayaw sa akin ng magulang mo. At paghihiwalayin nila tayo. Ayokong mawala ang future mo dahil sa akin!" Sigaw ko at lumayo sa kaniya. Ayaw ko na ipagpalit niya ang pangarap niya para sa isang ako.

Hinila niya ako pabalik sa bisig niya,"You're my future. At kung paghihiwalayin nila tayo, lalaban tayo. Dahil dalawang tao lang ang nasa isang relasyon, hindi sila kasama. Tayo lang."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro