Epilogue
A D I
Meeting Kino might be the most unexpected thing that had ever happened to me.
I had always been fond of reading romantic comedy books for as long as I remember. I never thought that I would experience such fiction in my life until Kino came and changed that.
It was two weeks before the orientation of our freshman year. To say I was nervous was an understatement. Nasa isip ko, college na ako? Paniguradong kakaiba na 'to kumpara no'ng high school pa lang ako. Alam ko naman na parehas pa rin ang school naming magkakaibigan pero hindi mawala sa isip ko kung anong gagawin ko pag hindi kami magkaklase.
Oo, may kakapalan naman ang mukha ko pero syempre iba pa rin kapag hindi mo kilala 'yong mga magiging kaklase mo. Pinagdasal ko na lang na magkaklase kaming apat.
Bumuhos ang ulan no'ng araw na iyon. Naglalakad ako pauwi galing kina Lexi dahil doon ako natulog no'ng isang araw. Malapit lang naman ang bahay niya sa apartment na una kong nirentahan kaya naisipan kong maglakad na lang. Aksaya rin sa pera kasi thirty pesos sa isang tricycle tapos walking distance lang. Pero bigla kong pinagsisihang maglakad no'ng umulan.
Ilang minuto rin akong naghanap ng masisilungan dahil mukhang lumakas pa lalo ito. Buti na lamang ay nakakita ako ng malapit na 7/11.
Papasok na sana ako sa loob para bumili ng payong pero bigla akong hinarangan ng guard sa labas. Mababasa ko raw 'yong loob ng tindahan.
Gusto ko lang naman bumili ng payong para makauwi na ako, panira naman.
Hindi ko napansing may lalabas pala ng store dahil abala akong makipagbangayan kay manong.
"You're in the way," ani ng matangkad na lalaking may nakasingit na toothpick sa kanyang labi. Nakasuot siya ng puting t-shirt at naka gray na shorts; ang buhok niya'y gulo-gulo ngunit nakuha niya pa ring magmukhang disente.
Hindi. Hindi lang disente. 'Yong nakatayong lalaki sa harapan ko ang pinakapoging nilalang na nakita ko. Oo, mas pogi pa sa mga ex ko.
Okay na sana kung 'di lang masungit. Tinanggal niya't tinapon ang toothpick na nasa labi niya kanina. Inirapan niya ako nang binigyan ko siya ng space para dumaan.
"Sungit," bulong ko ngunit napalakas yata ang pagsabi ko at napatingin siya sa 'kin no'ng sinabi ko iyon.
Hindi ko na pinatuloy ang pakikipagtalo ko sa guard. Ayaw ko naman gumawa ng eksena rito. Mamaya, may kumuha pa ng video at sabihing "Isang babae, nakipagtalo sa guard ng 7/11 matapos 'di payagan bumili ng payong dahil mababasa ang loob."
Tumayo na lang ako sa harap ng store at hinintay tumila ang ulan. Nang matulala ako sa hangin, nakita ko uling naglalakad 'yong lalaking nakasalubong ko kanina. Ang pogi talaga.
Huminto siya sa harapan ng itim na kotse at nakipag-usap sa driver sa loob. Aksidenteng nagkatamaan ang mga mata namin bago bumalik ang tingin niya sa kausap niya.
Napaiwas ako ng tingin no'ng sandaling iyon. Palagay ko, pulang-pula na ang pisngi at tainga ko dahil sa hiya. Well, he couldn't blame me. Makaagaw-pansin naman 'yong kapogian niya.
Dahan-dahan kong binalik ang tingin ko sa kanya. Sinubukan ko na ring 'di magpahalata. Umikot na siya papunta sa front seat. Akala ko'y papasok na siya sa loob at aalis na ngunit nilagay niya lamang ang gamit niya roon.
Sinara niya ang pinto at dumeretsong naglakad patungo rito, habang dala ang nakaayos na payong sa isa niyang kamay. May nakalimutan yata siyang bilhin.
Nang malapit na siya sa tinatayuan ko ay umiwas na ako ng tingin pero gulat kong bigla siyang tumabi sa 'kin.
"The rain's not stopping. Here," saad niya habang inabot sa 'kin ang payong na hawak niya kanina.
Ha? Hotdog. Anong nangyayari?
Tinitigan ko lamang siya habang hinihintay niyang sabihin na prank lamang 'to pero hindi 'yon dumating. Kinuha ko na lang sa kamay niya ang payong. Pasasalamatan ko na sana siya ngunit agad siyang tumalikod at umalis.
Muli kong tinitigan ang payong na binigay niya sa 'kin. Nananaginip ba ako? Ba't niya ako bibigyan ng payong, e, hindi naman niya ako kilala? Narinig niya kaya 'yong bangayan namin ni manong sa labas? Imposible.
It had been days after that encounter but I hadn't seen him ever since. Nakwento ko rin kay Lexi 'yong tungkol sa bago kong napupusuang lalaki na hindi ko naman kilala. At mas lalong hindi ako kilala. Nanghingi pa ako ng favor na sabihin sa 'kin pag may makita siyang lalaking matangkad, medyo mawalak ang balikat, maputi, at hindi gano'n kasingkit pero maliit pa rin ang mata.
Sa mga araw na walang nakita si Lexi ng lalaking idiniskribe ko sa kanya, kusa akong dumadaan sa 7/11 kung saan kami unang nagkita. Ang kaso, wala pa rin siya.
Hindi ko sinukuang umasa na baka nandoon din siya kaya isang araw, pumunta ako uli roon. And guess what? Nando'n nga siya.
Sayang lang na hindi ko dala 'yong payong na binigay niya sa 'kin. Iyon sana ang gagawin kong rason para kausapin siya. Kinagat ko ang aking kuko at nag-isip kung ano kayang pwedeng gawing excuse.
Napansin kong nasa may cashier na siya. Mukhang naghahanap siya sa kanyang wallet ng perang ipangbabayad niya at nadinig kong kulang 'yong inabot niya. Nang makita kong naabala siya kung saan kukuha ng pera ay biglang may pumasok na ideya sa isip ko.
Dali-dali akong kumuha ng anumang bagay sa shelf at pumila sa likod niya. "Magkano po 'yong kulang?" sabad ko.
Napatingin siya at ang cashier sa 'kin. Lumingon si kuya sa kanya na para bang nagtatanong kung kilala niya ba ako. 'Di rin nagtagal ay bumalik ang tingin ni kuyang nasa cashier sa akin.
"Bente po," sagot niya.
Agad akong kumuha ng pera sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. "Pasama na lang po dito," sabi ko nang iabot ko sa kanya ang kinuha kong panlalaking deodorant-
Napatingin ako sa bagay na kinuha ko kanina. Tangina?
"Para sa kuya ko," palusot ko kahit wala naman nagtatanong. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa hiya. I should've been cool at that moment but it was ruined because of a single deodorant I couldn't even use.
Kinuha na ni kuya ang perang inabot ko sa kanya para sa kulang ni mystery boy. Nang binigay na ni kuya ang paper bag sa kanya ay bumulong siya ng "thank you" at umalis. Halos hindi ko na ito marinig sa hina ng boses niya. O dahil din siguro sa lalim nito.
Hindi ko na rin siya uli nakita mula no'n. Lumipas ang dalawang linggo at dumating na ang unang araw ng klase namin. Sabay kaming umalis ni Lexi papunta sa school. Si Liv naman ay hinatid ng kanyang ate at si Stacy ay sumabay sa kanyang boyfriend.
"Oh ba't parang ang lungkot mo?" tanong ni Lexi habang kami'y na sa loob ng jeep.
"Kinakabahan lang ako. Lalo na sa mga teachers," sagot ko habang pinapaglaruan ang aking mga daliri.
Hinawakan 'to ni Lexi para ikalma ako. "Kasama mo naman kaming tatlo, ah. Buti nga magkaklase tayo uli."
Pumara na kami't bumaba nang makarating kami sa harap ng paaralan. Nagdagsaan ang mga tao no'ng pumasok na kami sa loob. Balak naming hintayin sina Liv at Stacy sa may entrance ng hospital na katabi ng school namin, ngunit nakatanggap ako ng chat sa kanilang dalawa na nasa loob na sila ng campus. Nang mabasa namin 'yon ay sumunod na kami ni Lexi sa loob.
Dumeretso kami sa second floor ng building kung saan namin nakasalubong sina Liv at Stacy. Naglakad kami malapit sa registrar para tingnan ang nakapaskil na listahan ng mga section. Sabi kasi nila'y doon din nakalagay ang room kung saan kami magkaklase.
Pinauna muna namin ang iba para tumingin. Ayaw rin kasi naming makisiksik. Marami pa namang oras bago magsimula ang klase.
Kaming apat ay nakaupo't naghihintay umonti ang mga taong tumitingin. Napansin ko rin ang mukha ng iba kong kaklase. May iba na rin naman akong nakilala dahil sa GC ng section namin ngunit nahihiya pa rin akong kumaway at magsabi ng 'hello'.
"Sundan na lang kaya natin 'yong iba nating kaklase. May nakita ako kanina eh," I suggested. Tumango sila't tumayo para simulan sundan 'yong nakita naming kaklase.
Sa aking pagtayo ay bigla kong nasilayan ang iisang taong hindi ko inaakalang makita rito.
It's him.
Mag-isa siyang naglalakad papunta sa mga nakapaskil na papel. Siguro'y para tingnan kung saang room din siya. I had seen him in casual clothes before, but there was something different in him when he was in uniform. It seemed like his uniform was tight as his biceps could be clearly seen, even without flexing. From the two times I saw him, I figured he usually keep his hair parted in the middle, disheveled. But on that day, it was slicked back. He looked so neat; I could feel myself being starstruck.
Shit. Mas lalong pumogi.
"Adi!" rinig kong tawag ni Lexi sa 'kin. Napailing ako't tumakbo na patungo sa kanila. Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng narating nila at ang tagal ko na ring nakatayong pinagmamasdan siya.
Throughout that day, that year rather, I had been curious about who he really was. I didn't get his name for that whole school year until our second year when our level coordinator announced that he got a GWA of flat uno, making him the highest among our batch. Mas lalo akong na-fall no'ng malaman kong matalino rin siya since I was a sucker for smart boys.
I developed a crush on him because he was handsome and smart. Though, I didn't expect to fall harder when I saw his true nature.
It was widespread in our batch that Kino can be...a player. Well, he didn't try to deny the questions other girls have been asking him. Questions like whether it was true that he had slept with a certain somebody.
Though, he looked like he wasn't proud of it. As he says, he was just honestly answering their questions. Unlike others who boast about their body count and treat women like objects.
From what I heard from people who also had a crush on him, it seemed like he wasn't the type of boy who liked to stick his penis to whoever had a hole. In fact, tatatlo lang yata 'yong naka-one night stand niya at hanggang one night stand lang. He didn't do flings, they said. It kind of weirded me out how they knew that.
It gave me an ick at first, but everything changed when I saw a side of him none of his 'fans' tell him to be.
Malapit na lumubog ang araw no'ng naglalakad na ako pauwi galing school. Ako 'yong tipo ng taong mahilig magmasid ng kanyang kaligiran habang payapang naglalakad. Sa aking pagmasid ay naagaw ang pansin ko ng isang lalaking nakikipag-usap sa isang matanda habang tinutulungang kunin ang mga gamit na nahulog sa sahig.
During my whole first and second years, I had never seen him smile genuinely. His lips were always pursed. He didn't even talk that much. But during that time, he looked happy helping that old woman.
That wasn't the only time I saw him helping others. Katulad ko, isa rin siya sa mga voluteer na sumama no'ng nagtayo ng Community Service Organization ang student council namin no'ng school year na 'yon. Isa rin no'ng pumunta kami sa mga lugar na nasalanta ng bagyo no'ng taong iyon para ipamigay ang donations ng batch namin. 'Di ko mapigilang mamangha sa kanya dahil doon.
A handsome man with a good heart? Now, that's a full package.
What was then a simple crush turned into something deeper. Especially the moment when we became flings.
Sabi ng iba, mas okay raw 'yong hindi mo makilala ang crush mo kasi minsan, hindi pala sila 'yong taong inaakala mo. Sa huli, mawawala lang 'yong nararamdaman mo sa kanya.
Pero kay Kino, mas lalo lang akong nahulog no'ng maging flings kami at no'ng nakilala ko siya nang husto. Hindi ko pinagsisihan 'yong desisyon kong iyon. Maliban na lang no'ng nagkaroon kami ng alitan dahil sa bruha kong "roommate."
Speaking of my "roommate", Alena no longer bothered us after that. She fled back to States to be with his father who I'm guessing was trying to put their life back together. I may have had a slight empathy when I heard the news that their business went bankrupt but I have none for his daughter. That didn't justify the abuse she gave Kino for years.
Lumipas ang ilang buwan matapos ang araw na umamin kami sa isa't isa. Tinupad ni Kino ang pangako niyang hihintayin niya ang sagot ko kung maari ba kaming magsimula uli.
Aaminin ko, minsan nami-miss ko 'yong mga panahong naglalandian kami. Humingi kasi ako ng space kaya ngayo'y nag-uusap lamang kami tungkol sa acads o kaya kapag kami'y nag-aaral sa mga quiz at exams. Ang pinagkaiba lang sa noon ay ngayo'y kasama na namin ang mga kaibigan ko. Minsan kasama rin sina Mateo at Niko.
May mga oras din na nakakakita ako ng sticky notes sa lamesa ko sa classroom. Alam kong sa kanya galing iyon dahil kilala ko ang sulat niya.
"Don't forget to eat your lunch. I bought you your favorite snacks so you can eat that later."
"I wish I can give you a ride home, but stay safe, okay? Mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo. :))"
"You look so good today kahit naka uniform ka lang. How is that even possible?"
"Congrats on having the highest score on our quiz. All that puyat was worth it. I'm so proud of you. :))"
Iyan lamang ang iba sa mga sticky notes na binigay niya sa 'kin. Sa tuwing binabasa ko ang mga ito, lumuluwag loob ko. It somehow became a way for him to assure me that he still have feelings for me.
Siguro nga'y mas mabuti na 'yong ganoon muna kami. Dito ko rin masusubukan kung gaano kalakas ang nararamdaman sa 'kin ni Kino. Kung hanggang kailan niya kayang maghintay. Kung susuko ba siya agad o hindi. Ngunit ilang buwan ko na siyang pinaghintay at ni isang beses ay hindi siya nagpakita ng kahit anong aksyong nagsasabing ayaw na niya.
Akala ko siya 'yong maiinip sa kahihintay ng sagot ngunit ako pala ang nainip. Asking Kino for space did give me more time think whether it's right to start all over again, but as days passed by, I realized I was just wasting my time. I was long ready.
"I'm ready," sabi ko kay Lexi na katabi kong kumakain sa cafe na madalas kaming pumunta. Sa cafe na una naming nakasamang kumain sina Kino at ang kanyang mga kaibigan.
Napatigil siya sa pagnguya ng pagkain niya at napatingin sa 'kin. Matapos ang ilang segundo ay nginuya niya uli ito at nilunok.
"Ready sa'n?" tanong niya.
"Giving Kino and me another chance," sagot ko.
"Handa ka na uli sumugal?"
Tumango ako. "If we won't work out, then okay. If we do, then better. When it comes to love, it's inevitable to gamble and bet on your heart."
What I said made Lexi smiled. "Parang kahapon lang na pagod ka na sumugal, ah." Umirap ako sa pang-aasar niya. "If you're sure that you're ready, then go for it. Well, I guess seven months were enough. Pinaabot mo pa ng December," dagdag niya.
Binaba ni Lexi ang egg drop na kanyang kinakain at inikot ang katawan paharap sa akin. "I do hope Kino will be your endgame."
I hope so too.
Bigla akong nakaisip ng ideya. "Is my answer a nice gift for Christmas?"
Lexi's eyes twinkled in excitement. "Definitely! Ano plano? Gusto mo tulungan kita?"
I chuckled in response. Mahilig siyang magplano ng mga surpresa. Sa mga oras na kailangan naming surpresahin ang isa sa mga kaibigan namin para sa kanilang kaarawan, siya lagi ang tao sa likod ng planong iyon.
I accepted her offer since I knew she wouldn't disappoint me. We spent the entire afternoon planning on how I should give my 'yes' to Kino. Naisipan naming before Christmas ko siya sagutin para kinabukasan, unang araw na ng panliligaw niya sa 'kin.
The plan was simple: Order his favorite coffee with a message written on the cup using a UV pen and have it delivered to him. Of course, bibigyan namin siya ng light para mabasa 'yon. Once he received it, I know that he'll rush to my apartment so I just have to wait for him there. For privacy raw kapag mag-uusap na kami, ika ni Lexi.
Dumating na ang ika-24 ng Disyembre. Ang araw kung kailan namin isasagawa ang plano. Sinimulan kong mag-order ng kape at magsulat ng mensahe ko sa kanya.
I'm sorry I made you wait, but here's my answer. -.-- . ...
Nang matapos kong sinulat iyon ay agad kong pina-deliver sa bahay niya ang kape at ang ilaw na may kasamang note para magsilbing guide niya. Sana nga lang ay nandoon siya.
Hindi ako mapakali habang naghihintay. Pa'no kung hindi niya makuha 'yong kape ko? Pa'no kung hindi siya pupunta rito? Pa'no kung kailan handa na ako, siya naman na pala 'yong hindi?
Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili ko. Hindi ko kailangang mag-isip ng ganito at masisira lang lahat ng pinagplanuhan namin. I tried to clear the negative thoughts in my mind and replaced it with happy ones.
Sa sandaling iyon, inalala ko lahat ng masasayang alaala na kasama ko siya-our first lunch date, our first dance under the rain, our first kiss, everything. Napangiti ako nang maisip kong madadagdagan namin ng panibagong alaala ang mga iyon.
I heard the knock I had been waiting for what seemed like forever. Agad akong tumayo sa inuupuan ko't binuksan ang pinto. Sinalubong ako ng hingal na hingal na Kino. Hawak-hawak niya sa kanyang kamay ang kapeng binigay ko sa kanya. Palagay ko'y hindi niya agad nabasa ang note na kasama no'n dahil wala ng laman ang cup pagdating niya rito.
"Ba't ka hingal na hingal? Tumakbo ka ba papunta rito?" tanong ko.
Tumango siya ng onti. "I-I didn't bother riding my car. I just need to confirm if what you said here is true," sagot niya habang nakaturo sa cup. "Is this true? Are you really saying yes?"
Ngumiti ako't tumango. Magsasalita pa lamang ako ngunit bigla kong naramdaman ang bisig ni Kino sa 'king leeg. Umalik-ik ako sa kanyang reaksyon sa 'king 'oo'. Halata kung gaano siya kasaya dahil ramdam ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso habang kami'y magkayakap.
We finally broke the hug after some time. "Pasampal nga ako," request niya.
"Tumama ba ulo mo habang tumakbo ka rito?"
He let out a chuckle because of my response. "Para akong nananaginip. Hindi lang ako makapaniwala," paliwanag niya. "Hindi pa nga kita nililigawan pero feeling ko sinagot mo na ako," dagdag niya habang suot-suot ang abot-tainga niyang ngiti.
"Well, doon din naman 'yon magtatapos, diba?" I teased. Kita ko ang gulat sa paglaki ng kanyang mata no'ng sinabi ko iyon kaya nama'y napatawa ako uli.
"Don't tease me like that."
Kino took a glance at me one more time before taking both of my hands. "Thank you," he said. "Thank you for giving us another chance."
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. Lahat ng pag-aalala ko kanina ay napawi nang makita ko kung gaano kasaya si Kino. It made me feel that I made the right choice of giving him my 'yes'. That I made the right choice to finally let him enter my life again.
Because just maybe.
Just maybe, he really is my endgame.
E N D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro