Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




Hinila niya ako sa park ng subdivision namin. Napaka talaga nitong lalaking toh! Kung hindi ko lang to mahal!? malamang sinipa ko na toh!

"Saan ka nga kasi galing?" paulit ulit na tanong niya, ang kulit niya!

"Naglalakad lakad kasi ako ng makita ko yung Crush ko," pangaasar ko. Maloko nga!

"Crush mo? Ako lang ang pwede mong maging Crush!" sabi niya.

Umiling iling naman ako. "Teka! Patapusin mo muna ako!... Edi ayon nakita ko siya tapos sinundan ko siya" natatawang sabi ko.

"Ano!? Saan naman kayo napadpad?" seryosong sabi niya.

Nakakatawa talaga ang itsura niya paggalit! Ang cute! Ang sarap ikiss! "Nung sinundan ko siya... napadpad kami sa isang park" natatawang sabi ko.

Agad namang nagliwanag ang mukha niya. "Sabihin mo nga gwapo ba yang Crush mo?" natatawang tanong niya.

Umiling iling lang ako, dahilan para bumagsak ang balikat niya.

 "Sobra!" masayang sabi ko.

"Hot ba?" nakangising tanong niya. Lakas din ng tama nito eh ano? Alam naman niyang siya, gusto pa talagang sa akin manggaling yung complement.

"Oo! napakaHot nga eh! sa sobrang hot, umiiwas na ako nakakapaso eh!" natatawang sabi ko.

Agad namang kumunot yung noo niya, Agad naman niya akong hinapit sa bewang "Hindi ka pwedeng lumayo sa akin Ms. Sungit! Susundan kita kahit saan ka magpunta" nakangising sabi niya.

"Talaga!?" natatawang sagot ko, Agad akong humakbang patalikod para sana takasan siya pero anak ng kalabaw at butiki oh! Dead End, Nakasandal na ako ngayon sa puno.

Agad naman ulit siyang humakbang palapit sa akin at hinapit ako sa bewang, "Tatakas ka pa ha!" mapangasar na sabi niya.

"Di ah! Sa tingin mo ba makakatakbo ako?" nakapout na sabi ko.

"Buti alam mo! Kasi hinding hindi ka makakawala sa akin!" sabi niya gamit ang kanyang mapangakit na boses.

Kinilig na ako guys! I swear kainis! Napakagat tuloy ako sa labi ko! Kainis ayokong ngumiti sa harap niya, kahiya yon noh!

"Stop that!" sabi niya sabay hila sa baba ko para matanggal ang pagkakakagat ko.

Tumingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Sagabal eh" sabi niya sabay halik sa akin.

Ito nanaman ang masarap niya labing nakalapat sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magrespond sa halik niya. Halatang halata na expert siya! Kahit naman hindi ako marunong sinasabayan ko na lang ito. Agad kong pinulupot ang magkabilang braso ko sa batok niya. Agad din naman niya akong hinapit sa bewang dahilan para mas lalong magkadikit ang katawan naming dalawa.

Nakasandal na ako ngayon sa puno pero pinakasweet alam niyo kung ano? Hinarang niya yung kamay niya sa likod ng ulo ko para hindi ko maramdaman ang magaspang na katawan ng puno. Hindi na ako makahinga kaya naman dahan dahan ko siyang tinatapik sa balikat niya. Nahiya naman ako ng narinig ko ang sariling hinaing ko dahil sa kawalan ng hangin.

"Nakakagigil ka, Sweetheart!" sabi niya habang hinahabol yung hininga niya.

Napangiti na lang ako at sumubsob sa dibdib niya. Pero nagulat ako ng may maramdaman akong mainit na palad sa bandang ilalim ng likod ko and take note! Nasaloob yun ng tshirt ko! Ganoon ba kamagical ang halik niya na hindi ko namalayang nanananching na siya!?

Agad ko siyang hinampas sa dibdib " Asaan ang kamay mo!?" sigaw ko sa kanya.

Agad naman siyang ngumisi at itinaas baba pa iyon na nagpatayo ng balahibo ko. " Sexy ka naman pala Sweetheart eh!" nakangising sabi niya, sabay palo sa pwet ko! 

"Manyak ka!" sabi ko, akmang hahampasin ko siya ng bigla siyang tumakbo.

Hinabol ko siya ng hinabol pero masyadong mahaba ang paa niya kaya naman walang chance na maabutan ko siya, napatigil naman ako sa pagtakbo ng may matandang magasawa ang dumaan. Malayo layo si Matteo sa akin, nakangiti naman ang dalawang matanda sa nakita nilang senaryo sa amin ni Matteo.

"Sweetheart tama na ang takbo! Baka kung mapaano ang baby natin!" sigaw niya. 

Anak ng! 

"Baby mo mukha mo! Bwiset!" sabi ko sabay talikod, bahala siya diyan!

Naglalakad ako pabalik sa bahay ng may nagtitinda ng fishball akong nakita, ang daming bumibili pero nakisingit ako, kailangan ko ng energy. Himala at hindi pa sumusunod ang Matteo.

'"Kuya 20 pesos po!" sabi ko, edi 40 pcs, yon. Pagkabigay ni Kuya, umupo naman ako sa isang bench para kumain, bahala siya! Baby mukha niya! Bwiset eh kung kilala ako nung dalawang magasawa na yon tapos mabalitaan nila Mommy! edi patay nanaman ako nito!.

Nasakalagitnaan ako ng pagkain ng may umupong magJowa sa tabi ko. Mahaba kasi itong bench kaya naman walang pakialamanan! Muntik na akong mabulunan ng paglingon ko ay naghahalikan na sila. Grabe intense! Parang wala ng bukas! Mabilis ko namang nilunok yung fishball sa bibig ko dahil sa nasisilayan ko, feeling ko ako yung mauubusan ng hininga.

Dahan dahan akong tumayo para sana hindi sila maistorbo, pero agad na may humarang sa likod ko. 

"Saan ka galing!?" taas kilay na tanong ko sa kanya. Aba! hindi lang siya ang pwedeng magtanong. Agad naman niyang itinaas ang dalawang bote ng mineral water.

Agad niyang inipit sa magkabilang kilikili niya ang dalawang bote ng tubig at kinuha yung hawak kong fishball, yung isang kamay naman niyang walang hawak ang ginamit niya panghila sa akin.

"Hindi marunong humalik yung lalaki!" nakangising sabi niya pagdating namin sa ilalim ng puno na pinanggalingan namin kanina.

"Baka first time!" sabi ko sabay kagat ng fishball.

 "Ito sayo" abot ko sa kanya nung isang stick na may lamang 20 pcs.

"Ah... thank you" sabi niya, sinuri naman niya iyon.

"Di ka kumakain niyan?" tanong ko.

"Dati, Ngayon kumakain na" nakatawang sabi niya sabay subo.

"Nabasa yung kilikili mo!" natatawang sabi ko, nagmoist kasi yung tubig kanina, ayaw pa kasing ipahawak! Masyado siyang gentleman!

"May lakad ka bukas?" tanong niya.

"Linggo bukas kaya magsisimba ako" sabi ko.

"After?" tanong niya ulit.

 Umiling iling ako, "Wala na"

"Ikaw may lakad ka ba?" tanong ko.

" Wala" tipid niyang sagot.

"Sama ka na lang sa akin!" masayang sabi ko. with matching taas taas pa ng kilay.

"Pwede?" nakangiting sabi niya.

"Bakit naman hindi!?" masayang sabi ko.

"Kung ganoon sa inyo ako matutulog" sabi niya sabay tayo.

"Ha? Eh wala kang pamalit" sabi ko.

"NagboyScout ako noh! i'm always ready!" masayang sabi niya sabay hila sa akin.







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro