Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




Nakita ko siyang hubad na nakaupo sa tapat ng shower. Agad kong kinuha ang twalya at nilapitan siya.

"Zyrene... Ano bang nangyari?" nagaalalang tanong ko.

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Gusto ko ng mamatay!" sigaw niya habang patuloy pa din sa pagiyak.

"Shh... Baby wag mo namang sabihin yan!" pagaalo ko sa kanya.

"Kasalanan ko! Ako yung may kasalanan! Dapat ako na lang yung namatay!" nanghihinang sabi niya.

"Sweetheart sabihin mo sa akin! Ano ba talaga ang problema!?"

"Dapat magalit ka! Magalit ka sa akin Matteo! Sige na! Magalit ka sa akin! Please! Hindi ko na kaya! Gusto ko na ring mamatay!" pagwawala niya.

Bigla namang dumating sina Mommy at Mariell.

"Anong nangyari!?" nagaalalang tanong ni Mariell.

"Paki sabi pahanda ng sasakyan dadalhin ko siya sa Hospital!" utos ko sa kanya.

"Matteo anak..." nanghihinang tawag ni mommy.

Naramdaman kong parang biglang huminahon si Zyrene pero mas lalo akong nagpanic ng makita kong nakapikit siya. "Mommy... ano bang nangyayari?" umiiyak na tanong ko.

"Anak...Wag mo siyang iiwanan! kailangang kailangan ka niya ngayon" umiiyak na sabi ni mommy.

"P*ta! Mariell dalian niyo!" sigaw ko sa kapatid ko. "Tangina naman! Bakit ba kasi ayaw niyang magsabi sa akin!?"

Agad namin siyang dinala sa Hospital, Si mommy na ang nakipagusap sa mga doctor. Matapos ang ilang test ay nilipat na siya sa Private room. nagbreakdown daw siya dahil sa Stress at dahil na din siguro sa P*tang*N*ng problemang ayaw niyang sabihin sa akin.

"Sweetheart..." tawag ko sa kanya ng nakita kong dumilat siya kasama din namin si mariell ngayon dito sa kwarto.

Agad niya akong niyakap habang nakatayo ako sa gilid niya. Sinubsob niya ang mukha niya sa bandang tagiliran ko tsaka doon umiyak, p*ta! Buti pa yung tagiliran ko iniiyakan niya, samantalang sa akin ayaw magsalita!.

"Sorry, Matteo... Sorry. Hindi ko yun ginusto. Kasalanan ko" sabi niya habang umiiyak but this time mahinahon na.

"Baby... Magsabi ka kasi sa akin! Handa naman akong makinig sayo eh!" sabi ko sa kanya.

"Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin! Kasi Kasalana ko talaga!" this time nakatingala na siya sa akin. Nagulat ako ng dalhin niya ang kamay ko sa tapat ng tiyan niya at inilapat iyon.

"Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga. Sana hindi ko na lang itinuloy yung treatment. Edi sana hindi siya namatay, Wala akong kwentang Tao! Unti unti na palang namamatay yung anak natin, wala pa akong kaalam alam" Pagkatapos nuon ay humagulgol na siya.

Napasinghap si Mariell sabay takip sa bibig.

Samantalang ako nabato sa kinatatayuan ko at nanigas yung kamay kong nakalapat sa tiyan ni Zyrene. Anak!? Amin?

Unti unti na palang namamatay yung anak natin wala pa akong kaalam alam...

"Shhh... walang may gusto. Hindi ako galit sayo Zyrene! Hindi mo ginusto yung nangyari. Shh... May kasalanan din ako, Shh... Tama na baby, makakasama sayo yan" pagaalo ko sa kanya.

Nakatulog na Si Zyrene samantalang lumabas muna ako para magpahagin. Nakaupo ako sa bench ng bigla na lang akong natumba dahil sa isang malakas na suntok.

"Shit!" sigaw ko sabay punas ng labi kong dumugo.

"Tarantado kanina ka pa namin kinakausap eh!" sabi ni Kervy na sumuntok sa akin, kasama niya sina Luke at Timothy.

"Kanina pa kami dito bro, para kang tuod dyan!" sabi ni Timothy.

Matapos nilang magpaalam bumalik na ako sa kwarto ni Zyrene. Nakaupo na siya ngayon pero tulala pa din. Isa lang ang kailangan niya ngayon ang parents niya.

Gumawa ako ng paraan para ma-communicate yung mga magulang niya and atlast ok na. Ngayon ang uwi ni Zyrene galing hospital pero hindi ako sumamang sumundo sila Mariell na ang inutusan ko para doon. 

Maya maya lang ay dumating na sila, agad naluha si Zyrene ng makita ang parents niya na naghihintay sa may sala. Nagkaroon sila ng moment ng family niya, nagkapatawaran sila, ang sarap makitang ikaw ang dahilan kung bakit nakangiti ang taong mahal mo.

 Kagaya dati, si Zyrene yung naging way para magkaayos kami ng family ko. Kaya para maging maayos at masaya na ang lahat.

"Thank You, Matteo..." sabi niya sabay yakap sa akin.

"Ibinabalik na kita sa mga magulang mo Zyrene" malungkot na sabi ko.

Agad siya nag angat ng tingin. "Ayaw mo na ba sa akin?" mangiyak ngiyak na tanong niya.

"Kailangan mo ng bumalik sa inyo," sagot ko.

"B-Bakit!?" sabi niya sabay humagulgol... natawa naman kami sa ginawa niya ayan nanaman siya, Parang batang inagawan ng Candy.

"Sweetheart wag ka ng umiyak" pagaalo ko.

"Sweetheart, Sweetheart! Eh pinapaalis mo na nga ako! Sweetheart ka pa diyan!" pagsususngit niya na lalong ikinatuwa ko.

"Gusto kong umalis ka na dito sa bahay dahil, kung nandito ka, paano ako mamamanhikan, kaya nga pinapauwi na kita sa bahay niyo para mahingi ko na yung kamay mo sa parents mo" natatawang paliwanag ko.

"Huh!?"

"Ang Slow mo baby!"

"Walanghiya ka Matteo!!!" sigaw niya, tsaka kami nabalot ng tawanan lahat.



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro