Chapter 13
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
______Just Stay, 2015_______
One week na simula ng maging official na yung status namin ni Matteo. Masaya ako syempre kasi first boyfriend ko siya. Ang sarap pala sa feeling, Yung may magproprotekta sayo, magaalaga, magaalala, at may nag mamahal sayo.
Love is blind, Yan ang pinanghahawakan ko ngayon. Bakit? Kasi hindi ko inexpect na deserve ng isang tulad ko ang isang Aldrin Matteo Samonte. Maraming babae ang naghahabol sa kanya, mga babaeng halatang lamang sa akin. Mga tipo ng babaeng maipagmamalaki, maipagsisigawan sa buong mundo. Alam kong hindi ako isa sa mga iyon pero nagawa pa din akong mahalin ng isang tulad niya.
"Dad, Mom ayoko po. I'll stay here" sabi ko habang umiiyak.
"Are you out of your mind? May cancer ka Zyrene for pete's sake. Binabaliwala mo lang?" galit na sabi ni Daddy.
Sinabi ko na kasi sa kanila yung kalagayan ko at gusto nilang sumama ako sa kanila sa ibang bansa.
"Hija... Wag ng matigas ang ulo. Sumama ka na" naiiyak na sabi ni Mommy.
Umiling ako. "May doctor na po ako dito, siguradong matutulungan niya po ako. Please po let me stay..." pagmamakaawa ko.
"Dahil ba yan sa lalaki ha, Zyrene? Dahil ba yan sa isang lalaki!?" Galit na sigaw ni Daddy.
Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakayuko at patuloy na umiiyak. "Ok then, Just Stay... But hiwalayan mo yung lalaking yon!" madiing sabi niya sabay akyat sa kwarto.
What? For goodness sake! One Week pa lang ang nakakalipas ng sagutin ko si Matteo, hiwalayan agad?
One week ko na siyang hindi nakikita at nakakausap, sigurado akong nagaalala na siya. After kasi nung scene namin sa Rooftop pagkauwi ko andoon na sila Mommy. Sinabi ko sa kanila ang lahat at ito, one week na nila akong pinipilit na sumama sa US. One week na din akong grounded at pati phone ko kinuha na din.
"Hija, Sundin mo na kasi ang Daddy mo. Tama siya, hindi dapat binabaliwala ang sakit na katulad ng sayo Zyrene. Nagiisang anak ka namin. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo, We can't afford to lose you" mangiyak ngiyak na sabi ni Mommy.
"But Mom. Si Matteo, siya yung kailangan ko. Mas lumalakas ako pag kasama ko siya. Nakakalimutan ko yung sakit ko pagnasa tabi ko siya. Hindi ko kayang lumayo... Ayoko siyang iwanan. Pareho lang kaming masasaktan at ayoko na uling maranasan niyang maiwan at iwanan" humahagulgol na sabi ko.
Hindi ko na hinintay sumagot si Mommy. Alam kong kabastusan yon pero hindi ko na kaya. Agad akong umakyat at nagtungo sa kwarto ni Daddy, lumuhod ako at nagmakaawa.
"Anong kahibangan yan Alexandria!" sigaw ni Daddy. Ganyan siya pag sobrang galit sa akin. Second name yung tinatawag niya sa akin.
"Please, Dad. Let me stay. All I want is to stay" umiiyak na pakiusap ko.
"Ganyan. Yan ang epekto sayo ng lalaking yon? Nagpapakatanga ka sa lalaking yon?" sumbat sa akin ni Daddy.
"Zyrene tumayo ka diyan" sabi ni Mommy, akmang tutulungan niya ako ng nagsalita ulit si Daddy.
"Pabayaan mo siya..." sabi niya.
"Dad...Mahal ko siya... Mahal na Mahal" sabi ko naman.
*Pak*
Agad namanhid ang pisngi ko sa ginawang iyon ni Daddy. Sa unang pagkakataon sinampal niya ako. Sa unang pagkakataon pinagbuhatan niya ako ng kamay.
"Ok,Stay! Yan ang gusto mo diba? Sige Magisa kang magpagaling dito. Bukas na bukas din, aalis kami ng Mommy mo! Tingnan ko lang kung hindi magsawa sayo yung lalaking yon pag nagundergo ka na sa treatment" galit na sabi niya.
"Manang...manang!" tawag niya sa kasambahay namin.
"Sir..."
"Paki-impake lahat ng gamit nitong si Alexandria. Pinapalayas ko na siya dito sa pamamahay ko" madiing sabi niya.
Pagproprotesta pa sana si Mommy pero agad siyang binantaan ni Daddy. "Anong gusto mo? pati pera tanggalan ko siya?" tanong niya dito.
"Please don't do this honey..." sabi ni Mommy.
"I can't believe it! Pinili niya yung lalaking yon, Over us?" sabi niya.
Agad namang dumating sila manang dala yung mga gamit ko.
"Sorry... Dad, Mom" paalam ko sa kanila at nagsimula ng tahakin ang daan palabas ng bahay namin.
Ng makalabas ako sa subdivision namin, agad kong hinalungkat yung shoulder bag ko.
Galing lahat kay Matteo ang mga missed calls at messages .Medyo nanlalabo pa ang paningin ko sa luha sa aking mga mata, pero nagawa kong tawagan si Matteo. Isang ring palang eh agad na niya itong sinagot. Sinabi ko sa kanya na sunduin ako sa may guard house sa gate ng subdivision namin. Yun lang muna ang sinabi ko, wala pa akong lakas mag paliwanag.
Mga ilang sandali pa ay agad akong nakarinig ng busina. Agad bumaba doon si Matteo na lakad takbo ang ginawa para mabilis na makalapit sa akin.
"Matteo..." umiiyak na tawag ko sa kanya, agad naman niya akong niyakap at pinaulanan ng halik sa ulo.
"Shit...I miss you so much" sabi niya habang mahigpit akong niyakap.
"Ang sama sama ko... ang sama sama kong anak" humahagulgol na sabi ko habang naka subsob sa dibdib niya.
"Shhh...Tara sa condo ko dun kana magstay" sabi niya sabay hila sa maleta ko, inalalayan niya din akong sumakay sa sasakyan niya.
Tahimik lang kami sa byahe, tanging paghikbi ko lang ang naririnig, "Sorry sa abala" sabi ko sa kanya.
"It's my responsibility, Zyrene. Hindi ka nakakaabala, ok?" pagpapatahan niya sa akin.
Hindi ko na nagwang sumagot. Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang makarating sa condo niya. Agad niya akong pinaupo sa living room at niyakap.
"Halos mabaliw na ako. Isang linggo lang kitang hindi nakita parang mababaliw na ako. Kala ko iniwan mo na din ako" sabi niya. halata sa boses niya ang takot.
"I'm sorry" yon lang ang salitang nagawa kong bitawan.
'"Stop crying... Alam kong magulo pa ang sitwasyon natin. For now, just rest. Magluluto lang ako ng dinner natin" sabi niya tsaka niya ako inalalayan papuntang kwarto niya.
Pagkahiga ko agad niya akong hinalikan sa noo. "I miss you so much..." sabi niya na parang takot na takot pa din. Hindi ko napansing nakatulog na pala ako sa kakaiyak, agad akong nagising ng may humahaplos sa buhok ko.
"Sweetheart...Dinner is ready" sabi niya sa akin.
Agad kaming tumayo at nagtungo sa dinning area. Napangiti ako sa aking nadatnan, nagluto siya ng sinigang...
"Paghanda ka na... Handa akong makinig. This time ako naman yung tutulong sayo para mawala yung sakit dito" sabi niya sabay turo sa dibdib.
Binigyan ko lang siya ng isang ngiti. Tahimik kaming kumain, nagprisinta pa nga ako na ako na ang maghuhugas pero ang tigas ng ulo niya!
"Ako na sabi?" pagtataray ko habang nakahalukipkip at trying hard maging masungit kahit maga ang mata.
Napatawa siya. "Fuck namiss ko yan... namiss ko yang kasungitan mo" sabi niya sabay yakap sa akin.
Agad akong kumalas at pinungot yung tenga niya.
'"A-array... aray, Sweetheart. Bakit?" nahihirapang banggit niya.
"Yang bunganga mo talaga ha!" istriktong sabi ko.
"Ba-Bakit...Ouch" at nagawa pa talagang magtanong ha!
"Puro mura ang lumalabas!" sagot ko.
"Itong bunganga ko?" inosenteng tanong niya. Tumango lang ako at tinaasan siya ng kilay.
"Nasasarapan ka naman!" pangaasar niya, sabay kiliti sa akin dahilan para mabitawan ko yung magkakapingot ko sa tenga niya.
Agad akong tumakbo sa living room dahil kakaibang kiliti ang ginagawa niya sa akin. Sa leeg! sa leeg niya ako kinikiliti, ata alam niyo gamit, Yung labi niya! Hinahalikan niya ako sa leeg! eh doon ang pinakamalakas na kiliti ko eh!
"Isa Matteo tama na ha! wala ako sa mood ngayon!" pagbabanta ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig.
"Paki-alam ko?" tanong niya habang patuloy ako kinikiliti.
"Isa! Nakakinis ka na ha!" sabi ko din sabay abot ng dalawang tenga niya para pingutin.
Dahil sa kakulitan naming dalawa ay natumba kami sa sofa at agad siyang napaibabaw sa akin.
Natigilan kami ng marealize namin yung pwesto namin. Agad nagkatagpo ang mga mata naming dalawa. Unti unting bumaba ang tingin niya sa labi ko pero bago pa man niya maituloy ang binabalak niya.
"Umalis ka nga diyan ang bigat mo..." pero bigo pa din ako dahil mabilis nanaman niyang inangkin ang labi ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro