Chapter 17
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
______Just Stay, 2015_______
[Zyrene's Pov]
Nagising ako sa sofa kung saan ko hinintay si Matteo kagabi. Walang bakas na umuwi siya dito, Dahil buo na ang pasya ko inayos ko na yung mga gamit ko para makaalis na. Habang ibinabalik ko sa maleta yung mga gamit ko naiiyak ako... Si Matteo nga pala ang nagayos nito sa cabinet.
Nagulat ako sa dalawang brasong yumakap sa akin patalikod. Agad niyang sinubsob yung mukha niya sa leeg ko. Hindi ako nagsalita dahil siguradong iiyak ako bigla.
"Sweetheart saan ka pupunta? Magusap naman muna tayo" mangiyak ngiyak na sabi niya.
Kinundisyon ko muna yung sarili ko bago ako nagsimulang magsalita, naumpisahan ko na kaya wala ng rason para hindi ko ito ituloy. "Ayoko na dito sayo, wala akong mapapala" sagot ko with a cold tone.
"Anong bang pinagsasabi mo sweetheart? Kung yung tungkol kay Mariell...Sinabi sa akin ni Mommy na aksidente ang lahat. Hindi ako galit sayo, wag ka namang umalis" umiiyak na sabi niya.
kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Hindi mo ba maintindihan na ayoko na nga dito kasama ka!" matigas na sabi ko.
"Sweetheart naman... ano bang problema?"
"Hindi mo ba maintindihan na pera mo lang ang habol ko!"pagsisinungaling ko. Wala na akong maisip na ibang dahilan. Gulong gulo na ako.
"Kinausap ka na ng Daddy mo na ikaw na ang pumalit sa kanya sa hotel niyo, pero mukhang ayaw mo pa din. Pwes ayoko na! Sawang sawa na ako sa pakikisama sayo, Wala naman akong mapapala sayo. Hindi mo mabibigay lahat ng kailangan ko" ayoko mang sirain ang sarili ko sa ganitong paraan pero mukhang ito na lang ang choice ko.
"Zyrene...Please stop this shit. Kilala kita, hindi ka ganyan. Ano ba kasi talaga ang problema at nagagawa mo ito?" seryosong tanong niya.
"Ano ba naman Matteo! Nagsasabi na nga ako sayo ng totoo, pilit mo pa ding binabaliwala!" inis na sabi ko.
"Sweetheart" tapos iniharap niya ako sa kanya.
"Ikaw ang nagturo sa akin na makinig sa explanation nila Mommy. At dahil don naintindihan ko sila, Sweetheart. Kaya ko ding intindihin yung explanation mo naman! Tiwala lang... Pagkatiwalaan mo naman ako, Sweetheart" pagsusumamo niya.
Hindi na ako sumagot, tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy yung ginagawa ko.
"Nak ng putcha! Zyrene!" seryoso at maAwtoridad na tawag niya, pero hindi ko siya pinansin.
"P*ta naman oh!" umiiyak na sabi niya tsaka umupo sa may dulo ng kama.
Ano ba tong ginagawa ko! ang tanga tanga ko talaga! Bakit mas mukhang nasasaktan siya? Anong na gagawin ko? Ano ng gagawin ko!?.
Wala akong nagawa kundi lumapit at yakapin siya.
"Matteo naman... Para sayo tong ginagawa ko, Wag mo namang gawing mahirap sa akin na iwanan ka" umiiyak na sabi ko.
"Para sa akin!? Wag ka ng umalis! Dito ka na lang sa tabi ko, Damn... Ikamamatay ko!" umiiyak na sabi pa rin niya.
"Pero..." magsasalita pa sana ako ng bigla siya tumayo at hinubad yung polo niya.
"A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko.
"P*ta! Kung kinakailangang buntisin kitang babae ka para wag ka ng umalis sa tabi ko gagawin ko!" sabi niya habang tinatanggal yung sinturon niya.
"Matteo..." pero agad niya akong sinunggaban ng halik. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas para matablan ng mga palo ko sa dibdib niya, Matapos niyang kagatin ang labi ko dahilan para dumugo ito ay pinagdikit niya ang aming mga noo... habang pinupunasan ang dugo.
"F*ck! Ikamamatay ko, Sweetheart kung mawawala ka sa akin! Sa akin ka na lang Sweetheart, dito ka na lang sa akin" sabi niya na parang akala mo may kukuha sa akin.
Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig na naging dahilan para magising ako sa katotohanang hindi ko kaya mawala ang lalaking ito, at dahil don napatango na lang ako, at mabilis niyang inangkin nanaman ang mga labi ko.
Dahil sa sensasyong ibinibigay niya. Hindi ko namalayang nasa kama niya na pala kami at nakapatong na siya sa akin. Patuloy lang siya sa paghalik sa akin.
"Make Love to me Sweetheart" sabi niya na agad kong sinagot ng halik.
Namulat ako dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa hubad kong katawan. Agad kong nakita ang mukha ni Matteo na mapayapang natutulog sa harapan ko na nakayakap sa akin na para bang akala mo tatakas ako sa kanya. Naluha ako ng makitang may dugo sa bed sheet ng kama. Tanda lang ito na iisa na kami ni Matteo, sakanya na ako, na ibinigay ko na ang lahat ng sa akin.
Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin, Pero nagulat ako ng lalo niya lang itong higpitan, Agad akong tumingin sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. "Sweetheart please!... Just Stay" sabi niya.
Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. "3 pm na, hindi pa tayo nag aalmusal at nanananghalian, Magshoshower muna ako tsaka magluluto" nakangiting sabi ko.
Umiling lang siya. "You're sore, Baby. Ako na ang magluluto, magShower ka na" sabi niya sabay halik sa akin.
Pagkatapos kong magshower ay dumiretso na ako sa lamesa at nakita kong naghahain na si Matteo, tutulong sana ako pero sinabihan niya akong umupo. Ganadong ganado akong kumain ng napansin kong seryosong nakatitig sa akin si Matteo habang pinaglalaruan lang yung pagkain sa plato niya.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko, Tumingin lang siya sa plato niya tsaka uminom ng juice at humalukipkip sa harap ko.
"May Gusto ka bang sabihin sa akin?" seryosong tanong niya.
Napalunok naman ako ng hindi oras, tsaka huminga ng malalim. Umiling lang ako tsaka "Wala" nakita kong mas lalong kumunot yung noo niya,
"Maghanda ka bukas pupunta tayo sa clinic ni Mommy para sa schedule ng treatment mo" seryosong sabi niya tsaka naglakad papuntang kwarto.
Alam na niya! Agad akong tumakbo papuntang kwarto at nakita ko siyang padabog na naghahanap ng damit, Agad akong yumakap sa kanya sa likod. "Sorry, Matteo..." umiiyak na sabi ko.
"Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Sorry kung kailangan ko pang mag sinungaling... Natatakot lang kasi ako" dugtong ko.
"Ang gusto ko lang naman na ikaw mismo ang magsabi sa akin, Pero kanina kung ano anong kasinungalingan pa yung pinagsasabi mo" galit na sabi niya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap.
"Sorry talaga."
Humarap siya sa akin at tinugon yung yakap ko. "Wag kang magalala sasamahan kitang labanan yang sakit mo. Andyan si Mommy, nagusap na kami. Hindi ka namin pababayaan" sabi niya.
tumango ako "Salamat..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro