Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




Ang sumunod naming activity ay by partners nanaman. Wala nanaman akong nagawa ng si Matteo nanaman ang ibinigay sa akin ni Ate Maggie, ang rason niya sa akin ay kaming dalawa lang naman daw ang magkakaintindihan lalo na't hindi nagkakalayo ang edad namin. 

Mandatory na lumabas ng session hall, para na rin daw malibot namin ang buong resort ay hindi masayang ang ganda ng buong lugar. Getting to know each other daw ang topic. Kakatapos lang kasi ng lesson namin kanina about Empathy kaya naman ganito ang topic namin. Kahit wala naman akong balak kilalanin si Matteo, ay gagawin ko pa din. Baka sakaling maintindihan ko kung bakit siya ganyan. 

"Ok na siguro dito" sabi ko ng makakita ng malaking bato sa ilalim ng malaking puno, umupo na kaming dalawa.

"So ano na?" tanong niya.

"Be ready first" sabi ko.

"Paano?" tanong niya.

Tumaas ang kilay ko. Medyo nabawasan yung inis ko sa kanya ng maramdaman kong interisado naman siya sa activity na ito. 

"Dahil ako ang partner mo, kailangan magtiwala ka sa akin. Maging tapat ka sa ishashare mo, hindi sapilitan pero handa akong makinig promise! Tsaka wag ka mahiyang umiyak, ilabas mo lahat ng hinanakit mo. Masarap sa feeling, I swear! Alam kong hindi maganda yung mga meetings natin, but for now, treat me like a friend!" marahang paliwanag ko sa kanya. 

Ok na sana ang kaso ay bumalik nanaman ang pagiging mayabang niya. 


"Psh. Ako iiyak? Wala akong rason para umiyak" pagyayabang niya.

"Ang galing mong magtago ng nararamdaman mo! Halata namang may rason yang pagpapanggap mong wala kang problema, Walang taong walang rason para hindi umiyak, Matteo. Oo, mayaman ka! Pero hindi ka masaya alam ko" pagpapaamin ko sa kanya.

Ayoko naman siyang ijudge, pero ramdam ko kasing may mas deep na reason kung bakit ganito ang kanyang paguugali. Gusto ko lang namang makatulong, gusto kong tulungan siya ilabas yung totoong nararamdaman niya. 

Biglang nagbago yung itsura niya. " Wala kang alam!" seryosong sabi niya.

"Kaya nga handa akong makinig eh!" giit ko.

Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin.  "Ayoko! Bumalik na tayo!" sabi niya sabay tayo.


"Duwag ka! ang hina mo para hindi harapin yang problema mo! Masyado mong kinikimkim kaya lalong lumalaki. Masyado kang nagsasarili!" paghahamon ko sa kanya, ginagalit ko talaga siya para ilabas niya yung nasa loob niya.

"This is Bullshit!" sigaw niya at tuluyan ng nanghina. Sabi ko na at may mabigat pa siyang dahilan. Agad naman akong lumapit sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, magpupumiglas sana ako kaso bigla siyang nagsalita. "My mom left us. She left me. Iniwan niya ako kay Dad kahit ang  ilang beses siyang nangako na hindi niya ako iiwan" paguumpisa niya. 


"Mas pinili niya yung ibang tao kesa sa amin na pamilya niya. Sa murang edad ay natutunan kong alagaan ang kapatid ko, pinrotektahan ko siya. Kahit si Dad, nagpakalunod sa trabaho, hindi nila kami inisip. Hindi nila naisip na kahit kami, nahihirapan din kami" dugtong pa niya. 

Ramdam na ramdam ko yung iyak niya na mukhang tinago niya sa matagal na panahon.  

"Kaya nangako kaming magkapatid, hindi namin iiwan ang isa't isa. Ipagtatanggol ko siya sa kahit anong sakit na pwede niyang maramdaman, yung kapatid ko na lang ang natitira sa akin. I cannot afford to lose her too. But one day, bumalik si Mom. Gusto niyang isama si Mariell, Nagmakaawa ako na isama niya rin ako pero ayaw niya, kasi lalaki din yung anak niya sa labas" patuloy siya sa pagkwento, sa bawat salita niya ramdam ko yung kirot ng nararamdaman niya, kaya naman napaluha na din ako.

 "Iniwan nila ako, kami ni Dad. Kaming dalawa na lang, iniwan na nila kami, ang sama nila. Pare-pareho silang mga babae, manloloko!" iyak na sigaw niya.

"Kaya ba napakaPlayboy mo?" tanong ko, Natawa naman siya tsaka tumango.Iyak tawa na siya ngayon. abnormal din talaga. 

"Narealize ko na ang mga babae madaling makuha at madali ding madispatsya. Kaya pinangako ko sa sarili ko, hindi ko hahayang masaktan at iwanan nanaman ako ng mga babae kaya ganito ako ngayon. Si Mommy ang nagturo sa akin na dapat malaki ang maging respeto ko sa mga babae, pero siya din ang gumawa ng dahilan para hindi ko gawin yon" ramdam ko ang galit at pagkamuhi. 


"Matuto kang magpatawad, Matteo. Alam kong hindi madali! hindi ko naman sinasabing ngayon na. Pero kung handa ka na, Unti unti mong mararamdaman na napatawad mo na pala sila. Sa ginagawa mong yan pwede kang masaktan sa bandang huli, pano pala kung yung right girl nadispatsya mo na rin, dahil diyan sa galit mo? Maraming babae diyan, hindi sila parepareho. Meron pa ring handang manatili para sayo, yung hindi kaiiwan katulad ng naranasan mo" pagaalo ko sa kanya.

Lalo namang humigpit ang yakap niya. 

"Thanks..." Ngayon naman natatawa na siya.

"Masarap ba sa pakiramdam?" tanong ko.

Napatango siya. "That was a good cry. Para akong nabunutan ng tinik" 

"Sabi ko naman sayo eh!"

"Ms. Sungit, Secret lang yung pagiyak ko ha! Kung hindi mo naitatanong ikaw ang unang nakaalam nito! Kahit mga kaibigan ko hindi nila alam yung totoong nararamdaman ko. Akala nila wala lang para sa akin ang lahat ng ito." sabi paniya.


Nakakatuwang pakinggan na sa akin niya ipinagkatiwala iyon, at makakaAsa siyang ititkom ko ang bibig ko. " Oo ba! Promise!" sabi ko sabay taas pa ng kamay ko.

"Your turn" sabi niya.

"A...ako?" sabi ko , pero magsasalita pa sana ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Tara na Bestfriend baka magkasakit tayo nito" sabi niya sabay hawak sa kamay ko at sabay kaming tumakbo para sumilong. 

Nangmakahanap kami ng sisilungan. "Bestfriend? Agad agad?" natatawang tanong ko.

"Sayo lang ako nagshare ng mga nararamdaman ko, kaya ikaw na ang bestfriend ko" masayang sabi niya, hindi ko inakala na ang isang Matteo Samonte ay may pagkachildish din pala.

"Gaya ng sabi mo kanina panget yung mga first meeting natin. So, I would like to formally introduce myself. I'm Aldrin Matteo Samonte , 21 years old, Single."sabi niya sabay lahad ng kamay, agad ko naman iyong tinanggap.

"Zyrene Alexandria Baez, 19 years old, Single, Kuya!" sabi ko naman, ginaya ko lang yung sa kanya.

"Anong kuya!" natatawang sabi niya.

"Alam kong hindi ko mapapalitan si Mariell as sister mo but you can treat me one" alok ko

"Oo ba! basta wag mo akong iiwan!" sagot niya.

Naghihintay siya ng sagot... Ayoko, Ayokong mangako, buti nalamang at biglang tumunog yung bell.

"Kuya, tara na!" sabay hila sa kanya.

Pagkatapos noon, wala na kaming ginawa kundi kwentuhan. Ewan biglang gumaan yung loob ko sa kanya eh, parang Kuya ko na siya.

[Matteo's Pov]

Grabe siya, siya lang ang nakagawang paaminin ako, nakakahiya man dahil sa harap pa ng isang babae ako umiyak pero totoo ang lahat ng sinabi ko.

She's cute and chubby, iba yung pakiramdam ko everytime na naguusap kami. I like her. 


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro