Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

______Just Stay, 2015_______




Hi! I'm Zyrene Alexandria Baez, 19 years old.  Active ako sa Church. May family bussiness kami but nagtratrabaho pa rin ako sa isang 5 star hotel. Kahit may allowance gusto kong maranasan ang maging isang empleyado. Kung paano at kung saan nagsisimula ang lahat. 

Bago pa man ako mag college ay hindi na bago sa aking pandinig ang tungkol sa Arrange Marriage. Bilang nagiisang anak ay masyadong protective ang parents ko sa akin. Gusto niya ang lahat ng best para sa akin. 

Pero gusto ko ding maranasang magmahal, yung mahalin yung taong gusto ko talaga at mahal din ako. Hindi yung ipinagkasundo lang sa akin.   

"Zyrene, Saan mo balak magspend ng vacation ngayon?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Lesie, siya ang bestfriend ko at parang kapatid na din.  


Napatigil ako sa pagsubo dahil sa kanyang itinanong sa akin. Break namin kaya naman nagkayayaang kumain ng mirienda. Napainom pa muna ako sa aking juice bago ko siya tuluyang nasagot. 

"I need to attend sa isang retreat sa Bulacan. May ibang appointment sina Mommy and Daddy kaya they will send me instead. Nag leave na din ako for one week sa work ko para makapag prepare" Paliwanag ko sa kanya. 

Tumango ito, pero ramdam ko pa din ang pagdisgusto niya sa ideya na nagtratrabaho ako sa isang hotel kahit may sarili naman kaming business at hindi naman ako kapos sa allowance. Lahat naman ng kailangan ko ay nakukuha ko. Pero iba lang siguro talaga ang trip ko sa buhay. 

Gusto kong maranasan ang tunay na buhay, ang totoong buhay kung saan hindi lahat madali. Aminin man natin o hindi, hindi talaga pantay ang buhay. Minsan, unfair talaga at wala tayong magagawa kundi ang tanggapin iyon.  

"Kung ako ang nasa posisyon mo, hihiga na lang ako sa bahay namin" sabi pa niya na ikinatawa ko na lang. 

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa may naalala nanaman siyang party. Masyado kasing sociable si Leslie, at walang makakapigil sa kanya. 

"Nga pala may party mamaya sa bahay nila Rex, ano sasama ka ba?" tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling, kahit papaano ay niyaya pa din niya ako kahit alam naman niya ang sagot ko. Hindi ako mahilig sa mga ganon, mas gusto kong magkulong sa bahay namin pag walang trabaho. Mas gusto kong mapagisa. 

"May gagawin kasi ako eh, tsaka alam mo namang ayoko sa mga ganyang party diba?" Sagot ko ulit, ganon ang sagot ko palagi sa kanya. Minsan nga iniisip kong hindi ko na kailangang sumagot dahil alam naman na ni Leslie iyon. 

Napabuntong hininga siya at umirap."Kaya wala kang Boyfriend eh! Palagi ka na lang bahay, school, Trabaho, Church, paano mo mahahanap ang Prince Charming mo!?" saad niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bakit sa tingin mo ba may Prince Charming sa isang party na puro inuman?" pangaasar ko.

Halos hampasin niya ang lamesa to prove a point. "Hay nako! Zyrene Alexandria Baez! makiuso ka naman ikaw at ako na lang ata yung wala Boyfie dito sa campus eh" giit pa niya. 

Napanguso ako. Ayan nanaman siya sa pagmamadali niyang magkaroon ng love life. 

"And so!? may right time para diyan, Leslie. Darating din tayo diyan nauna lang sila" pagpapaliwanag ko.

Bagsak nanaman ang balikat niya. "Opo pastora!" sabi niya sa akin. 

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Loka!"

Matapos kong maayos ang lahat ng kailangan ko ay nagayos na ako ng mga gamit na kakailangain ko para sa retreat. Gaganapin iyon sa Falcon crest resort. Isang malaking resort sa Bulacan. 3 days and 2 nights iyon. Inaasahan ko na kaagad na mas matanda ang mga makakasam ko doon, mga ka age siguro nina Mommy at Daddy. Kung may mga bata man, mas matanda pa din siguro sa akin. 


Matteo's Pov 

Tamad akong sumandal ng pagkakaupo sa aming sofa. Hindi ko na sanang magpahinga at pumikit, ang kaso ay kailangan ko pa munang pakinggan ang sermon ni Dad sa akin. 

"Ano ka ba naman Matteo! Hindi motel ito Kundi 5 star hotel! Na pagmamay-ari natin! ano na lang ang sasabihin ng mga guest natin diyan sa pinag-gagagawa mo!" galit na paalala ni Dad sa akin, halos lumabas ang ugat sa leeg niya hanggang sa sintido, galit na galit talaga.

Nahuli lang naman niya akong nakikipag make out sa bagong emplyado namin. Anong magagawa ko? Maganda at sexy, hindi ko napigilan. Bigla ko na lang nahalikan. She responded kaya naman ipinagpatuloy ko. Ayoko naman madisappoint yung babae.  


Habol habol ni Daddy ang hininga niya habang pinapakalma ang sarili. Hindi pa din ako nagsalita para naman hindi niya sabihing lumalaban ako sa kanya. Hinayaan ko at tinanggap ko lang ang sermon niya.   

"I'm going to Dubai for a meeting. Kaso nga lang naka-Oo na ako sa retreat sa Bulacan. You will attend the retreat, no but's. It's final!" sabi niya bago siya walang lingon lingon na umalis doon at iniwan ako.  


"What!?" sigaw ko sa kawalan. Are you fucking kidding me?


Badtrip ako ng nagpunta sa bar na pagmamay-ari ni Timothy. Isa sa aking mga kaibigan. 


"Isang retreat!? What the heck, ikaw!?" natatawang sigaw ni Timothy sa akin.

Gusto ko siyang sapakin, at talagang pinagtawanan pa ako ng tarantado! "Sira ulo! Si Dad kasi eh, hindi naman pala makakapunta, um-Oo pa" inis na sabi ko.

"Tandaan mo Matteo retreat yun! Baka mamaya iba nanaman ang pagkaabalahan mo!" sabat naman ni Luke. Isa pang gago, inirapan ko din. Kung nakakamatay lang ang irap, tumba na sila ngayon. 

Umayos ako ng upo, inabot ko ang baso ng alak at muling inisang tungga iyon. "Tsk. Nga pala si Kervy?" tanong ko ng hindi ko nanaman nakita ang isa sa mga kaibigan kong isa't kalahating gago din. 

"Ayun nagpapakalunod sa trabaho" sabi ni Timothy.

Mataspos kong mahusto sa paginom ay tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila.


"Aalis na ako, aayusin ko pa yung gamit ko eh, Bwiset!" inis na sabi ko sabay alis.


Zyrene's Pov 

Sakay kami ng isang mini tourist bus papuntang Bulacan. Tama nga ako at puro matatanda ang kasama ko. Pero ok lang, mukhang mageenjoy naman ako. Minsan mas masarap silang kasama, kasi sa simpleng pakikipagusap lang sa kanila minsan, ang dami mo ng matututunan.  

Makalipas ang ilang oras na byahe nandito na kami, nagsibabaan na ang lahat. Si Ate Maggie ang close ko dito 30 years old na siya at may dalawang anak. Siya ang organizer nito, lahat ng kasama namin iniEntertain niya.

Malaki at maganda ang buong resort. Sobrang peaceful din, tamang tama para sa isang retreat.

Palapit na kami sa may main venue ng bigla siyang sumigaw.  

"Mr. Samonte!" tawag niya sa lalaking nakasandal sa itim niyang Lamborghini. Wow ha! Kung makaShades ano toh? Fashion show?


Kita ko ang iritasyon sa mukha ng lalaki, mukhang inip na. Kanina pa ata siya nandito. 

"What took you so long?" tanong niya kay Ate Maggie.

Medyo ma-Attitude.


"Ate Maggie, una na ako sa baba" paalam ko. Hindi na ako nakichismis.

Kumain muna kami ng merienda bago ang first session. May kanya kanyang mundo ang lahat, ang iba ay medyo maingay pa. Alam niyo na mga Amigas, some are Tita's of Manila. Napapangiti na lamang ako habang pinagmamasdan silang lahat. This is life, Cycle of life. 

Tahimik akong kumakain ng mirienda ng tumabi sa akin si Ate Maggie. Ngayon lang siya maguumpisang kumain dahil inasikaso pa muna niya ang iba. 

"Nakita mo ba yun?" tanong niya habang tinuturo yung lalaki kanina. Nakapila siya ngayon para kumuha ng pagkain, naka Navy blue V neck siya at shorts na kulay brown. Sa suot niyang damit humubog talaga yung ganda ng katawan niya. 

Bahagyang tumaas ang kilay ko. "Oh, bakit?" tanong ko.


"Anak yan ni Mr. Alfred Samonte yung may-ari ng Monte Hotel" Kwento niya sa akin. Sa paraan ng pagkakakwento niya ay may baon pa atang kwento. 

"Himala, sa itsura niya mukhang hindi naman siya interesado sa mga retreat na katulad nito" sabi ko. 

"Katulad mo, aalis kasi si Mr. Alfred papuntang Dubai kaya siya ang pumalit." sabi ni Ate maggie.

Tahimik akong kumakain ng magulat ako dahil sa biglaang pagsigaw nito. Napatayo pa siya. "Mr. Matteo!" Tawag niya don sa lalaki. Tapos na siyang kumuha ng pagkain at naghahanap na ng mauupuan. 

"Here!" turo ni Ate Maggie sa upuan na kaharap ko.  

"Matteo na lang" nakangiting sagot nung Matteo. Mukhang good mood na siya, kanina kasi ay parang may dalawa sa sungit.  

Pag kaupo na pagkaupo niya ay naamoy ko kaagad ang pabango niya, Ok naman. Mabango siya

"Nga pala Matteo, si Zyrene. Katulad mo, pumalit lang din siya sa parents niya" pagpapakilala ni Ate Maggie sa akin.


"Hi! I'm Matteo" nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay.

Ang cute nung mata niya, tapos yung lips niya ang nipis. Ang lapad ng shoulder niya lalaking lalaki. Yung abs niya bumabakat sa damit niya, ang cute ng ngiti... 

 Nawa ang ngiti ko ng umakyat ang tingin ko sa kabuuan ng mukha niya at nakangisi na siya ngayon sa akin. "Ganda ng View noh!?" mapangAsar na sabi niya.

 Nge! Mayabang! 

"I'm Zyrene" sagot ko, sabay tingin sa kamay niyang binaliwala ko, 

Ha! Asa! 

  "Sungit!" bulong niyang narinig ko. Pinarinig niya talaga.  

"Yabang!" kunwaring bulong ko, at pinarinig ko din talaga!


Hindi naman iyon napansin ni Ate Maggie dahil habang kumakain ay may iba pa din siyang iniisip para sa mga sessions mamaya.

  "Maiwan ko muna kayo ha! Aasikasuhin ko muna yung first speaker" pagpapaalam niya.    

Tumayo din ako. "Saan ka pupunta?" tanong niya. 

"Sasama sayo" sagot ko. 

Umiling siya. "Samahan mo muna si Matteo dito, wala pa siyang masyadong kilala eh" paliwanag niya. Ano pa bang magagawa edi umupo ulit.


Ngumingisi- ngisi siya habang kumakain, "May nakakatawa ba!?" tanong ko.

Umiling iling siya pero patuloy pa din sa pagngisi, sa inis ko tumayo na ako, "Oh saan ka pupunta?" tanong niya. 

"Aalis! Wala naman akong gagawin dito eh!" sagot ko. 

"Samahan mo naman ako" yaya niya. Ang presko ha!


"Ano ba kasi ang nakakatawa!?" tanong ko.

"Mga babae talaga pare-pareho" natatawang sabi niya.

"Ano!?" tanong ko.

Tumingin siya sa bandang dibdib ko na ikinapul naman ng pisngi ko.

 "Crush mo ko noh!?" what the heck! Tinuro naman niya yung dibdib ko, Kaso... Whaa... Naka bukas pala yung isang buttones ng polo ko!

Sinamapal ko siya na nagpatigil sa Pagngisi-ngisi niya, "Bastos!" sigaw ko sabay walkout.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro