Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




[Zyrene's Pov]


Nagulat ako ng halikan niya ako sa ulo, ngayon ko lang narealize yung pwesto namin, Naramdaman ko ding natigilan siya sa ginawa niya.

"NanananChing ka na eh!" tulak ko sakanya, habang halos nag iyak tawa na ako para itago ang kaninang pagkailang.

Natawa naman siya, bumalik na ako sa pagkakaupo at ganun din naman siya.

"Bakit ka baka kasi bad trip nung day na Yon?" tanong. Para maiba ang topic. Ayokong maging awkward.

"Iniwan kasi ako ng Toyfriend ko, inunahan ako. Alam daw kadi niyang After 1 week makikipagbreak ako sa kanya kaya ayon sumama sa boyfriend daw niyang pangmatagalan." kwento niya, ramdam ko pa din yung galit at inis niya na para bang kumukulo ang dugo niya sa tuwing naaalala niya iyon. 

Umiling  na lang ako "Bakit ba kasi ayaw mo pang magseryoso? Marami namang babae diyan na matino" sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Hindi ko pa nahahanap yung right girl eh" sagot niya.

"Basta ikaw, BestFriend wag mo akong iiwan ha!" sabi niya sa akin. Ramdam kong seryoso siya.   

Agad naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko, Ayaw kong mangako sa Kanya, Alam kong magagamot pa ako, Pero natatakot talaga ako eh!.

Tipid akong ngumiti. "Nga pala, Bawiin mo ung sinabi mo sa baba kanina! Anong Girlfriend ka diyan!" bulyaw ko sa kanya.

"Bakit may magagalit ba? May boyfriend na ba ang masungit kong Bestfriend?" tanong niya. Nakataas pa ang kilay na para bang bawal akong sumagot ng hindi tama at naaayon sa kanyang gusto. 

Umiling ako " Wala, hindi ko pa nahahanap yung Prince Charming ko" 

"Prince Charming? Mayroon pa ba nun ngayon?" natatawang tanong niya.

Tumango ako. "Naniniwala ako sa Fairy tale. But hindi sa Happy ending"

"Happy Ending? Pareho tayo. Hindi rin ako naniniwal sa ganyan," sagot niya sa akin, sabay inom ng Wine.

"Naniniwala kasi akong kung hindi pa nagkakaroon ng happy ending, Ibig sabihin hindi pa tapos ang kwento. Ibig sabihin may darating pang trahedya or worst marerealize ng mga bidang hindi talaga sila para sa isat isa" paliwanag ko.

Natawa naman siya. "Wag kang masyadong manuod ng Teleserye, nilalason lang nila ang utak mo"

"Atleast sa teleserye kahit papaano napapasaya nila ang mga hopeless romantic na kagaya ko" laban ko naman.

Umiling  na lang siya hanggang sa magtagal ang tingin niya sa akin at napa second look pa. "Teka napansin kong pumapayat ka ata ngayon ah!" mapangasar na sabi niya.

Binato ko siya ng table napkin "Bastos!" sigaw ko.

"Pero mas gusto ko yung Chubby ka! Cute mo kasi!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Tse!"

After ng moment namin sa Rooftop ng hotel nila, hinatid niya na ako sa bahay.

"Thank you sa paghatid..." paalam ko.

"Uhm, Teka pwede makahingi ng number mo ulit? Nawala kasi yung Phone ko kaya hindi rin kita natext non" Palusot pa niya, magaling din talagang gumawa ng dahilan. Huli, pero hindi kulong. 

"Ah ganoon ba?" sabi ko na lang. 

"Thanks... See you around" nakangiting sabi niya.

See you around, See you around! Sinesante niya ako tapos see you around daw! 

"See you..." matamlay na sagot ko, naalala ko nanaman yung injustice kong magkakatanggal. Pababa na sana ako ng pigilan niya ako ulit.

"Tungkol sa trabaho mo. Sorry ha, Ayaw ko namang pagusapan ka nila, Pinakilala kitang Girlfriend ko tapos magtratrabaho ka sa hotel namin" nakangising sabi niya.

"Bawaiin mo yun loko ka!" sabi ko sabay baba.

"Bye, Sweetheart!" sabi niya bago niya pinaharurot palayo ang kanyang sasakyan. 

Kainis! Ayoko sa lahat eh yung corning mga endearment na yan. Lumipas ang isang linggo. sinarili ko yung nalaman kong sakit ko, iniisip ko pa ngayon kung paano ko ipapaalam kila Mommy. Natatakot kasi ako, hindi ko talaga alam.

Kakatapos lang ng klase namin, naglalakad kami ni leslie ng marinig namin yung bulungan ng mga babae dito sa campus. Hindi na namin inintindi, wala kaming pake.

"Ano nanaman kaya ang problema ng mga yon?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat lang ako, Habang patuloy kaming naglalakad narinig ko ang pagbuntong hininga ni Leslie.

"Mukhang alam ko na ang dahilan" sabi niya habang kinikilig.

"Huh?" tanong ko.

"Look!" turo niya.

Nakita ko naman ang isang lalaking nakahalukipkip at nakasandal sa magarang auto niya. Naka aviators din ito na akala mo may fashion show na pupuntahan. Sa lakas ng dating niya, hindi mo mapipigiling hindi mapalingon sa kinaroroonan niya. Lalo pang nae-emphasize yung laki ng biceps niya dahil sa pagkakahalukipkip niya.

Nakasuot din ito ng Grey na V neck longsleeve at talaga namang bakat ang Abs niya dito. Tsaka meroon din siyang broad shoulder, halatang halata na alaga niya ang katawan niya... Natigilan ako ng nagsalita yung katabi ko.

"Hayy... Crush ko na siya!" kinikilig na sabi ni Leslie sa akin.

Tiningnan ko lang siya, At ibinalik kay Kuya Matteo yung tingin ko. Napansin niya siguro ako at bigla siyang nagreact.

"Zyrene!" tawag niya sa akin sabaya lakad papunta sa kinaroroonan namin.

"Kilala mo siya?" pagtataka at gulat na tanong ni Leslie.

Sasagot pa lang sana ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko.

"Hi!" bati niya sa akin, my gahd bakit sa noo pa? Masyadong sweet yon! Baka kung anong isipin ng mga tao sa paligid.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Yayayain sana kitang magdinner" Sagot niya sa akin. Nagpakita nanaman yung dimples niya. 

"Ah... teka si Leslie nga pala, Bestfriend ko" pagpapakilala ko.

Naglahad naman siya ng kamay na tinanggap agad ni Leslie. "I'm Matteo" Pagpapakilala niya.

"Leslie" nahihiyang banggit nito.

"Dalawa pala kaming bestfriend mo Ms. Sungit!" nakangiting sabi niya sa akin. Pansin ko naman ang mga matang nakatingin sa amin, Center of attention na kami at ayoko nito.

"Tara?" tanong niya sa akin.

"Uhm..."

"Leslie gusto mong sumama?" tanong niya kay Leslie

Tumingin at tumango naman ako kay leslie at sinenyasang "Tara"

Hindi ko naman iiwan ang bestfriend ko para sa lalaki. Kahit pa kaibigan ko si Kuya Matteo. Mas nauna kong naging kaibigan si Leslie. 

Tahimik lang kaming dalawa ni Leslie. Alam kong marami siyang tanong sa akin pero pinili niyang tumahimik na lang muna. Kita ko din ang pagkamangha sa mukha niya ng sumakay kami sa sasakyan ni Kuya Matteo. 

"Sweetheart" tawag niya sa akin.

Natingin naman ako kay Leslie dahil nakakahiya yon, Nakita ko naman yung pagtataka sa mukha ng bestfriend ko.

"Ano?" tanong ko, Hindi na ako nagreklamo baka kung saan pa mapunta, mas nakakahiya yon, may kasama kaya kami, baliw ba toh!?

"Wala lang,... Namiss lang kita" nakangiting sabi niya. Baliw nga.

Inirapan ko lang siya. Nang makarating kami sa restaurant ay wala siyang ginawa kundi asarin ako. Nakipagkwentuhan din siya kay Leslie pero ako pa rin yun topic nila.  

Nauna naming hinatid si Leslie sa bahay nila, tsaka niya ako hinatid sa amin. 

Inaasahan ko na kaagad ang pagbato ni Leslie ng mga tanong sa akin kinabukasan sa school at hindi nga ako nagkamali. 

"Kayo ba?" tanong ni leslie sa akin.

"Ha!?... Eh" hindi pa ako nakakasagot ng magsalita ulit siya.

"Iniwan mo na ako" sabi niya. May halong pagtatampo.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro