Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______



Friday na ngayon, Ilang araw na akong nagiistay dito sa condo unit ni Matteo. Kahit naman sabihin nating in a relationship kami, hindi pa rin maganda tingnan. Nagluluto ako ngayon para sa lunch namin. Ang Matteo nasa kwarto hindi ko alam kung ano ang ginagawa, kaya naisipan kong puntahan na lang siya tutal nakasalang pa naman yung niluluto ko.

"Anong ginagawa mo sa mga gamit ko?" tanong ko. Half naked siya at kinakalkal niya yung maleta ko.

"Ina-Arrange ko sa cabinet natin, Sweetheart" sagot niya.

"Gusto sana kitang kausapin tungkol diyan eh..."

Kumunot yung noo niya at lumapit sa akin agad niya akong binigyan ng halik sa noo.

"Anong problema, Sweetheart?" nagaalalang tanong niya. Habang naka lapat pa din ang labi sa noo ko.

"Balak ko sana kasing lumipat na sa Hotel. Di naman ako tinanggalan ng allowance ni Dad kaya afford ko pa" kagat labing sagot ko.

"Why? Ayaw mo ba akong kasama dito?" malungkot na tanong niya. Ganun pa din yung pwesto namin hindi siya nakatingin sa akin pero nakayakap.

"Syempre gusto pero kasi, Parang pangit kasi tingnan. Mag girlfriend boyfriend pa lang tayo pero nakatira na tayo sa iisang bubong" pagpapaliwanag ko.

"Pangit tingnan Sweetheart kung may ginagawa tayong masama" sagot niya.

Actually isa sa reason yon, pero ang main reason ko talaga eh para sa nalalapit kong treatment. Kung sa condo unit kasi niya ako tutuloy, siguradong magtataka siya kung bakit may mga days na hindi ako makakauwi, sabi kasi ni Doc. Chona, after ng treatment stay muna daw ako sa Hospital overnight, hindi naman kasi araw araw.

"Dito ka na lang please. Hindi ako mapapakali kung bubukod ka sa akin, magaalala lang ako sayo, tsaka incase naman na lumipat ka hindi kita lulubayan don" natatawang sabi niya.

Tumango lang ako. Hinalikan naman niya ako sa lips pero smack lang. "Tatapusin ko lang yung paglalagay ng mga damit mo" pagpapaalam niya. 

"Wag na ako na lang mamaya" protesta ko.

"Ako na Sweetheart... NagEenjoy ako sa ginagawa ko mas lalo kitang nakikilala" natatawang sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

"Huh!?"

"Cute ng taste mo ha!" sabi niya sabay taas ng... PANTY KO! Bwiset na manyak toh! Ha! Dahil sa kabastusan niya ayan kumakain kami ngayon na may bukol siya sa ulo. Sa sobrang kakulitan ba naman! Ayan nauntog.

"Sorry na Sweetheart!" sabi niya pero parang wala lang akong narinig diretso kain lang.

"Sweetheart... pansinin mo naman ako..." pagiinarte niya, Bwiset nakakairita!.


"Pag hindi ka nagtigil dadagdagan ko yang bukol mo!" seryosong sabi ko.

Tahimik kaming natapos, Nasa kalagitnaan ako ng paguurong ng yumakap ang damuho sa akin. hindi na ako nagprotesta pa dahil nagkukunwari lang naman akong galit.

"Sweetheart tumawag si Mariell... Pumunta daw tayo sa bahay bukas, Birthday kasi niya" sabi niya habang nakasubsob yung mukha niya sa gilid ng leeg ko.

"Ok na ba kayo?" tanong ko.

Umiling lang siya, dahilan para makiliti nanaman ako. Kaya no choice kundi sikuhin siya, pero natawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit.

"I'll try to give them a chance to explain everything" sabi niya.

Humarap ako sa kanya at sinukbit yung dalawang braso ko sa leeg niya. "Magiging maayos din ang lahat...Ihanda mo lang ito" sabi ko sabay turo sa puso niya.

 Tumango tango siya, "Thanks for being here...Ipapakilala ko na sa kanila yung babaeng nagpatino sa akin" natatawang sabi niya, agad ko namang pinisil yung ilong niya.

Nakasakay na kamu ngayon sa sasakyan ni Matteo papunta sa bahay nila. Lunch daw kasi ang pinahanda nila at hanggang dinner kami doon. Medyo traffic din, pero hindi ako mapakali, hindi ko naman alam kung bakit.

"Hey... are you ok?" nagaalalang tanong ni matteo sabay hawak sa kamay ko at pinisil.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil di ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit ako kinakabahan...

"Wala nga pala akong regalo kay Mariell" palusot na sagot ko.

"Yung regalong binili ko para sa ating dalawa na yon" sagot niya.

Ngumiti na lang ako... Maya maya may nagText sa akin, Si Marie pala...

From: Marie.

Hi! Zyrene, I forgot to tell you na
Pumunta ng lunch. But pwede ka
namang humabol. If alanganin na
may dinner time pa naman. I'm looking
forward na makapunta ka.
Sa Clinic ka na lang ni Mom punta.
I'll pick you na lang. Just text me what
time .

Nasapo ko yung noo ko. Tsk. Nakalimutan ko palang inimbita nga pala nila ako ni Doc. Chona, Birthday din pala ni Marie ngayon, paano na toh?

"Sino nagtext?" tanong ni Matteo.

"Uhm... Kaibigan ko lang, Birthday din kasi niya ngayon eh" sagot ko.

"Oh... paano yan?" nagaalalang tanong niya.

"Text ko na lang na may lakad tayo"

Tumango tango lang siya.

"Magkakarga lang ako" sabi niya ng huminto sa isang gasolinahan.

"Ah... Sige restroom lang ako sandali" paalam ko, kanina pa kasi ako naiihi.

"Ok... Ingat ha!"


"Grabe ka naman napaka OA mo" natatawang sabi ko sabay pisil ng ilong niya, natutuwa ako don kasi napaka Tangos, pag nagkiKiss nga kami parang nawawala yung sa akin eh...

After kong magCr bumalik na ako sa sasakyan nakapark na ito sa gilid dahil tapos ng magGasolinahan.

"Sweetheart may tumawag... Doc Chona nakalagay. Hindi ko naman nasagot" bungad niya sa akin. Agad akong kinabahan.

"Ah..." yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"May sakit ka ba? bakit kailangan mo ng Doctor?" nagaalalang tanong niya.

"Uhm... Doctor ni Mommy yon, baka may ipapasabi lang" pagsisinungaling ko.

"Hindi ko pala nasabing Doctor din si Mommy" sagot niya.

Hindi ko alam pero parang nanigas ako na ewan. 

"B-Bakit?" tanong ko.

"Ah... Wala lang, kapangalan lang niya" sabi niya.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro