Chapter 9
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
______Just Stay, 2015_______
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
___________
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ramdam ko din ang mabigat na bagay na nakapatong sa bewang ko, pero ang lubos na gumising sa akin ay ang paggalawa ng hibla ng mga buhok ko na para bang pinaglalaruan ito.
Pagkadilat ko, nabigla ako ng makita si Matteo na Nakaharap sa akin at nilalaro yung buhok ko, tapos... tapos... nakayakap siya sa akin!
"Good morning, Honey!" masayang bati niya.
Sa gulat ay napasigaw ako. Hindi sinasadyang naitulak ko siya ng malakas palayo sa akin kaya naman kaagad siyang nahulog pababa sa kama.
"Shit" pagmamaktol niya.
Agad naman akong tumingin sa katawan ko. Thank God may damit pa ako! Pero hindi! Kailangang makasiguro!
"May...May nangyari ba!?" sigaw na tanong ko.
"Wag kang magalala papanagutan kita" nakangising sabi niya, at ngayon tumabi na siyang umupo sa akin.
"Manyak ka!" sigaw ko habang hinahampas siya ng unan.
"Aray, Honey... Tama na yan" sabi ng bwiset na Matteo.
Nagulat ako, ang bilis ng pangyayari, nakahiga na ulit ako pero... pero nakapatong siya sa akin.
"Si Honey, hindi mabiro. Walang nangyari sa atin, Ok!? Edi sana patay na ako ngayon, takot ko lang na sipain mo ako noh!" natatawang sabi niya.
"Umalis ka nga!" sabi ko, habang tinutulak siya.
"Teka lang naman Honey! Malungkot pa rin ako noh!" pagiinarte niya.
Agad naman siyang sumubsob sa leeg ko. Sabing may kiliti ako diyan eh! Ramdam ko yung paghinga niya sa leeg ko, pero ang lubos na hindi nagpapakali sa akin eh yung labi niyang nakalapat sa leeg ko.
"Aray! Bampira ka ba!?" tanong ko sabay tulak sa kanya. Ewan ko kung anong ginawa niya sa leeg ko, Kinagat o parang sinipsip!
Nang pakawalan na niya ako ay kaagad akong tumayo para humarap sa may salamin.
"Ano toh!? Sakit non ha! May lahing bampira ka ba!?" hiyaw ko ng makitang may pulang marka sa leeg ko.
"Kissed mark yan, Honey!" nakatawang sabi niya.
"Baliw ka!" sabi ko, agad naman siyang lumapit sa akin pero...
"Sige lumapit ka! Sisipain kita diyan!" pagbabanta ko sa kanya.
"Yayayain lang kitang magbreakfast tapos sisipain mo lang ako? Gumising pa man din ako ng maaga para ipagluto ka" nakangusong sabi niya... Oh... ang cute niya, Ay pwe!
"Ako pa niloko mo! Halata namang pinadeliver mo lang yan!" sabi ko.
Umiling iling siya. "Napaso nga ako oh!" pakita niya sa kamay niyang namumula.
Agad akong lumapit sa ref niya at kumuha ng yelo, "Oh... lagyan mo!" sabi ko abot sa kanya ng Yelo.
"Kaya mahal kita eh! Ang Sweet naman ng Honey ko!" sabay yakap niya sa akin.
"Hoy, KUYA! magtigil ka nga diyan!"
"Anong Kuya!? May mag kuya bang naghalikan?" tanong niya.
Hinampas ko siya sa Dibdib niya, Kainis pina-alala pa!
"Kain na tayo" sabi niya sabay hila sa akin sa dinning table.
Habang kumakain kami, panay ang ngiti niya, promise I swear para siyang baliw!
"May nakakatawa ba?" tanong ko.
"Nahanap ko na kasi yung hinahanap ko eh" masayang sabi niya.
"Bakit ano ba yung nawala sayo?" tanong sabay subo, gutom din kasi ako.
"Hindi nawala, Actually kararating lang" dagdag niya.
"Ano ba kasi yon?" inis na tanong ko. Kainis kaartehan!
"Nahanap ko na yung right girl na hinding hindi ako iiwan at sasaktan" masayang sabi niya. Biglang kumirot yung puso ko. Nahanap niya na? Pero deserve din naman niyang maging masaya, kaya pipilitin kong maging masaya para sa kanya. Kahit umaasa akong sana ako yon!
"Buti naman...I'm so happy for you, Kuya Matteo" pilit na ngiti ko.
Isang matamis na ngiti lang ako ibinigay niya sa akin. Swerte ang babaeng iyon!
"Anong plano mo sa kanya?" tanong ko kahit masakit. Naitsapwera lang yung first kiss ko kagabi. Hindi ko naman pwedeng gerahin yung mokong na toh, sabihin masyado akong affected. Biro lang ata talaga para sa kanila iyon eh!
"Liligawan ko siya, hanggang makamit ko ang matamis niyang Oo" parang nangangarap na pahayag niya.
"Edi mabuti! May seseryosohin ka na ngayon" sabi ko,
Bigla namang kununot yung noo niya. "You don't get it. Don't you?"
"Huh!?" tanong ko.
Bigla naman siyang tumawa "NakakaBobo ba ang unang halik!?"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan!?" sigaw ko.
Umiling iling lang siya. " Ang Slow mo, Baby!" natatawang sabi pa din niya.
"Bwiset!" sigaw ko sabay walk out, pero wala ayon at tawa pa rin siya ng tawa!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro