Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




[Zyrene's Pov]

Kakauwi ko lang galing church after ko kasing pumunta sa hospital dumiretso ako doon.

Kringgg...Kringgg...

Nagulat ako sa nakita kong Caller

Kuya Matteo Calling...

"Hello?"

"Ang kapal ng mukha nila papata...warin ko ba sila?" Tanong niya. Hindi ako sigurado, masyadong malabo ang pagkakasabi niya. Hindi ko gaanong naintindihan.

"Anong nangyari sayo!? Nakainom ka ba? asaan ka?" Nag aalalang tanong ko. Sa boses pa lang niya ay alam kong may mali na. 

"Sa Con...do ko" putol putol na sagot niya sa akin. Matapos niyang sabihin iyon ay tsaka siya tumawa. 

"Kuya Matteo, ano ka ba!?" Medyo na inis na ako, hindi ko siya maintindihan. At nagaalala na din ako. 

"Punta...han mo naman ako.  Tulungan mo ko, ilabas yung sakit" this time umiiyak na siya. Ramdam ko yung sakit at lungkot sa boses niya, ramdam ko yung bigat. 

"Saan ba yan?" tanong ko. 

Agad akong umalis papunta sa sinabing address ng condo ni Kuya Matteo, buti naman at nagawa pa niyang sabihin ng maayos. Mabilis akong nakapunta sa nasabing address dahil malapit lang naman ito sa amin. Nagdoorbell ako, mga ilang beses na kaya naman kinabahan ako, pero matapos ang ilan pang doorbell bumukas na yung pinto.

"Kuya Matteo!" sigaw ko. Nakasandal na siya sa pinto niya at halatang lasing na lasing na. Basa din ang parehong pisngi niya, halatang kagagaling lang sa pagiyak.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin. "Best...Friend" sabi niya at umiyak ulit.

Kahit nakayakap siya sa akin, nagawa ko siyang itulak paloob. Mahirap na, baka akalain ng mga kapit bahay niya kung ano ginagawa namin. Iniupo ko siya sa ilalim ng paanan ng kama niya, nagkalat din ang Can ng mga beer. Pagkaupo niya agad naman niya isinubsob yung mukha niya sa dalawang palad niya. Hindi ko inaasahang ang isang Matteo Samonte na ganito sa harap ko.

Mangengealam na ako dito sa condo niya, bahala na basta kailangan niyang mahimasmasan. Agad akong kumuha ng bimpo at palanggana para mapunasan siya, nagtimpla na rin ako ng matapang na kape.

"Kuya, inumin mo muna ito" sabi ko sabay abot ng kape.

Namamaga na talaga ang mata niya, Tiningnan niya lang ako at kinuha iyon. Nagulat ako ng dirediretso niya itong inumin, mainit kaya yon!

"Baliw ka ba!? Anong kala mo sa dila mo ,bakal!?" sabi ko. Pero wala siyang sagot kundi tawa lang niya, abnormal!

Pinunasan ko yung mukha niya para naman maginhawaan siya at masasabi kong this time kumalma na siya.

"Ano bang nangyari, Kuya?" tanong ko.

"Bumalik na sila, Pero ang sakit pa din eh. Ang sakit dito oh!" turo niya sa bandang dibdib niya pero ng tumagal sinusuntok niya na ito. Agad ko naman siyang niyakap para matigil ang pananakit niya sa sarili niya.

"Tama na yan, Kuya. Wag mong saktan ang sarili mo" sabi ko naman, this time nakaluhod na ako sa harap niya, at nakasubsob naman ang mukha niya sa leeg ko, nakikiliti ako pero tinitiis ko lang.

"Diba sabi ko naman, hindi madali. Pero unti unti, mamamalayan mong napapatawad mo na pala sila. Pakinggan mo muna yung rason. Kailangan mong tanggapin" sabi ko, agad namang humigpit ang pagkakayakap niya, pero keri lang nakakahinga pa naman ako.

Umiling siya rason para lalo akong makiliti. "Kuya nakikiliti ako!" sabay tulak ko sa kanya, mahina lang naman, tama lang para lumayo ng kaunti yung mukha niya sa leeg ko, malakas kiliti ko dun!

Natawa naman siya, pero agad naman siyang napatayo dahil mukhang nasusuka na siya. Nagpanic kaagad ako, mabuti naman at nagawa pa niyang tumakbo patungo sa banyo para doon sumuka. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya at lapitan. Marahan kong hinagod ang kanyang likuran para pakalmahin ito.   

Ng mahusto na siya ay nagulat ako ng tumayo siya sa aking harapan at kaagad niyang hinubad ang kanyang suot na pangitaas. Agad bumulaga sa akin ang ganda ng kanyang katawan. 

"Bakit ka naghubad!?" sigaw ko.

"Mainit" naiiritang sabi niya.

Agad ko siyang iniupo sa kama niya, kumuha naman ako ngayon ng maligamgam na tubig. Habang iniinom niya iyon, hindi sinasadyang natapunan ang sexy body niya.

"Aray!..." sigaw niya, aba nabuhayan.

"Tsk... ano ba yan!" sabi ko sabay punas ng natapong tubig sa katawan niya.

Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at marealize kong... Kamay ko pala yung gamit kong humahawak sa abs niya, my gahd!

Napatingin ako sa kanya habang hawak pa din niya yung kamay kong nakalapat sa Abs niya, hihilahin ko na sana dahil siguradong pulang pula na yung mukha ko at mainit na talaga yung pisngi ko. Hinila ko yung kamay ko pero wrong move. Hinila niya ako papalapit sa kanya, kaya ngayon ilang inches na lang ang pagitan namin.

"Kuy..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng halikan niya ako. First kiss ko yon! Grabe gusto kong magprotesta pero nanghihina ako. hindi ko rin alam kung paano sasabayan ang galaw ng labi niya, ito ba yung sinasabi nilang just go with the flow?

Nauubusan na ako ng hininga! Agad niyang hiniwalay ang labi niya sa labi ko rason para makakuha ako ng hangin.

 "Kuya..." magsasalita pa lang ulit sana ako ng hinalikan nanaman niya ako. 

Inihiwalay niya ang labi niya pero pinagdikit naman niya ang noo naming dalawa, pareho naming hinahabol ang hininga namin, nagsalita naman siya...

"I love you" sabi niya, hinalikan niya ang noo ko at mahigpit akong niyakap.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro