Chapter 4
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
______Just Stay, 2015_______
[Zyrene's Pov]
Last day na namin ngayon dito sa Falcon Crest Resort sa Bulacan, Kaya nagliligpit na kami ng mga gamit namin.
"Tara na, Una na tayo sa bus" yaya sa akin ni Ate Maggie.
Kaagad akong tumango at binuhat ang dala kong shoulder bag at hand bag. Pagkapasok sa bus ay iniwan ko na muna ang mga gamit ko sa loob bago ako lumabas ulit para magpaalam ng maayos kay Kuya Matteo. Natatawa ako sa una naming pagkikita, hindi ko inaasahan na magkakasunod kami.
Hinanap ko siya, pero bumagsak ang magkabilang balikat ko ng halos mapuno na ang bus namin at ready na umalis pero hindi ko pa din siya nakikita. Malungkot akong bumalik at sumakay sa bus, baka nauna na siyang umalis.
Inayos ko na ang sarili ko at hinanap ang pinakacomfortbale kong pwesto. Pipikit na sana ako para makapaghanda sa byahe ng maramdaman ko ang kalabit ni Ate Maggie sa akin.
"May problema po ba?" tanong ko.
"Ako, wala baka yun meron" sabi niya sabay turo sa labas, sa harapan ng bus.
"Kuya Matteo!"
Halos lahat ay nasa kanya na ang atensyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kahit hindi naman dapat. Friends naman kami.
Matamis niya akong nginitian. "Yayayain sana kita na sa akin na lang sumabay" sabi niya kaya naman kaagad kaming nakarinig ng pangaasar sa loob.
"Ha, eh..." napatingin ako kay Ate Maggie.
Sumenyas naman siya ng Ok. "Sure ka ba? Baka mapalayo ka?" tanong ko.
"Ok lang, saan ka ba?"
"Makati" Sagot ko.
"Doon din ako eh" nakangising sabi pa niya.
Maayos akong nagpaalam kay Ate Maggie, ganon din ang ginawa ni Kuya Matteo. Maayos niya akong pinagpaalam dito. Bilang respeto sa kanya dahil siya ang tumayong Ate namin dito. Si Kuya Matteo ang nagbitbit ng mga gamit na dala ko palabas ng bus at papunta sa kanyang magarang sasakyan.
Medyo kabado pa ako dahil ito ang unang beses na makakasakay ako sa sasakyan ng lalaki. Hindi ko pa matagal na kilala.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang siya na ang bumasag non. "Pwede bang makuha number mo?" tanong niya.
Medyo gulat at nagpanic pa ako sa pagkuha ng phone ko. First time din kasi na may lalaking humingi ng number ko.
"Uhm...Sige" nauutal na sabi ko.
Inabot niya sa akin yung phone niya. Nilagay ko yung number ko, then maya maya nagVibrate yung phone ko dahil sa missed call niya."Nagmissed call na ako sayo, Paki save na lang" nakangiting sabi niya. Yung dimples niya minumura ako!
"Merienda muna tayo!" sabi niya ng huminto kami sa isang Coffee shop.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa mga trip niya. Konti lang ang tao sa loob, karamihan nang nandon ay nag stop over lang din mula sa mahabang byahe.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
"Kung ano na lang yung sayo" nahihiyang sabi ko.
"Pano ba yan ikaw ang gusto ko?" mapangasar na sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip ako. "Sorry, pero hindi ako ino-Order!" mataray na sabi ko.
"Ayon...Namiss ko si Miss Sungit!" natatawang sabi niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Pano yan gusto ko lahat ng nandito" biro niya.
Sandali siyang nagtaas ng kilay sa akin bago siya ngumisi. Binalingan niya ang waiter na kanina pa naghihintay ng order namin.
"Narinig mo naman yon diba?" tanong niya. " Ayoko namang mapahiya dito sa date ko. Lahat ng nasa menu niyo" sabi niya sa waiter. Anong date!?
Napasapo ako sa noo ko, nawala sa isip ko na ang kaharap ko nga pala ngayon ay isang mayabang!
" T-teka..." pigil ko sana, nagbibiro lang naman ako.
"Pa-Cancel mo yun!" sabi ko.
"No need! Hindi naman kita paghuhugasin ng pinggan" pangaasar niya.
Napairap ako sa kawalan. "Bahala ka! Ikaw kumain ng lahat ng yun!" sabi ko.
"Kaya kong bilhin lahat ng nakikita mo sa estanteng yan" pagyayabang niya habang nakatingin sa estante ng mga cakes and cupcakes.
"Shhh... Bumalik nanaman si kayabangan!" inis na sabi ko.
"Totoo!" sabi niya.
"Alam ko!" inis na sagot ko.
Dumating na yung inorder namin, ay hindi niya lang pala. Dalawang pinagdikit na lamesa yung pinaglalagyan ng pagkain namin, puro cakes, at breads.
"Nangiinsulto ka ba?" tanong ko
"Ha?" nagtatakang tanong niya.
"As you can see kasi, chubby ako tapos..." sabi ko.
"Sus! Cute mo nga eh!" sabi niya.
Inirapan ko lang siya, nagdidiet na nga ako pero ito siya kung ano ano pinapakain sa akin. Magana siyang kumain, parang game na game siya at walang arte sa pagkain. Hindi halata dahil ang ganda ng hubog ng katawan niya. Akala ko nga nasa strict diet siya eh.
"Dahan dahan" natatawang suway ko sa kanya sabay abot ng table napkin.
Natawa din siya. Ang cute. May cute side talaga siya, kahit mukhang loko at masungit pag hindi kayo close.
"Favorite ko kasi ang mga sweets"
Nalaman kong black forest ang favorite cake niya. Marami siyang kwento sa akin, at lahat ng iyon ay puro kalokohan niya.
Kahit sa byahe, sa sobrang katuwaan namin ay naging mabilis tuloy iyon. Hindi namin halos namalayan na nakabalik na kami sa syudad.
"Dito na lang" sabi ko ng huminto na siya sa tapat ng bahay namin.
"See you soon!" paalam niya.
"Thank you sa paghatid and see you soon, Kuya!" Nakangiting sabi ko sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng lungkot.
Napatunayan kong ang halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa kung gaano mo siya katagal kakilala o kung gaano mo siya katagal nakasama. It's always the feeling that you felt when you are with that person.
1 month na ang lumipas simula nung makilala ko si Kuya Matteo. Non sense naman yung paghingi niya ng number ko. Hindi naman siya ever nag send ng message after that day. Although wala namang reason para gawin niya yon.
"Oh, Zyrene bakit nangangayayat ka ata" puna ni Ate Tess. Kasamahan ko dito sa hotel, mas matanda siya sa akin.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa trabaho at pagaaral.
"Ate tess talaga niloloko pa ako!" suway ko sa kanya.
"Hindi, totoo!" giit niya.
Pansin ko din these past few days nanghihina yung katawan ko, parang palagi akong antok na di ko mawari, palagi akong pagod.
"Nga pala mag ready kayo darating yung anak ng may ari. Sa hall ang lahat mamaya" sigaw ng isa sa mga kasamahan ko. Sus! palagi nilang pinagkwekwentuhan yung Boss namin. Gwapo daw, hindi pa nga ata nila nakikita eh! Oh, Baka ako lang?
[Matteo's Pov]
"Anong pinagsasabi mo diyan!?" sigaw ko sa fake Girlfriend ko ng one week.
"Nakikipagbreak na ako sayo, may mahal na akong iba?" naiiyak na sabi niya.
"Nagpapatawa ka ba!? Wala pa nga tayong one week!" natatawang sabi ko pero sa totoo lang ay galit na ako. Hindi pwede!
"Yun na nga eh! alam kong after one week makikipagbreak ka na sa akin, ayokong masaktan kaya uunahan nakita! atleast si Jake pangmatagalan, Hindi ako gagamitin" sabi niya sabay walk out.
"BullShit!" sigaw ko, ayoko sa lahat eh yung ako yung tatalikuran, sanay akong silang mga babae yung iniiwan kong luhaan, bwiset!
Nagangat ako ng tingin ng may kumatok sa aking pintuan. Bumukas ito at pumasok ang isa sa mga empleyado.
"Sir, ready na po ang lahat sa hall" sabi nito.
Mariin akong napapikit at napahilamos sa aking mukha. Kumukulo ang dugo ko sa galit. Hindi pwedeng ako ang iiwan.
[Zyrene's Pov]
Nakapila na kaming lahat dito sa hall ngayon, pero antagal wala pa rin yung boss namin!
"Andyan na si Sir Matteo!" sigaw nung isa sa mga kasamahan namin, Matteo? Naku baka kapangalan lang.
What the Heck!? Si Kuya Matteo nga! Sa sobrang tuwa ko at excitement na muli ko siyang nakita ay hindi na ako nakapagpigil pa.
"Kuya Matteo!?" sigaw ko, hindi ko na inalintana yung mga tao. Narinig ko naman agad yung mga bulungan nung mga kasamahan kong babae.
Tumaas yung kilay niya, Aba masungit! "Do I know you?" seryosong tanong niya. Walang bahid ng pangaasar.
Nakalimutan niya na ako? "Ako yung sa retreat sa Bulacan!" sabi ko,
"Si Sir nagretreat!?" sabi nung isa, agad namang nagkaroon ng bubuyog sa paligid.
"Sorry baka nagkakamali ka lang." seryoso pa ding sabi niya. Alam kong naaalala niya ako! Bestfriend pa nga daw kami diba!?
"Hindi! Ako to Kuya, si Zyrene, Diba nga sabi mo bestfriend tayo tapos sa akin mo pa nga kinwento yung secret mo eh, tapo-"
"WILL YOU SHUT THE FUCK UP!" sigaw niya na nagpatigil sa aming lahat, May gahd anong nagawa ko!?
Bigla naman siyang nagwalkout dahilan para patayin ako sa tingin ng mga kasamahan ko.
"Feeler!" sigaw nila sa akin.
"Ano yon ha, Zyrene!?" galit na sigaw nung head namin.
Galit silang lahat sa akin, kainis naman si Kuya eh! Naexcite lang naman akong makita ulit siya. Hindi niya ako naalala!? Pwes hindi ko na rin siya naaalala, nilunok ko yung pride ko kanina sa harapan nilang lahat tapos sisigawan niya lang ako!?.
"You're fired!" sabi nung manager.
"Pero po..."
"Utos ni Sir Matteo!" sabi niya, may magagawa pa ba ako? edi magalsabalutan na!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro