Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______



1 week na akong walang trabaho pakatapos nung pangyayaring iyon sa hotel. Kainis na Matteo!

"Buti naman at naisipan mong magresign na!" sabi ni Leslie

Napanguso ako. "Hindi ako nagresign, Tinanggal ako!" inis na sabi ko.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Bakit naman?"

"Nainggit sila sa beauty ko!" palusot ko na lang. Ayoko na lang din palakihin pa yung nangyari sa hotel. Kakalimutan ko na lang. 

"Mukhang galit ka ngayon ah!" pangaasar niya.

Sumama ang tingin ko sa kung saan. Minsan ay bigla bigla na lang akong naiirita. Hindi ko din alam kung bakit. Dati naman ay mahaba ang pasencya ko."Hindi! NabwiBwiset lang!" 

"Naku po!" natatawang sabi pa niya.

 Hindi na halos bumalik yung dati kong lakas. Palagi pa din akong pagod. Buong akala ko ay kung magpapahinga ako ng ilang araw ay babalik din ang lahat sa dati. Na baka pagod lang talaga ako. Kaya naman napagpasyahan kong magpunta na sa Doctor at magpatingin na. l

After ng ilang test na ginawa sa akin ay halos para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng Doctor sa kanyang findings sa akin. Hindi ko alam, hindi ako makapagisip ng mabuti. 

"Sorry, Ms. Baez. But you have a stage 2 Breast cancer" sabi ni Doctora.

"Pero paano pong!?" hindi makapaniwalang tanong ko, Ni hindi ko matapos ang tanong ko. 

Wala ako sa aking sarili habang naglalakad ako palabas ng hospital. Hindi ko din alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Basta ay naramdaman ko na lang na basa na ang aking pisngi dahil sa pagiyak.    

Paano? Anong dapat kong gawin? Sasabihin ko ba kila Mommy? Pano na? Mamamatay na ba ako? Hindi ko man lang ba mararanasang magkaroon ng pamilya, asawa at mga anak?

"Ano ba yan!" sabi nung babaeng nabangga ko.

"Sorry, Miss" paumanhin ko naman.

Maglalakad na sana ulit ako ng May humigit sa braso ko.

"Ano ba!?" sigaw ko.

[Matteo's Pov]

Nakasakay ako aking sasakyan ng may makita akong pamilyar na babae. Si Zyrene. Naaalala ko naman talaga siya. Pero kasi, badmood ako eh. Tapos pinaalala pa niya sa akin yung past ko. Tsk. para siyang basang sisiw! Ano nanaman kaya ang problema nito at  umiiyak pa habang naglalakad? Alam kong may mali ako kaya naman kakausapin ko siya.

"Ano ba!?" sigaw niya nung hinatak ko siya.

"Let's talk!" sabi ko.

[Zyrene' s Pov]

"Let's talk!" sabi ng lalaking unang nambwiset sa akin.

"Do I know you!?" tanong ko, ganyan din naman yung unang sabi niya sa akin diba?

"Zyrene, Look I'm sorry. Bad mood kasi ako nung..."

"WILL YOU SHUT THE FUCK UP!" pagputol ko sa paliwanag niya.

Tinampal niya ng mahina yung bibig ko. "Kailan ka pang natutung magmura Ms. Sungit?" natatawang sabi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, tsaka akmang tatalikod na pero manilis niya akong hinila papunta sa sasakyan niya. Gumawa lang naman kami ng eksena dito sa Kalsada!

"Saan mo ba ako dadalhin ha!?" sigaw ko.

Pero hindi niya ako pinansin. "Hello paki handa lahat sa hall, papunta na ako!" sabi niya sa kausap sa cellphone.

"Ano!?" dugtong na tanong ko.

"Pssst... Relax!" nakangiting sabi niya.

Inirapan ko na lang siya.

"Anong ginagawa natin dito!?" sigaw ko ng makitang papasok kami sa entrance ng Hotel nila.

Nginitian niya  ako. "Anong binabalak mo!?" sigaw ko. Ngiti pa lang alam mo na kaagad na walang gagawing tama. 

"Hindi ako rapist!" natatawang sabi niya, Nabasa nya ba yung nasa utak ko?

Pagkadating namin sa entrance agad siyang lumabas at hinila ako papasok. Binato naman niya yung susi niya sa isang lalaki, mayari eh! wala tayong magagawa diyan!

"Ano ba, Matteo!?" sabi ko. Ayoko namang gumawa ng eksena dito, Tama na yung minsang napahiya ako, ayoko ng maulit.

Nagulat ako ng dinala niya ako sa hall, nanduon lahat ng kasamahan ko, Agad namang namilog ang mga mata nila. Kita ko kung paano bumaba yung tingin nila sa magkahawak naming kamay ni Matteo. Kaya naman pinilit kong tanggalin iyon, nagtagumpay ako ngunit agad niya akong hinapit sa bewang.

"Girlfriend ko siya, kaya wala kayong karapatang pagchismisan siya. Naiintindihan niyo ba yon!? tsaka simula ngayon tawagin niyo na siyang Ma'm, Understand!?" utos niya sa mga ito. 

Agad namang tumango yung mga kasamahan ko dati. "Yung nangyari dati, normal lang naman siguro yon sa magkasintahan. Right!?" dugtong pa niya, may gahd ano bang pinagsasabi nito!?

"Yun lang, you may go back to your work!" sabi niya pa bago siya humarap sa akin, nakangiti at  agad naman niya akong hinila ulit at sumakay kami sa elevator.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin ha!? Kung makahatak ka diyan ah!" sabi ko sabay agaw ng kamay ko.

"Sa lugar ko" masayang sabi niya.

"Hoy sinasabi ko sayo, kung may binabalak kang masama wag mo ng ituloy! Makakatikim ka talaga sa akin!" banta ko sa kanya. 


"Nang ano? Matamis na halik ba yan!?" mapangasar na tanong niya. 

Binatukan ko nga! "Aray! Si miss sungit talaga oh! Kaya kita namiss eh!" sabi niya. 

"Pervert!" sigaw ko.


Natawa lang siya sabay iling, agad namang tumunog yung elevator, at ito nanaman kami hatakan session, Napa O yung bibig ko sa nakita ko,

"Welcome to my place" he said. 

Ang ganda! Kita mo ang buong City! Nakakalula! pero wow talaga! yung mga nagtataasang building na tinitingala mo pag naglalakad ka sa baba, tanaw mo na ngayon pag yumuko ka o kaya naman ay halos kasing pantay ko na lang.

"Beautiful. Isn't it?" tanong niya, napa tango lang ako,

"Come" sabi niya.

What the heck! May table sa gitna na may foods na tapos wow ang ganda!

"Paano?..."

"I'm the owner, Remember?" 

"K" inis na sabi ko sabay irap, Kayabangan nanaman!

"Eat" masayang sabi niya.

"Hindi ako aso, ok!? Alam ko yung gagawin ko!" sigaw ko.

"Namiss ko talaga yang kasungitan mo!" natatawang sabi niya.

Sinimangutan ko lang. "Minsan nga inuutusan kong magsungit yung mga Toyfriends ko eh, Kaso nakakabwiset yung sa kanila eh, iba talaga yung sayo!" 

"Toyfriend? Tsk, hindi ka pa rin pala tumigil" sita ko sa kanya. 

Bigla tuloy nawala yung galang ko sa kanya. Maging yung pagtawag ko ng Kuya. 

"Bakit nagSeselos ka ba ha!?" mapangasar na tanong niya.

"At bakit naman po ako magseselos, KUYA!?" pagdidiin ko sa salitang Kuya. Ayan, nagamit ko din. 

"Haisst... Tigilan mo nga yang Kuya, Kuya na yan! Hindi naman nagkakalayo yung edad natin eh!" inis na sabi niya.

Tumawa lang ako at umiling iling. "Nga pala bakit nageemote ka kanina?" tanong niya, natigilan naman ako. Naalala ko nanaman na may kinakaharap pa pala akong problema ngayon. Natahimik tuloy ako at naiyak. 

[Matteo's Pov]

"Nga pala bakit nageemote ka kanina?" tanong ko sa kanya, bigla namang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya,magtatanong pa sana ulit ako ng bigla siyang...

"Ayoko!" Umiyak na parang batang hindi nabili ng laruan ng nanay niya, agad naman akong nasamid.

"A-anong problema?" tanong ko sabay tayo at lapit sa kanya.

Hinila ko siya para tumayo pero patuloy pa din siya sa pag ngawa. Oo dahil hindi iyak ang ginagawa niya, niyakap ko siya, pero ikinagulat kong She hugged me back.

Dug...Dug...Dug...Dug...

Nakaramdam ako ng kakaibang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko, What was this!?

"W...What's the problem?" nahihirapang tanong ko.

Umiling lang siya habang nakasubsob yung mukha niya sa dibdib ko. May mali, Alam kong meron.

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin. Pero tandaan mong nandito lang ako palagi para sayo" sabi ko sabay hagod sa likod niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero hinalikan ko siya sa ulo, rason para matigilan kaming dalawa.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro