Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




After 3 years

[Matteo's Pov]

Kakauwi ko lang galing Europe para asikasuhin yung pagpapatayo ng hotel namin doon 3 days akong nagstay don. Ang dami ng nagbago sa loob ng tatlong taon, May mga taong nawala at may mga taong dumating. Tatlong taon na ang nakaraan pero andito pa din yung sakit ng dahil sa paglisan niya... Pero alam ko namang may reason si God kung bakit kinuha siya sa akin, Sa amin... kung bakit nawala ang anak namin.

Sa loob ng tatlong taon. Naging matatag ang relasyon namin ni Zyrene nakatapos siya ng College at ngayon ay isang Bussiness woman na. Siya na kasi ang namamahala sa Bussiness ng Family nila ngayon. At dahil sa pagmamahal namin sa kanya ay gumaling siya sa sakit niya.

[Zyrene's Pov]

Nagaayos ako ngayon dahil magkikita kami ni Matteo, Kakauwi lang kasi niya galing Europe.

"Hija... Pwede ka ba naming makausap?" Sabi ni Daddy na ngayon ay nakatayo sa pintuan kasama si Mommy.

"Sige po...Pasok po kayo" masayang sabi ko.

"Ayoko sanang sirain yung araw mo pero mukhang kailangan mo ng malaman na kailangan mo ng magpakasal sa anak ng Bussiness partner namin, alam mo naman yon diba? Matagal na naming sinabi sayo" malungkot na paliwanag ni Daddy.

Biglang nanlaki ang mata ko. "Pero Dad... Si Matteo po yung mahal ko" naiiyak na sabi ko.

"Anak pag hindi ka nagpakasal sa anak nila eh, kukuhanin nila ang companya natin... Matagal kong iningatan iyon Anak" malungkot na sabi ni Daddy.

Agad akong tumakbo at tumungo kung saan kami magkikita ni Matteo agad ko siyang nakita na may katawagan sa cellphone at tuwang tuwa pa talaga siya, buti pa siya nakakatawa pa!

"Sweetheart!" tawag niya.

Pero imbes na sagutin ko siya ay agad ko siyang nilapitan at niyakap. Humagulgol ako at nagsumbong sa kanya. Napansin ko namang humingi siya ng paumanhin sa ibang tao doon.

Wala akong pakialam sa kanila basta magsusumbong ako! "Matteo! gusto nila akong ipakasal sa anak ng bussiness partner nila! Matteo ayoko! Ayoko! Tulungan mo ako! Dali na!" pagmamaktol ko pero tahimik lang siya. 

Tiningala ko naman siya pero nakita kong nagpipigil siya ng tawa. "Anong nakakatawa! Hindi ka ba magagalit! Ha! Ok lang sayo naipakasal nila ako sa iba!? Matteo! Buntisin mo na lang ako! buntisin mo na lang ako! Para sayo na lang ako! Sige na!" sigaw ko sa kanya at dahil don tsaka na niya binitawan yung kanina pa niyang pinipigilang tawa! Walang hiya! Nakuha pa talaga niyang tumawa.

Sinampal ko siya.

"Break na tayo! Bwiset ka!" sabay walkout! Walanghiyang bwiset na yon! Hindi man lang ako pinigilan! Siguro nakahanap ng babae din sa europe kaya ok lang sa kanya na sa iba na ako ipakasal. Damn him!

3 days na akong nagkukulong dito sa kwarto ko matapos ang pangyayaring iyon. Walang text o tawag galing kay Matteo. Si Mariel panay din ang sumbong sa akin na may iba daw kasamang babae ang Kuya niya, asaan na daw ba ako?

Mamayang gabi na kami mag didinner kasama ang family nung fiance ko daw kuno! Bahala na! Kung ganoon kabilis nakamove on si Matteo kaya ko din!!!

On the way na kami sa Hotel kung saan naghihintay yung bussiness partner nila Daddy. Para akong tuod dito sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin nagsisink in sa akin na... shit! Tama! Pagdating doon tatalon na lang ako sa rooftop, tama! Yon na lang ang gagawin ko!

Walanghiyang Matteo! Sasaksakin ko siya sa baga! at yung babae niya! Kakalbuhin ko! Siguradong kakalbuhin ko.

Agad kaming umupo sa pinareserve na seat... At kung minamalas ka nga naman! Sa hotel lang naman kami nila Matteo magmeet ng future husband ko.

"Cr lang po ako" paalam ko kina Mommy at Daddy. Ito na ang time para ituloy ang plano kong pagtalon sa rooftop.

Agad akong sumakay sa elevator papunta rooftop, Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko, eh bumagsak na ang mga luha ko, marami kaming nabuong memories doon... Pasigaw sigaw pa siya ng...

Mahal na mahal kita Zyrene Alexandria Baez-Samonte! Wag mo akong iiwan ha! ikamamatay ko!

Hayop! Wlang hiya! Tarantado! Gago! Abnormal! Bwiset! Matteo! Gunggong ka! Ano ba ang nangyayari sa atin! AUTHOR! Pakigising nga ako kung panaginip lang toh! Mababaliw na ata ako!.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng may magsalita sa likod ko. Namiss ko yung boses niya pero bakit may kumirot nung narinig ko yon... pinakawalan niya ako! Bwiset siya! Tanga niya dude!

"Anong ginagawa mo dito?" walang kaemoemosyong sabi niya.

"Magpapakamatay bakit!?" pagsusungit ko.

"Zyrene... Naalala mo noon ng sinabi mong hindi ka naniniwala sa happy ending!? Tama ka! Hindi nga sila totoo. Zyrene masakit mang sabihin pero hanggang dito na lang siguro talaga tayo" seryosong sabi niya, Di ba siya nalulungkot? wLang pumatak na kahit isa man lang luha!? ganoon ka dali!?.

"Hindi mo man lang ba ako ipaglalaban? Hindi mo ba susubukang wag matuloy ito!?" tanong ko sa kanya habang umiiyak ako.

Yumuko siya at umiling. Agad ko siyang pinaghahampas at pinagsasampal!. " Ang galing! Ano bang nangyayari? Nakakita ka na ba ng bago? Hanep naman Matteo ipaglaban mo naman ako! Kasi ako sinubukan kong itigil toh, kasi gusto ko sayo lang ako! Sinabihan pa nga kitang buntisin ako diba!? Pero shit Matteo ang sakit! Walang kang ginawa! Wala! Tarantado ka! Maging masaya ka sana!" sigaw ko sa kanya pero wla pa din siyang imik. ano nakaDrugs ba siya!? wala na akong gagawin dito kaya naglakad na ako papalayo, pero bigla siyang nagsalita.

"Mas magiging masaya ka sa kanya, Trust me! Siguradong aalagaan at mamahalin ka niya" sabi niya.

Napangisi naman ako at humarap sa kanya. "Trust me your face! Isa ka lang palang bangungot!" sigaw ko tsaka dirediretsong sumakay ng elevator.

Walang akong ginawa kundi umiyak habang pababa yung elevator, pagdating ko sa floor kung saan naghihintay yung parents ko ay nagulat ako ng makitang walang kailaw ilaw dito, walang hiya ano toh!? Nasa horror movie ba ako!? agad namang nagkaroon ng spotlight at nakatutok iyon sa isang mesa na pangdalawahan. Anong kaartehan naman ito!? Lumapit ako doon pero di ako umupo. Maya maya ay may naaninag ako na may papalapit sa pwesto ko.

"Anong ginagawa mo dito!?" sigaw ko.

"Malamang Hotel ko toh bakit!?"


"Ano toh!?" turo ko dun sa lamesa.

"Malamang lamesa!"


"Bakit ba brownout sa hotel mo ha! Hindi mo siguro binayaran yung bill, dahil wala kang inatupag kundi yang pambababae mo!" sigaw ko sa mukha niya. Pero agad akong nakarinig ng mahinang pagtawa.

"Ano yon!? Minumulto na Siguro tong hotel mo dahil sa kahayupan mo! Ano!?" dugtong kong sigaw.

Ahooo...

Sigaw ng isang lalaki na parang... Si Timothy?

Makaalis na nga dito at mabwibwiset lang ako!

  "Saan ka pupunta!?" seryosong tanong niya.

"Hahanapin ko yung Fiance ko... at susunggaban siya ng halik" mapangasar na sabi ko, tsaka talikod ulit.

"Dito ka lang!" seryosong utos niya.

"Yung totoo naka Drugs ka ba! Bitawan mo ng ako!" pagpupumiglas ko.

"Siguraduhin mo lang na gagawin mo yang pinagsasabi mo pagnakita mo yang fiance mo ha!"pangaasar niya.

"OfCourse!" pagmamaldita ko.

Ngumisi siya "Lights on!" sigaw niya, na nag pa *O* sa bibig ko. 

Nakangisi lang siyang nakatingin sa akin habang nililibot ako paningin ko sa buong paligid, nandito lahat ng kaibigan at kakilala namin, pati na rin yung mga kaibigan ni Matteo, lahat sila nakangiti sa akin, ganoon din si Marie... ibang iba ang ayos ng lugar kesa sa ayos nito kanina pag dating namin. Hindi ko alam kung bakit pero ayan nanaman ang mga luha kong naguunahang magbagsakan.

"Oh... asaan na yung halik ko!?" natatawang sabi ni matteo.

"Walanghiya ka Matteo! pinlano mo nanaman ba toh!?" sigaw ko sa kanya na ikinatuwa ng mga guest.


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro