Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______



[Matteo's Pov]

After naming makapag gasolina ay mabilis kaming nakarating sa bahay... Di ko alam pero napansin kong biglang tumahimik si Zyrene.

"Sir Matteo... Tamang tama po ang dating niyo kakahain lang po, nasa loob po ang Mommy at Daddy niyo" sabi ng isa sa mga katulong namin.

"Si Mariell?" tanong ko.

"Umalis po sandali" sagot niya sa akin. Tsaka umalis.

"You ok?" tanong ko kay Zyrene na tahimik na nakahawak sa kamay ko, pansin ko ding may kakaiba sa kanya.

"O-Oo" nagaalangang sagot niya.

"Tara puntahan na natin sila sa dining room" yaya ko sa kanya sabay hila.

Naabutan kong nakaupo si Daddy sa gitna. "Dad" tawag ko sa kanya.

"Matteo...Son" sabi niya sabay akap sa akin. 

Biglang nabaling ang tingin niya kay Zyrene. "Uhmm...Your Girlfriend?" tanong niya habang nakatingin kay Zyrene.

"Yes...Dad meet Zyrene" pagpapakilala ko kay zyrene.

"Magandang tanghali po" bati ni Zyrene kay Dad.

"At last! Sa hinabahaba ng panahon...May dinala ka na ding babae dito sa bahay..." natutuwang sabi ni Dad. You heard it right, Si Zyrene ang unang babaeng dinala at ipinakilala ko sa kanya.

"Umupo na muna kayo. Ang Mommy mo nasa kusina, Si Mariell may dinaan lang pero papunta na yon" sabi ni Dad.

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik" puna ko kay Zyrene.

Umiling lang siya. " Matteo..." putol na tawag ni Mommy sa akin.

"Mom" mahinahong sabi ko.

Hindi ko alam pero biglang napako ang tingin niya kay Zyrene at ng tiningnan ko naman si Zyrene, Nakatitig lang din siya kay Mommy na parang mangiyak ngiyak.

"Siya ba ang girlfriend mo, anak?" tanong ni Mommy na parang nanginginig.

"Yah... Teka ano bang nangyayari sa inyo? Magkakilala ba kayo?" natatakang tanong ko.

Nakayuko na lang si Zyrene kaya si Mommy na ang sumagot. Umiling lang siya at umupo sa tabi ni Dad, pero hindi pa rin maalis ang tingin niya kay Zyrene.

"Andito na po Si Ma'm Mariell" sabi ng isa sa mga kasambahay namin. 

"Kuya!" sigaw niya ng makita ako pero.

 "Zyrene! Buti nakapunta ka! Paano mo nalaman itong bahay namin?" dirediretsong tanong niya na nagpabilog sa mata ni Zyrene.

"Kilala mo siya?" nagtatakang tanong ko.

Tumango tango si Mariell "Natural bisita ko yan eh!" masayang sabi niya.

"Eh Girlfriend ko siya eh!" sagot ko.

"Ano bang pinagsa..."

"Marie, Enough!" sita sa kanya ni Mommy. Marie? 

"But..."

"Just sit. Kumain na muna tayo" sabi ni Mom.

May mali dito. Alam kong meron dahil iba ang tingin ni Mommy at Mariell kay Zyrene. Naguguluhan ako, Feeling ko magkakilala silang tatalo eh. Sa bawat subo at inom ni Zyrene halata mo yung panginginig niya. Pero dahil sa nararamdaman kong kakaiba hindi ako makapagsalita kaya nagobserba na lang ako.

"Son... After lunch, I want to talk to you para sa pamamahala ng Hotels natin" basag ni Daddy sa katahimikan.

"But..."

"Matteo... May girlfriend ka na. Alam kong maaga pa pero, hindi ba sumasagi sa isip mong kailangan mo ng magtrabaho for your future? Dapat nga inspired ka, lalo na ngayon may inspiration ka" pangaasar ni Dad.

"Ok." sagot ko.

[Zyrene Pov]

Naghiwahiwalay muna kami. Si Matteo at yung Dad niya nasa office, samantalang kami nasa may garden.

"Hija...I'm so happy na ikaw yung girlfriend ni Matteo" sabi ni Doc. Chona

"Hindi po ba kayo galit, dahil niloloko ko si Matteo?" tanong ko.

"OfCourse not! Alam ko lahat ng nangyari sayo at kung paano ka nagsakripisyo para sa kanya" sagot niya.

"Wag mo ng papakawalan si Kuya ha! Maraming nagbago sa kanya simula nung dumating ka" nakangting sabi ni Marie.

"Gusto ko po sana kayong kausapin tungkol dun" nahihiyang sabi ko.

"B-bakit Hija may problema ba?" nagaalalang tanong ni Doc.

"Gusto ko po kasi sanang lumayo na kay Matteo" naiiyak na sabi ko.

"Wag!...wag siguradong hindi kakayanin ni Kuya!" nagaalalang sabi ni Marie.

"Hija..." tawag sa akin ni Doc.

"Kaya nga po humihingi ako ng tulong para siya na mismo ang lumayo sa akin" sabi ko sabay ng pagagos ng aking mga luha.

"Pero hija..." di na matuloy ni Doc yung sasabihin niya dahil naiiyak na din siya.

"Buo na po kasi yung desisyon ko" sabi ko.

*Pak*

"Gumising ka nga! Ano bang ikinakatakot mo!? Ang masaktan siya!? Eh sa ginagawa mong yan mas lalo siyang masasaktan, Masyadong masasaktan ang Kuya ko!" sigaw ni Marie.

"Sorry pero kailangan kong gawin toh" sabi ko sabay walk out. Pero patuloy pa din siya sa pagpapatigil sa akin, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas siya at dumiretso ng bagsak sa pool. 

"Marie! Tulungan niyo kami!" sigaw ni Doc Chona, pero mukha lang ako tuod na nakatingin sa nalulunod na si Marie. Wala akong nagawa kundi ang umiyak, Ano toh!? Anong nagawa ko?


Natigil ako sa pagiisip ng may sumanggi sa akin...Si Matteo, Nagmadali siyang lumangoy at sinagip si Marie. Makalipas ang ilang sandali nagkaroon na siya ng malay.

Agad siyang yumakap sa Kuya Matteo niya. " Kuya...Kuya natatakot ako"

Naikwento na rin sa akin ni Doc. Chona na Muntik ng malunod dati si Marie kaya may trauma na daw ito.

Binuhat siya ni Matteo na parang bagong kasal. Tiempong daraan sila sa akin..."Sor..." hindi ko na sila nalapitan ng iniwas siya ni Matteo, binigyan niya lang ako ng isang blankong titig na para bang ako yung sinisisi niya. 

Ano bang inaarte ko!? Ito naman yung gusto ko diba!? Yung magalit siya sa akin. Agad silang pumasok sa loob pero si Doc...

"Hija hindi ako galit sayo sa nangyari kay Marie. Aksidente ang lahat, nakita ko... pero wag sa ganitong paraan mo hayaang lumayo sayo si Matteo. Ibang klase siyang magalit pag may nanakit sa kapatid niya, Hija alam ko kung gaano mo siya kamahal. Wag mo namang pahirapan yung sarili mo, Tinuring na din kitang parang anak ko, ayokong masaktan ka" umiiyak na sabi ni Doc.

Umuwi na akong magisa sa Condo ni Matteo. Kabastusan man pero hindi na ako nakapagpaalam. Hinihintay ko ding tumawag o magtext siya dahil baka nagalala siya ng mawala ako doon sa mansion. Pero wala ni isa.

[Matteo's Pov]

Hindi ko iniwan si Marie hanggang makatulog siya. Masyado siyang natrauma dahil na din siguro nung sa nangyari nung bata pa kami. Pinagmamasdan ko siyang matulog, masyado kong namiss itong kapatid ko. Simula pagkabata ako na yung nagtatanggol sa kanya.

"Anak... Umuwi ka na. Walang kasama si Zyrene sa condo" sabi ni Mommy.

"Dito muna ako kay Marie. Kailangan niya ako ngayon" sagot ko.

"Anak..."

"Ma! Please!"

"Masaya ako na napalaki ko kayong dalawa na mahal niyo ang isa't isa. Noong mga panahong umalis kami, ikaw lang yung inaalala niya Matteo. Masyado ka niyang mahal kaya mas ginusto niyang lumayo at sumama sa akin" naiiyak na sabi ni Mommy.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

Kinwento lahat sa akin ni Mommy ang rason kung bakit kailangan nilang umalis ni Marie. Nagkaroon daw ito ng brain cancer at medyo malala na. Ayaw daw ni Marie na makita ko siyang ganon kaya nakiusap siya kay Mommy at Daddy na gawin iyon. Hindi rin totoong may anak si Mommy sa labas.

"Bakit mas masakit, Ma!..." umiiyak na sabi ko habang yakap niya ako. "Bakit mas nasasaktan ako kasi wala akong nagawa para sa kanya, Nasasaktan ako kasi wala ako sa tabi niya para alagaan siya" patuloy ko. 

"I know Anak, I know..." pagpapahinahon sa akin ni Mommy.

"Ngayon alam ko na kung bakit dumating si Zyrene sa buhay mo. Para makabawi ka, kaya sana Anak, Gawin mo yung tama"





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro