Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




First session na namin ngayon at sa kasamaang palad katabi ko ang bastos na lalaki na toh. Mabuti naman at tahimik lang din siya, hindi gumagawa ng kung anong ikakainis ko pa. Halata ding galit siya dahil sa pagkakasalubong ng kanyang kilay, nakakunot pa ang noo. Inaaway ata yung pader. 

Mukhang nagalit dahil sa pag sampal ko sa kanya kanina. Humaba ang nguso ko, kung ayaw niya akong kagrupo, ayaw ko din naman. Ang kaso ay si Ate Maggie ang nag group sa amin.  

Nawala ang atensyon ko sa kanya ng magsimula na ang first session namin. Magaling ang speaker kaya naman nakuha niya kaagad ang atensyon ko. Sa kalagitnaan ng pagsasalita nito ay pumintig ang tenga ko ng marinig ko ang bastos na paghikab ng aking basto na katabi. 

"Wala ka bang manners!?" inis na tanong ko.

Sinamaan din niya ako ng tingin. Mukhang iritado na din. "Ano nanaman ba ha!?" 

Sandali akong nakipagsukatan ng tingin, lumaban din ang mokong. Sa huli ay inirapan ko na lang siya bago ko ibinalik ang tingin ko sa nagsasalita sa harapan. 

Sobrang interesting ng topic. Enjoy na enjoy na ako sa pakikinig ng muli nanaman umeksena ang katabi ko. Napahinto ang lahat ng tumunog ang kanyang phone! Ni hindi man lang niyang nagawang isilent. Super bastos!

Natawa ang iba naming kasama ng marinig ang ringtone niya. Chinito iyon by Yeng. Napanguso ako, gusto kong mangiti at matawa ang kaso ay galit ako at inis sa kanya. Galit ako at inis sa kanya!

Nagulat din si Matteo, para bang kahit siya ay hindi din inaasahan ang narinig. Kita ko ang pamumula niya dahil sa kahihiyan. 

"Sorry, Sorry, Excuse me" paumanhin niya sa speaker at sa tao sa likod namin.

Tumingin siya sa akin, sa kabila ng tinatamasang kahihiyan ay nagawa pa niyang mag taas ng kilay sa akin. Aba't! sa huli ay nginisian ko lang siya at inirapan.

[ Matteo's Pov ]

Gusto ko na lang humiga sa sahig at pagbigyan ang antok na nararamdaman ko. Wala talaga sa sistema ko ang mga ganitong klaseng bagay. Kahit mabait naman ako ay wala talaga akong ka-amor amor sa mga ganito. 

Sandali kong nilingon ang aking masungit na katabi. Pwede na nga sana siyang chicks kaso ang sungit. May na meet na akong ibang babaeng masungit sa umpisa, ayon naman pala ay nagpapapansin lang. Alam ko yung mga ganong galawan, pero yung katabi ko ngayon. Maungit talaga siya. Walang pagpapanggap, Masungit talaga, Dude!

Mas lalo pa akong nairita ng tanungin ako kung may manners daw ba ako. Eh sa gusto kong humikab eh. Anong gusto niyang gawin ko? Pigilan yon? Ano sa tingin niya sa akin? Sa gwapo kong to! Ni hindi man lang ata tinablan ang isang ito. Ang gwapo ko ha!


Ok na sana ang lahat ng biglang tumunog ang phone ko. Nung una ay hindi ko pa napansing sa akin iyon. Napagtripan nanaman ako ng isa sa mga babaeng dinate ko. Nakaramdam ako ng hiya kahit sobrang gwapo ko. Kaagad akong humingi ng paumanhin sa lahat.

Halos sumabog yung phone ko dahil sa sama ng tingin ko ng makita ko kung sino ang istorbo at nagpahiya sa akin. 

Tricia Calling...

Siya nanaman? Tapos na kami ah! Ang kulit talaga!

"Hello?" Tamad na bungad ko.

"Hello babe! Asaan ka? May party mamaya sa bahay, punta ka ha!"

Mukhang masaya ang party pero badtrip pa din ako. "Wala ako diyan sa Makati, nasa Bulacan ako!"

Ramdam ko ang pagkabigla niya sa kabilang linya  

"What!? Why?" Gulat na tanong niya. 

"Retreat" plain na sagot ko, ano ko ba siya? I don't need to explain anything.

"What!?" kasabay nun ang malakas niyang pagtawa, bwiset! pinatayan ko ang tawag ar ang phone.   

Medyo nabigla pa ako pagbalik ko, sobrang tahimik na nilang lahat. Lahat sila ay nakayuko at mukhang nagdadasal. Marahan akong naglakad pabalik sa aking inuupuan kanina. Tumaas ang kilay ko ng makita kong ganon din ang ginagawa ni Zyrene. 

Halos mamula siya sa kakaiyak, nakahawak siya sa kanyang dibdib na para bang nahihirapan siyang huminga. Aba't baka himatayin pa ito, kailangan kong maging alerto. 

Muli akong napatingin sa paligid. Lahat sila ay umiiyak. Lahat may iniiyakan. Napaisip tuloy ako ng bagay na pwede kong iyakan. Wala naman. Siguro ay pag tinanggalan ako ng mana ni Dad, baka teary eyed lang. 

Hindi ko na sana sila iintindihin at hayaang matapos sila sa drama nila sa kani kanilang buhay ng hindi ko maiwang mapatingin ulit sa aking katabi. Ano kaya ang iniiyak ng isang ito eh ang sungit sungit nga niya. Mukha din siyang matapang at kung lalabanan ko ay hindi ako uurungan. 

Umigting ang panga ko ng hindi ko nanaman naiwasang tingnan ang facial features niya. Mahaba ang kanyang natural na pilik mata. Mapungay ang kanyang mga mata na parang sa tuwing titingnan ako ay nangungusap. Cute ang ilong niya, maliit at sexy ang labi. Medyo malaman siya, ibang iba sa mga babaeng dinidate ko na pang model ang katawan. But I don't mind, walang kaso sa aking ang body type. Basta tao at humihinga. 

Patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata pababa sa kanyang pisngi. Mukhang malambot ang pisngi niya, mukhang masarap halikan. Halik na pang Lola, halik sa pisngi. 

Naikuyom ko ang aking kamao, bigla akong nakaramdam ng kung ano. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Para bang gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang patahanin at punasan ang luha sa kanyang pisngi. 

Damn it, Matteo. 


Zyrene's Pov


Hindi ko napigilang maiyak kanina. Pero masarap iyon sa pakiramdam, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. 

Matapos ang ilan pang Session ay nag dinner na din kami. At dahil wala naman akong ibang kakilala dito, at hindi ko naman pwedeng pagbawalan si Matteo na makishare ng table sa akin ay wala na akong nagawa kundi ang kumain ng tahimik kahit nasa harapan ko siya.  

Ramdam kong kanina pa niya gustong magsalita, ang kaso ay sa tuwing makakahanap siya ng tiempo ay sumasama ang tingin ko sa kung saan tanda na ayokong makipagusap sa kanya kaya naman makailang beses siyang naubo at halos masamid. 


"Bakit ka umiiyak kanina?" nakangiting tanong niya ng makahanap ng tiempo. Hindi na ata nakapagpigil.   

Kumunot ang noo ko, ngiting ngiti pa siya. May nakakatawa ba sa pagiyak ko? "None of your bussiness!" naiiritang sabi ko.

Imbes na labanan ang pagsusungit ko kagaya kanina ay mas lalo siyang nangiti. "Ang sungit mo talaga!" sabi niya na para bang dapat ako matuwa don dahil complement iyon. 

"Hindi ako masungit! Wala lang talaga ako sa mood makipagusap sa mga mayayabang" pagmamaldita ko.

Napaawang ang bibig niya bago siya nagtaas ng kilay. Aba't kung makaasta ang isang ito parang hindi pa siya aware na mayabang siya ah. "Mayayabang? So mayabang pala ako ganon?" tanong pa din niya, magmamaang maangan pa!

"Ano sa tingin mo!?" inis na sagot ko.

Ngumisi siya. Natuwa pa ata at tinawag ko siyang mayabang. Kung makangiti akala mo sinabitan ko ng medal dahil sa award niyang Best in kayabangan. Most Mayabang award. 

"Kasalanan ko bang may ipagyayabang naman talaga ako? Like mayaman ako, Gwapo, sweet, caring, mapagmahal... ano pa ba ang hahanapin mo?" Tanong niya sa akin. Parang nag sasales talk at ang kanyang inaalok ay ang sarili niya. Sana ay maayos pa ang isang ito. ang lakas ata ng tama. 


"Wala! And I'm not interested" pinal na sabi ko sa kanya. 

Natahimik siya, para bang iyon ang unang beses na nareject siya. Palibhasa ay gwapong gwapo sa kanyang sarili. Akala naman niya, lahat magwagwapuhan sa kanya. Para sa akin, konting gwapo lang siya!

Nawala ang talim ng tingin ko sa kanya ng may isang matandang babae ang lumapit sa aming table. Isa siya sa mga pansin kong friendly sa grupo. Para bang gusto niyang makilala ang lahat dito.  

"Nakakatuwa naman kayo.Bagay na bagay kayo, teka magkasintahan ba kayo?" tanong nung babae, ayy si Ate, gagawa pa ng issue oh!.


Umiling ako. "Ay hindi po" sagot ko 

"Ayoko po sa masungit" Sabi ni Matteo. Aba't! Ang kapal!

Tinaasan ko siya ng kilay."Sorry na lang, pero hindi ko po kasi type yung mga lalaking mayabang" inis na sagot ko.

Nagkasukatan pa nga kami ng tingin. Ramdam ko ang pagkainis namin sa isa't isa. 

"Mga kabataan talaga ngayon. Hangga't kayang itago, itatago. Kunwari pa kayo" sabi nung babae na ikinalaglag ng panga ko. Seryoso ba siya?  

May pagkabipolar din pala ang isang ito dahil nang umalis ang babae ay nangiti pa siya. "Bagay daw tayo oh, hindi ka ba natutuwa?" pangaasar niya.

"Bakit joke ba yon? kung joke yun, ang Corny! So may dahilan ba para matawa!?" inis na tanong ko.  

Ngumisi lang siya. "Malabo ba ang mata mo? Alam mo bang halos lahat habulin na ako, pero ikaw! ito inaaway mo ako!" laban niya.    

"Oh, talaga!? Kawawa ka naman habulin ka pala ng aso!" asik ko sa kanya bago ako tumayo para iwanan siya, pero mas lalo akong nainis ng maghari sa pandinig ko ang halkhak niya.    


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro