Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______



"Grabe namiss kong halikan tong labi mo. For goodness sake. Muntik na akong mamatay kakaisip sayo" sabi niya ng maghiwalay na ang labi naming dalawa.

"OA naman nito!" natatawang sabi ko.

"I'm serious, Kala ko talaga ini" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit dahilan para bumaon yung mukha niya sa leeg ko. "Andito na ako diba? Hindi kita iiwan" paniniguro ko sa kanya.

"Thank you... and I love you so much!" sabi niya.

"I love you too" sagot ko din.

Hindi na namin nagawang lumipat pa sa kwarto niya para matulog. Duon na kami sa sofa niya nagsiksikan. Agad niya akong pinahiga sa may bandang sandalan at mahigpit na niyakap, Sinabihan pa niya akong wag masyadong malikot dahil isang maling galaw mahuhulog siya. Agad din akong humarap sa kanya at yumakap tsaka sumubsob sa dibdib niya. Nakatulog kami ng ganoon ang posisyon na ginawa kong unan yung mga braso niya.

[Matteo's Pov]

Hindi na ako nagtaka at nagulat ng tawagan niya ako at nagpasundo siya, kinausap kasi ako ng Mommy niya. Sinabi din nitong may problema si Zyrene at ang Daddy niya kaya bigyan ko daw muna ng space si Zyrene. Kung ano man daw iyon, mas mabuti na daw na si Zyrene ang magpaliwanag sa akin. Naguguluhan ako nung una pero siguro naman pag ok na yung sitwasyon masasabi na niya sa akin.

Nagising ako sa sunod sunod na doorbell. Pagdilat ko nasilayan ko agad ang mukha ng taong mahal ko. Matagal ko ng pangarap toh, yung pag gising ko sa umaga mukha niya agad ang makikita ko, mahimbing pa rin siya natutulog, punyemas na yan ang ingay ng nagdodoorbell hindi makapaghintay?

Dadahan dahan akong tumayo para hindi ko siya magising at maupakan ko na yung istorbo na yon. pagbukas ko ng pinto.

"Good morning, Matteo the Great!" bati sa akin ni Luke.

"Anong ginagawa niyo dito, mga assungot kayo!" sabi ko sa kanila.

"Pumunta kami sa mansion niyo wala ka daw don kaya nagbakasakali kaming nandito ka, and we're right" sabi ng Timothy.

"Paggamit ng Cr pare!" sabi naman ni Kervy at tinabig ang kamay ko at nagdirediretso kasama si Luke.

"Oh ano papasok ka ba?" masungit kong tanong kay Timothy na ngumingisi ngisi pa,

"Mukhang may kasama ka ata sa loob" sabi niya sabay turo sa maleta ni Zyrene na nasa gilid ng pinto. What the... I forgot.

"What the fuck!" sigaw nung dalawa sa loob.

"I see..." natatawang sabi ni Timothy. Agad akong tumakbo papasok at binatukan yung dalawa.

"Wag nga kayong maingay! natutulog yung girlfriend ko oh!" sabi ko sa kanila, buti naman at hindi nagising si Zyrene sa sigaw nung dalawang gago.

"Bakit naman sa sofa niyo Ginawa?" natatawang sabi ni Luke.

"Tarantado! Wala kaming ginawa, nirerespeto ko siya" inis na sabi ko. Agad namilog ang mata nila at tumawa.

"Really..." tawa nilang tatlo na parang hindi makapaniwala.

Sinamaan ko lang sila ng tingin. "Sorry...hindi mo sinabi may bisita ka pala" nagulat ako ng magsalita si Zyrene at ngayon ay nakaupo na sa sofa, agad ko siya nilapitan at hinalikan sa noo.

"Mga kaibigan ko sila, Sweetheart" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"I'm Timothy... Nice to meet you..." 

"Zyrene" sagot ni sweetheart at agad tinanggap ang kamay ni Timothy.

'I'm Luke, pinakagwapo sa aming apat" pagyayabang ng kaibigan kong damuho.

Tumango lang si Zyrene at tinggap din ang kamay nitong nakalahad. 

"Tsk" yun lang ang sinabi ko sa kayabangan niya.

"Kervy" maikling pagpapakilala niya.

Matapos iyon agad niya akong nilingon "Magluluto lang ako ng Breakfast" sabi niya,

"Tulungan na kita" suwestyon ko.

Umiling lang siya. "Kaya ko na" sabi niya sa akin, agad kong pinaupo yung tatlo.

"Ano bang kailangan niyo? umagang umaga" inis na sabi ko.

"Chill bro! Namisa ka lang namin," natatawang sabi ni Timothy.

"G*go! Ano nga?"

"Oh invitation sa lintik kong kasal" bato ni Luke ng invitation sa akin.

"Sama mo na rin si Zyrene" dugtong niya.

"Sa Retreat mo ba siya nakilala?" natatawang sabi ni Kervy.

"Oo bakit?"

"Anak ng... Hulog ng langit sayo yan pare!" kantyaw ni Timothy.

"Mga tarantado! Magsitigil nga kayo!" bato ko sa kanila ng throw pillow. Agad kaming natigil sa pagsasalita ni Zyrene.

"Wala akong maluto... Walang laman yung kusina mo!" parang naiinis na sabi niya with matching taas kilay pa.

Agad ko siyang tinungo at niyakap. "Sorry Sweetheart. Hindi pa ako nagGrogrocery eh," paglalambing ko.

"Sumama na lang kayo sa amin magBreakfast sa may Coffee Shop malapit dito, tsaka kayo dumiretso sa grocery" suwestyon ni Kervy.

"Bright idea!" natatawang sabi ko, Sa aming apat masasabi kong si kervy ang pinakamatinong magisip.

[Zyrene Pov]

Kakauwi lang namin galing Coffee shop and grocery. Ang babait ng mga kaibigan ni Timothy, kung titingnan mo parang ang susungit at halatang mga babaero talaga pero pagsama sama sila puro tawanan at kantyawan. Inaayos na namin ngayon ang mga pinamili namin sa mga dapat paglagayan.

"Sweetheart, Wala ka bang balak magshare?" tanong niya, ng yumakap siya sa likod ko.

"Ng ano?" tanong ko.

"Kung bakit ka pinalayas sa inyo.  Bakit hindi ka nagpakita ng one week, ang totoo niyan kinausap ako ng Mommy mo na bigyan muna daw kita ng space dahil may problema sa pagitan niyo ng Daddy mo. Sabi niya rin na mas mabuti daw kung sayo ko na lang tanungin." sagot niya.

Hinarap ko siya at niyakap, gumati din siya ng yakap sa akin. Sumubsob ako sa dibdib niya. "Gusto niya kasing makipagbreak na ako sayo" sabi ko habang nakaharap pa din sa dibdib niya, naramdaman ko namang nabato siya, 

"Sabi ko ayoko, kasi one week pa nga lang naging tayo, Break agad?" dugtong ko.

Lalong humigpit yung yakap niya sa akin, inangat naman niya yung mukha ko, "Sorry dahil pinalayas ka sa inyo dahil sa akin. Pero sorry din kasi masaya ako, na ako yung pinili mo at pinili mong manatili sa akin. I love you so much at hinding hindi kita pababayaan" sabi niya sabay halik sa akin.

Naligo na ako at nagbihis, pupunta ako kay Doctora Chona ngayon para magpaschedule ng treatment ko.

"Matteo may pupuntahan lang ako sandali" pagpapaalam ko.

"Oh... Saan? Samahan na kita" sabi niya habang pinapatuyo yung buhok nia gamit ang twalya, kakalabas lang niya ng banyo at my gahd! nakatapis lang siya ng twalya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "Uhm...May kailangan lang akong puntahan. Wag ka ng sumama, ok kang ako" nahihiyang sabi ko.

"Look at me... Tama ba yang kinakausap mo ako pero sa sahig ka nakatingin?" pangaasar niya.

Hindi pa rin ako tumingin, bahala siya diyan! Tama bang makipagusap ka sa girlfriend mo na naka tapis lang ng twalya!?

"I said, look at me" mahinahon pero maAwtoridad niyang sabi.

Tumingin naman ako pero isang sulyap lang binawi ko din agad. "Ayaw mo ha!" sabi niya sabay lakad papunta sa akin, naAlarma ako kaya naman mabilis akong tumakbo at lumabas ng Kwarto.

Napahinto ako ng may marinig akong parang nabagsak.

 "Damn It!" sigaw ni Matteo na parang nasaktan.

"Oo tama! mag Damit ka!" natatawang sigaw ko.

"Zyrene!" sigaw na tawag niya sa akin, kaya naman tuloy tuloy na akong lumabas ng unit niya.

"Hindi natin basta basta mai-Schedule yung treatment Hija. Kailangan muna nating i-condition yung katawan mo. After ng mga treatments mo kasi makakaramdam ka ng panghihina, ganoon kasi ang side effects non. Kaya kailangan mo talaga ng katuwang, Buti naman at nasabi mo na sa parents mo" sabi ni Doctora habang busy magtake down notes para sa medical papers ko.

Hindi ako nakasagot kaya agad niyang tinigil ang pagsusulat at tumingin sa akin. "Hindi mo pa sinasabi?" tanong niya. 

"Nasabi ko na po. Pero kasi po pinalayas ako sa amin ngayon" naiiyak na sabi ko. agad siyang tumayo at umupo sa harap ko.

"Why?" malungkot niyang tanong.

"Gusto po kasi nila akong dalhin sa ibang bansa para doon ipagamot" sagot ko.

"Edi maganda! Oh bakit naman umabot sa pagpapalayas sayo?"

"Di po kasi ako pumayag na sumama"

"Dahil ba sa boyfriend mo hija?" tanong niya.

"Paan..."

"Halata namang yon yung isang dahilan para hindi ka sumama sa parents mo"

"Ayoko po kasi siyang iwan"

Kinwento ko kay Doctora ang laha. Lunch break niya na din daw kasi kaya ok lang na magshare ako sa kanya, parang anak na din naman daw ang turing niya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.

"Ang swerte ng lalaking iyon sayo. Pero alam ba niya,?" tanong niya.

Umiling lang ako "Masasaktan po kasi siya"

"Mas masasaktan siya pag nalaman niyang wala man lang siyang nagawa para sa taong mahal niya. Believe me! he needs to know" sabi sa niya sa akin.

"Sasabihin ko naman po eh, kaso hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula"

"I'm looking forward na sana sa next visit mo kasama mo na siya, lalong lalo na sa mga treatments mo," sabi ni Doc at nagpaalam na ko.

Palabas na ako ng pinto ng nagsalita siya ulit. "By the way! Birthday ni Marie this coming Saturday. Gusto ka daw niyang pumunta sa bahay, tsaka gusto rin naming mag thank you sa pag tulong mo sa amin sa Foundation. Alam mo namang hindi ka na iba sa amin right?"

"Ah... Sige po, I'll try"

"I hope na makapunta ka, ipapakilala din kita sa anak kong lalaki. I'll just text you the address. ok!" sabi niya.

Gabi na ako ng makauwi after kasi nung appoinment ko kay Doc. dumiretso na ako sa school para ayusin yung schedule ko, pagdating ko sa condo naamoy ko agad ang masarap na amoy na nanggagaling sa kitchen pero wala akong naabutang tao.

 Kung nagtataka kayo kung bakit nakapasok ako ng walang nagbubukas dahil sinabi sa akin ni Matteo yung door code niya. Nilibot ko yung paningin ko sa kitchen pero wala talagang tao. 7 pm na, kaya siguradong si Matteo ang nagluluto niyan pero asaan siya?.

"Anong karapatan mong umuwi ng ganitong oras?" nagulat ako sa nakakatakot na boses sa likod ko, agad akong humarap at napangiting ngiwi, Si Matteo ang seryoso ng mukha niya...

"Answer?" sabi niya na parang inuutusan akong sumagot.

"Natural may karapatan ako... Nasa malayang bansa ho kaya tayo!" pagsusungit ko din.

"Sumasagot ka pa ha!" seryosong sabi niya.

Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso, di mahigpit iyon pero sapat lang para di ako makaalis sa pagkakahawak niya. Muntik ng mawala ang pangamba ko ng makita kong nakaApron pa siya, pero nagbalik at dumoble pa ng nagsalita ulit siya.

"Gusto mong ingudngod ko yang nguso mo!? Sa Nguso ko?" tsaka siya ngumisi, at saka ako hinalikan.

The nerve! Kala ko magiging Battered girlfriend na ako.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro