Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




"Nasaan yung bracelet na bigay ko sayo?" malungkot na tanong ni Leslie. Uwian na namin kaya naman naglalakad kami palabas ng University.

"Ah... Nasa bahay, naiwan ko kasi nagmamadali ako kanina, Promise bukas susuotin ko" pagsisinungaling ko, tsk. yun na nga yung kanina ko pang iniisip eh, saan ko kaya nawala?

"Ah.." malungkot nasagot niya.

"Zyrene!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Si Matteong bwiset andito nanaman! Ano nanaman kaya kailangan ng mokong na toh?

"Naiwan mo sa condo ko kagabi" Sabi niya sabay lahad nung bracelet na bigay sa akin ni Leslie.

"Ah... T-thank you" naiilang na sagot ko.

"Naiwan mo sa condo niya? Pumunta ka sa condo niya? Kagabi?" tanong ni Leslie. Nanay!?

"Ano kasi..." pagpapaliwanag ko dapat pero umepal nanaman ang isang toh!

"Wag kang magalala papanagutan ko naman yung Bestfriend mo eh" natatawang sabi niya.

Namilog yung mata ni Leslie, naku po!?

"Hoy! Magtigil ka diyan ha!" sigaw ko.

"U-Una na ako" pagpapaalam ni leslie.

"Teka...Les..." tawag ko dapat sa kanya.

"May Date pa tayo!" hila sa akin ni Matteo papuntang sasakyan niya. Anong date? ano chaperon Ako!? Bwiset!

Pagkasakay namin sa sasakyan...

"Ano nanaman ba!?" sigaw ko.

"MagDadate nga tayo!" sabi niya.

"Anong date ka diyan ha! Ibaba mo na nga ako!!!" inis na sabi ko, bigla naman niyang hininto yung sasakyan.

"Yung totoo! hindi mo ba talaga gets? o Ayaw mo lang talaga intindihin?" inis na sabi niya.

"Ang ano ba kasi!?" inis din na tanong ko, anak ng putapetes!

"I like you! I want you to be my girl!" sabi niya.

"Ba...Bakit a-ako?" naguguluhang tanong ko.

"Pag ba nagmahal may dahilan? hindi ba pwedeng kusang tumibok yung puso ko at ang isinisigaw eh yung pangalan mo?" seryosong sabi niya, di ko alam kung matatawa ako sa kacornihan ng isang ito pero kita sa mata niya ang senseridad ng mga sinasabi niya.

Napayuko na lang ako sa sobrang hiya.

Agad naman niyang hinawakan ang baba ko para itaas... "Got a problem with that?" tanong niya. 

"Pero hindi ako maganda. Hindi ako katulad ng mga Girlfriends mo, hindi ako sexy, wala akong model like body" nakapout na sabi ko.

Tumawa naman siya, Kainis! Pinagtawanan pa ako! "You're Beautiful" madiing sabi niya.

"Wala ka ngang model like figure... But Damn! anong gagawin ko sa magandang katawan kung hindi naman ikaw yon?" nakangiting sabi niya. Ah basta! ayoko nakakahiya!

"Sinasabi mo lang yan kasi sa akin nakakapagshare ka ng secret, kala mo lang gusto mo ako pero hindi!" pagpapaintindi ko sa kanya. 

"At sino ka para kwestyunin yung nararamdaman ko ha!?" seryosong sabi niya na ikinatakot ko. nagalit pa ata. 

"Mahal kita at gagawin ko ang lahat para mapasa-akin ka! That's final! So now lets have a date" nakangiting sabi niya sabay halik ng mabilis sa labi ko! Anak ng Putspa!

Araw araw hatid sundo ako ni Matteo sa school, tapos paggusto niyang kumain sa labas kakain kami, aba! di man lang ako tinatanong kung gusto ko ba o hindi! Wala daw ako karapatang magreklamo! ang kapal ng mukha niya dude!

Sabado ngayon at may event sa Foundation nila Doc Chona at yung anak niyang si Marie. Ang bait nilang magina sa mga katulad kong cancer patient. On the way na ako ng may tumawag.

Sweetheart Calling...

Kilala niyo naman na siguro yan!? And Excuse me! Siya ang nagpalit ng pangalan sa contacts ko!

"Hello..." malumanay na tanong ko, tumakas lang kasi ako eh, grabe naman kasi para na akong preso nito!

"Where are you?" inis na parang galit na ewang tanong niya.

"Uhm...Uhm...Ah..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko.     

"Stop moaning!" inis na sabi niya. 

"Asaan ka?" tanong niya ulit! napakapossesive na manliligaw niyo po!

"May ano kasi... Ano kasi..." ayokong magsinungaling! 

"I love you, bye!" sabi ko bago ko pinatay yung tawag.

Hindi pa kami ok!? Oo gusto ko siya pero hindi ko pa siya sinasagot... Alam kong hindi ako isang ideal girl but dalagang Pilipina pa din ako noh! 

"Buti naman at nakarating ka!" masayang bati ni Doc Chona sa akin.

"Tulungan ko na po kayo" sabi ko naman. Inaayos kasi nila ang merienda para mamaya.

"May boyfriend ka na ba hija?" tanong niya sa akin.

"Po? Ah... Wala po" depensa ko.

"Uhm... I guess manliligaw!" sabi niya ulit, Grabe makulit din pala itong si Doc Chona.

Napangiti na lang ako. " Sabi ko na nga ba eh!" pangaasar niya.

  "Teka... Alam ba niya?" nagaalalang tanong niya.

Umiling lang ako, Problema ko nga yon eh, paano ko sasabihin kay matteo na may cancer ako!

"Mag Undergo ka na ng treatment iha" suggestion ni Doc.

"Pero po..."

"Sabihin mo na sa Parents mo"

"Natatakot po ako" mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Andito kami Zyrene, Tutulungan ka namin, maraming nagmamahal sayo" nakangiting sabi niya sabay yakap sa akin.

Napagpasyahan kong maglakad pauwi sa amin, wala lang trip ko lang. Next week na uwi nila Mommy. Iniisip ko ngayon kung paano sasabihin sa kanila yung sakit ko. Sabi ni Doc, mas delikado pag hinayaan ko. Traydor daw ang mga ganitong sakit akala mo hindi pa malala pero maya maya unti unti ka ng pinapatay, hindi mo pa alam.

"Ako ba yang iniisip mo?" napapitlag ako ng magsalita ang isang lalaking ubod ng gwapo.

"At bakit naman kita iisipin?" inis na tanong ko sa kanya.

"Saan ka galing? Diba sabi ko susunduin kita!" maAwtoridad na sabi niya.

"Hoy! Kuya! Sinagot na ba kita!? Boyfriend na ba kita!?" pangaasar ko sa kanya.

"At sino nagsabing hindi?" nakapamewang na tanong niya.

"Grabe napakaPossesive mong manliligaw ha!" inis na sigaw ko.

"Wala akong pakialam!" sabi niya sabay hila sa akin,

"Saan mo ako dadalhin ha!?" tanong ko habang sinusubukang bawiin ang kamay ko.

"Sa simbahan! Papakasalan na kita para wala ka ng kawala!" natatawang sabi niya.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro