Chapter 18
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
______Just Stay, 2015_______
[Matteo's Pov]
Nagumpisa na si Zyrene sa mga treatments niya. Medyo naging busy din ako dahil ako na ngayon ang namamahala sa mga hotels namin, tama si Dad. Dahil nahanap ko na yung babaeng gusto kong makasama sa habang buhay kailangan ko ng i-secure ang future namin. Lagi kong sinasamahan si Zyrene sa bawat treatment niya, kahit busy ako sa work palaging siya ang priority ko.Tinutulungan din ako nila Mommy at Mariell sa pagaalaga sa kanya, lalo na every after treatment dahil talagang nanghihina pa siya.
Kakatapos ko lang asikasuhin ang dapat asikasuhin, didiretso ako sa hospital para samahan si Zyrene. First time kong hindi siya nasamahan sa treatment niya dahil alanganin yung meeting ko kanina, Kaya si Mariell ang kasama niya ngayon, Nadatnan ko silang nagtatawanan.
"Hi Sweetheart!" sabi ko sabay halik sa noo niya, masasabi kong pumayat talaga siya dahil siguro sa treatment na ginagawa sa kanya.
"Tsk. Makaalis na nga masyadong showy ang isa dito nakakadiri!" maarteng sabi ni mariell, Tsaka sila nagtawanang dalawa.
"Magtigil ka nga diyan!" sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
"Epal talaga tong si Kuya!" inis na sabi niya.
"Sige na kumain ka na diyan nagtakeout ako sa restaurant" sabi ko sa kanya.
"Kamuta yung meeting mo?" tanong sa akin ng Sweetheart ko.
"Ok naman, Medyo natagalan lang dahil hinintay pa namin si Daddy. Nagdate pa kasi sila ni Mommy" natatawang sabi ko.
"Kainis lahat kayo may love life tapos ako wala!" pagmamaktol ni Mariell.
"Hoy! Bata ka pa kasi!" sabi ko.
"Anong bata Kuya eh 20 na ako! Mas matanda pa nga ako kay Zyrene. Siya 19 lang, Child abuse ka!" sabi niya.
"Mas matanda eh 1 year lang pagitan niyo, tsaka ano naman!? Gwapo, Caring, mabait at mapagmahal naman ang Boyfriend niya! Dapat pagpipili ka ng Boyfriend mo dapat katulad ko!" sumbat ko sa kanya.
"Tsk... ayoko nga! Sawang sawa na kaya ako sa ugali mong bulok! Buti nga napagtyagaan ka ni Zyrene eh!" pangaasar niya.
"Anong ugaling bulok! Sumusobra ka na ha! Mas matanda pa rin ako sayo!"
"Yeah right... Basta ayoko ng katulad mo!" natatawang sabi niya.
Pinauwi ko muna si Mariell para ako na ang sumama kay Zyrene dito sa hospital, bukas naman sa bahay na kami. Doon muna kami nag stay para kasama namin sila Mommy at Mariell para ma-guide siya ng maayos.
Nakatulog siya agad, Habang tulog siya inihahanda ko muna yung gamot na iinumin niya paggising niya. Pero habang inaayos ko, napansin kong parang hindi ata nababawasan yung mga gamot niya.
"Sweetheart bakit hindi nababawasan yung mga gamot mo?" tanong ko. Pagkagising niya.
"Ha... eh. Akala mo lang yon" sabi niya ng hindi makatingin sa akin. Sa hinabahaba ng panahon na magkasama kami alam ko na kung kailan siya nag sisinungaling o hindi. Hindi siya makatingin ng diretso!? Nagsisinungaling yan!
"Mamili ka! iinumin mo tong mga gamot mo, o ipapaInject ko na lang!" seryosong sabi ko sa kanya.
Wala siyang sinagot sa akin kundi hikbi niya, Nahilamos ko yung palad ko sa mukha ko. Sinasabi ko na nga ba, kaya gusto kong akong ang magalaga sa kanya eh, matagal ko ng napapansing hindi nababawasan yung gamot niya.
"P*ta! Ano bang nangyayari sayo!? ok naman yung mga result ng treatment mo ah! Bakit ayaw mong inumin yung mga gamot mo!" inis na sigaw ko, pero patuloy lang siya sa pagiyak.
"P*ta! Wag mo akong sagutin ng iyak mo!" galit na talaga ako.
"Nahihirapan na kasi ako eh"
"Ano!?" nagtatakang tanong ko.
"Ayoko na Matteo. Feeling ko Non-Sense na tong pinagagawa kong treatment. Kung mamamatay edi mamamatay!" sabi niya na parang wala lang sa kanya.
"Kagaguhan!" sigaw ko sabay bato nung basong may tubig tsaka ako umalis papuntang bar nila Timothy.
"Ano nanaman ba ang problema mo ha Matteo!" tanong ni timothy, wala sila kervy at luke.
"Damn it! Kala ba niya hindi rin ako napapagod!? Pero narinig ba niyang nagreklamo ako ha! May narinig ba siyang reklamo!? Wala naman diba! Bullshit! Bakit siya ang daling sabihing tama na! Dahil pagod na daw siya! Putangina talaga!" sigaw ko sa harap ni Timothy.
"Pagusap niyo kasing mabuti Gago! Nagwalkout walkout ka kasi agad!" sita niya sa akin.
Napamura ako sa sakit ng ulo ko pagmulat ko ng mata,
"Nagising ka ding Gago ka!" natatawang sabi ni Timothy.
"Ulol!" sigaw ko sa kanya.
"Alas tres na po ng hapon, Mahal na Senyorito!"
"Fuck! Napakasakit ng ulo ko!" reklamo ko.
"Eh halos ubusin mo ba naman yung alak sa bar ko eh!"
"Tsk! Uuwi na ako! Baka di nanaman inumin ni Zyrene yung mga gamot niya. Puta kung pwede lang ako na lang uminom non para sa kanya, kahit maOverdose pa ko!" sabi ko habang nagbibihis.
'Walanghiya! Tinamaan ka na talaga Bro!" natatawang asar ni Timothy.
Mabilis akong nakarating sa bahay, naabutan ko sila ni Mariell na nanunuod sa sala habang nagMimerienda, Galit ako! Papanindigan ko!.
"Oh... Kuya saan ka galing? bakit ngayon ka lang!? Naghintay kami ni Zyrene sayo kagabi! Alalang-alala kami" sumbat niya.
"NamBabae bakit!?" sagot ko habang kay Zyrene nakatingin, Galit siyang tumingin sa akin pero agad niyang binawi at tinuon ang tingin sa Tv.
Hinampas ako ng throw pillow ni Mariell. "Napaka mo talaga kuya! Di magandang biro yan! Hindi ka ba nagaalala sa iisipin ni Zyrene!?" galit na tanong ni Mariell.
"Bakit!? Nagaalala ba siya sa iisipin ko? Aakyat lang ako at magshoshower!" sabi ko sabay akyat sa kwarto.
Kung kailangan kong maging matigas sa kanya gagawin ko para gumaling lang siya. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama at kinakalikot yung phone niya paglabas ko ng banyo. Kinuha ko yung gamot niya at isang basong tubig.
"Tumayo ka" sabi ko, Agad naman siyang tumayo.
"Ako na" sabi niya, akmang kukunin niya yung gamot at baso ng ilayo ko sa kanya.
"Nga-nga!" utos ko. Ginawa naman niya yung sinabi ko pero nagulat sya sa sunod kong ginawa.
Hinihintay lang naman niyang isubo ko yung gamot sa bunganga niya, pero imbes na ganoon ang ginawa ko ay sa bunganga ko sinubo tsaka ko siya hinalikan at nilipat yung gamot sa bibig niya, matapos kong ilipat iyon ay pinainom ko na siya ng tubig. Tsaka ko siya iniwang nakatulala sa kinakatayuan niya. May side effect yung gamot niya na aantukin siya kaya paglabas ko sa walk-in closet ko ay nakahiga na siya at natutulog.
Napagpasyahan kong bumaba muna at puntahan si Mariell. tumabi ako sa kanya at nakinood na din.
"Kuya, Si Zyrene?" tanong niya.
"Natutulog bakit?" tanong ko, habang nakatingin pa din sa tv.
"Kuya kasi..." parang nagaalangang sabi niya.
"Ano!?" tanong ko.
"May nag Deliver kasi nitong plane ticket kanina, kay Zyrene nakapangalan" mahinang sabi niya.
Agad niyang ibinigay ang envelope sa akin. "Akin na! Puta susunugin ko!" sabi ko sabay kuha nung envelope at tska pumunta sa likod bahay tsaka sinunog.
Pagpasok ko ng bahay, "Paano kuya paghinanap niya yan? Tapos malaman nyang nadeliver na pala" tanong ni mariell.
"Edi itanggi!" sagot ko.
Agad akong umakyat sa kwarto, naabutan ko siyang may kausap sa cellphone pero hindi niya ata napansin ang presensya ko.
"Nadeliver na? Sure ba yan? Kanina ko pa din kasi hinihintay" sabi niya doon sa kausap niya.
"Sige, thank you" paalam niya doon agad siyang nagulat ng makita niya ako.
"Ma-Matteo kanina ka pa ba diyan?" tanong niya.
Umiling lang ako. "Kakapasok ko lang" pagsisinungaling ko. Walanghiya anong gagawin niya sa America? bakit may plane ticket siya? B*llsh*t! ano bang nangyayari sa kanya!?.
Ilang linggo na ang nakalipas pero ganoon pa din siya, pero mas lalong ata siyang lumala... Nabalitaan ko kasing hindi siya umattend ng treatment niya ng dalawang beses.
"Saan ka galing!?" tanong ko pagkapasok niya sa bahay, kung hindi siya umattend sa treatment niya kahapon, Eh Puta saan siya natulog!?
"Sa Hospital..." nakayukong sagot niya.
Magsasalita pa sana ako ng umiwas siya. "Magpapalit lang ako sa taas"
Sinundan ko siya sa kwarto, pero agad akong nagukat ng nakarinig ako ng pagiyak sa loob ng banyo.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro