Chapter 12
Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.
______Just Stay, 2015_______
"Diba talaga pwedeng tabi?" pangungulit niya.
"Kulit mo din eh ano!? Dapat nga sa guest room ka eh!" sabi ko sabay latag ng higaan sa sahig. Ano ako matutulog sa sahig!?
"Wala naman tayong gagawing masama ah! ikaw ha! matutulog lang naman tayo eh!" mapangasar na sabi niya.
"Eh basta!" sabi ko sabay talon sa kama ko at talukbong ng kumot.
"Ganyan ka Sweetheart! Nung pumunta ka sa condo ko, tapos nakatulog ka, inayos kita ng higa sa malambot kong kama kahit lasing ako. Basta makasiguro lang akong comportable ka, tapos..." nagiinarteng sabi niya.
"Nanunumbat ka ba!?" tanong ko.
"Hindi! Story telling lang" malungkot na sabi niya. Ang arte naman pala ng isang ito!
Wala nakunsensya na rin ako kaya sige na nga! "Lumipat ka na dito!" sabi ko.
"Ayoko na pilitin ka sa hindi mo gusto Honey. Ok lang ako dito sa matigas at malamig na sahig" pagiinarte pa din niya.
"Eh ok naman pala, kung ano ano pang inaarte mo eh!" sabi ko.
"Hindi joke lang" sabi niya, naramdaman ko namang lumundo yung kama,
"Penge Goodnight kiss!" sabi niya, nakatalikod kasi ako sa kanya.
"Pwede na ba toh?" tanong ko habang nakataas ang kamao kong handa na siyang suntukin.
"Sabi ko nga matulog na" nanghihinayang na sabi niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang yumakap sa akin.
"Ano ba!" sigaw ko.
"Hindi ako nakakatulog ng walang yakap" pangaasar niya at dahil antok na ako, hindi na ako nakipagaway sa kanya.
Pagkagising ko wala na si Matteo sa tabi ko, kaya naman nagayos na ako at bumaba na. Nakarinig ako ng tawanan sa may kusina. Nakita kong nagluluto siya kasama ang mga kasambahay namin.
"Good morning, Sweetheart!" sabi niya, agad naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Ganyan yan palagi sa noo ako hinahalikan and I find it sweet!
"Good morning" bati ko din, but nagulat ako ng halikan niya ako but Smack lang.
Hinampas ko siya sa braso "Andyan sila Manang" nahihiyang sabi ko.
Tumawa lang siya. "Kain na tayo, Sweetheart" tsaka niya ako hinila papuntang dinning room.
Natapos kaming kumain, nauna akong umakyat sa taas para maligo at magbihis dahil magsisimba nga kami ngayon. After kong maligo, nagtapis ako ng twalya at lumabas ng banyo, nilock ko naman yung pinto kaya sigurado akong hindi makakapasok si Matteo.
"Anong ginagawa mo dito!?" sigaw ko ng makitang nakahiga siya sa kama ko at half naked.
"Tagal mong maligo, Sweetheart" sabi niya sabay tayo, nagulat ako ng lumakad siya palapit sa akin habang tinatanggal yung sinturon niya,
"Anong ginagawa mo?" nanginginig na tanong ko.
"Unbuckling my belt, I guess?" pangaasar niya.
"Isa! wag kang lalapit sisipain kita!" sigaw ko sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya at agad tumingin sa katawan ko, "Really, Sweetheart Sisipain mo ako kahit nakatapis ka lang ng tuwalya?" pangaasar pa rin niya na parang pabor na pabor sa kanya.
Tumingin naman ako sa katawan ko. My gahd nawawala ako sa sarili ko pag kaharap ko itong damuho na ito!
"Naku, Sweetheart wag na wag mong gagawin yan. Alam mo namang gigil na gigil na ako sayo. Nagpipigil lang" pangaasar niya habang lumalapit pa din
"Maligo ka na nga! Ang baho mo!" sigaw ko.
Napayuko naman ako. Kung ano anong iniisip ko.
"Ikaw Sweetheart ha! Kung ano anong iniisip mo" pangaasar niya.
"Tse! Maligo ka na nga don baka malate tayo" sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.
"Si Sweetheart pinagnanasahan yung sexy body ko!" nangaasar na sabi niya. Babatuhin ko pa sana siya ng dali dali niyang isinara ang pinto.
_________________________________
Nakasakay ako ngayon sa sasakyang sumundo sa akin. Pinapasundo daw ako ng Matteo. Anong pakana nanaman ito? Almost 2 months na ang nakalipas ayan pa din siya. Patuloy na nanliligaw sa akin, Sapat na siguro yun para mapatunayang seryoso talaga siya sa akin. But hindi naman mahalaga kung gaano katagal, right? It's about the feeling, Yung nararamdaman mo. Kaya ito na siguro yung right time...
Huminto yung sasakyan sa hotel nila Matteo.
"Rooftop daw po, Ma'm" sabi nung driver.
"Thank you po" sabi ko naman at nagpaalam na.
Agad akong nagtungo sa rooftop. Nakita ko agad ang bulto ni Matteo na nakaupo sa isang table at nakatalikod sa akin.
"Hi" sabi ko.
"Hello Sweetheart" sabi niya, tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Inalalayan niya din akong umupo.
"Eat" sabi niya.
Tumango naman ako, pero sa kalagitnaan ng pagkain ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"Wag mo nga akong tingnan!" pagsusungit ko sa kanya.
Natawa naman siya. "Almost 2 months na tayong nagdadate, ngayon mo lang ako sinita pagtinititigan kang kumain" sabi niya. Alam ko naman yon eh, pero iba ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang talaga ako sa kanya.
"Eh basta!" sabi ko naman sabay irap sa kanya.
Natawa naman siya. Pagkatapos biglang tumahimik ulit... A-K-W-A-R-D! Kahit nakauyok ako at kumakain nakita kong humalukipkip siya at yung isa niyang kamay nilalaro yung ibabang labi niya. Ang hot.
"I love you" sabi niya na damang dama mong with feelings.
Muntik na akong mabilaukan but na manage ko naman agad.
"Take it slowly" sabi niya sa akin, tumango naman ako at uminom ng Juice, Palagi naman niyang sinasabi yung Salitang i love you sa akin pero ano ba tong moment na toh? kakaiba!
Agad akong tumingin sa kanya, Iba yung mukha niya parang may hinihintay na ewan, tinaasan ko lang siya ng kilay. Agad nagbago yung expression niya at bumuntong hininga. Tumingin din siya sa malayo.
"It's ok, it's not a question. You don't need to answer" nakangiting sabi niya habang sa malayo pa din nakatingin, Arte! Halata naman yung pagkadismaya sa boses niya at sa mukha.
Hindi ko naman siya masisisi, matagal na siyang I love you ng I love you sa akin pero ni minsan hindi ako sumagot ng I love you too. Hindi ko rin naman masasabing assuming si Matteo dahil pareho naming alam na our feelings is mutual, ako lang talaga tong pakipot.
Bumuntong hininga din ako. Tatapusin ko na tong paghihirap naming dalawa. MakikipagBreak na ako sa kanya. Joke!
"Mahal kita, Matteo" sabi ko bago ako napakagat sa aking pangibabang labi. Nahihiya ako eh!
"A-ano..." parang hindi makapaniwalang tanong niya.
"Mahal kako kita" ulit ko.
"A...Ano ulit na bibingi ata ako eh" parang amaze na amaze na sabi niya.
"Kainis naman oh!" Inis na sabi ko, bingibingihan lang? tumayo ako at naglakad palayo, naglakad ako papuntang dulo ng rooftop kung saan kita mo ang lahat, malulula ka pag tumingan ka sa baba.
Naghanda ako para sumigaw." MAHAL KITA ALDRIN MATTEO SAMONTE! ANG BINGI MO NAMAN!" sigaw ko.
Tsaka ako humarap ulit sa kanya, pero nagulat ako ng nasa likod ko na pala siya. "Oh narinig mo na?" tanong ko na may kasamang pangaasar.
Hindi na siya nagsalita isang matamis na ngiti ang iginanti niya sa akin at saka niya ako hinalikan. Masasabi kong this is the most romantic one. Sandali lang iyon pero yon ang pinakakakaiba.
Agad niya ipinagdikit ang noo naming dalawa, "I love you... I love you, I love you" sabi niya habang hinahabol pa yung hininga niya. Tsaka niya ulit ako binigyan ng kiss pero smack lang. Agad din siyang nagtungo sa pwesto ko kanina at sumigaw.
"MAHAL NA MAHAL DIN KITA, ZYRENE ALEXANDRIA BAEZ-SAMONTE! WAG NA WAG MO AKONG IIWAN HA! IKAMAMATAY KO!" natatawang sigaw niya.
WAG NA WAG MO AKONG IIWAN HA! IKAMAMATAY KO! That hits me! May kumurot nanaman sa puso ko.
Oh my, Matteo! Anong gagawin ko?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro