Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

100

A D I

Ngayon ko lang naintindihan ang mga payo ng iba na "'Wag magsalita nang tapos." 


Akala ko no'ng una kaya ko. Akala ko no'ng una alam ko kung anong pinasok ko. Akala ko magiging kontento ako sa kung anong mayroon sa 'min. Nagsalita ako nang tapos na hindi inaasahang lahat ng akala ko ay mauuwi sa kabaligtaran.


Hindi ko pala kaya.


Hindi ko pala alam kung anong pinasok ko.


Hindi pala ako naging kontento.


At mas lalong hindi ko inaasahang masaktan ng ganito no'ng nakita ko si Kino na may ibang kasama.


Ilang beses kong sinanay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon para maiwasan masaktan. Ilang beses kong tinatak sa utak ko na wala akong karapatang magselos kasi wala namang namamagitan sa 'ming dalawa. Pero bakit ganito? Parang gumuho ang mundo ko no'ng makita kong kahalikan ni Kino ang bago kong roommate. Halos maramdaman at marinig ko ang pagbiyak ng puso ko sa dalawa no'ng sandaling iyon. 


"Adi! Ako to, si Lexi!" Guminhawa ang aking pakiramdam nang marinig ko ang katok sa aking pinto at ang sigaw ni Lexi.


Dali-dali kong binuksan ang pinto at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na yata siya nakahinga sa higpit nito. Tinapik niya ang aking likod, isang senyales na ihinto na ang yakap na agad kong sinunod. 


Nang makita niya ang mapupula kong mata at pisngi, napakunot ang noo niya. "Oh, anong nangyari? May nararamamdaman ka bang masakit? May umaway ba sa 'yo? Resbakan na ba namin? Sabihin mo lang."


Napatawa ako nang onti sa kanyang pag-aalala. "It's Kino," sagot ko sa kanyang katanungan.


Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa kwarto para ikuwento kung ano ang nangyari kahapon. Wala rin naman 'yong bago kong roommate at sa makalawa pa lilipat kaya wala ring makakarinig bukod sa 'ming dalawa.


Sinabi ko sa kanya lahat, from the time I went outside to find a gift to give him when I'll ask him out to the time when I ran away the moment I saw my new roommate kissing the man I love. Halos hindi ko na matapos ang aking kwento dahil sa 'king mga hikbi ngunit naunawaan ito ni Lexi. Tahimik lang siyang nakikinig sa 'king mga sinasabi.


"Ang sakit lang kasi sa loob ng tatlong buwan mas lalo akong nahulog sa kanya pero siya? Parang wala lang sa kanya." I stifled a cry as I continued to vent out what I'm feeling.


I scoffed. "Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging malungkot kasi wala namang kami, hindi ba?" 


"Adi, no. Hindi ka naman mag-iisip ng ganyan kung hindi siya nagpapakita ng motibo. It's not your fault for hurting, okay? It's his kasi hindi niya pinapaliwanag kung ano ka ba sa kanya," sumbat niya.


Lumuwag ang pakiramdam ko nang marinig ko ang sinabi ni Lexi. Tama naman siya. I wouldn't assume things if Kino didn't show signs that he was interested of being more than what we were. 

Iyon lamang ang ayaw ko kay Kino. Naintidihan ko naman na dahil sa mga nangyari sa kanya noon ay hirap siyang mag-open up sa iba. Sa tatlong buwan naming magkasama, napansin kong hindi siya vocal sa kanyang mga nararamdaman. Probably because of what happened in his past. I already expected it, pero ilang beses ko na rin pinaalala sa kanya na mapapagkatiwalaan ako. Siguro hindi pa iyon sapat para maging tapat siya sa 'kin.


Sa sobrang pag-unawa ko sa kanya, ako lang din pala ang nasaktan sa huli. Minsan napapaisip na lang ako kung ano ba ang tumatakbo sa isip ni Kino sa mga oras na gumagawa siya ng hindi angkop sa relasyon namin. 


"You might think that I'm siding Kino when I say this, which I'm not, but," sabi ni Lexi. "Are you sure he kissed the girl?"


Nang makita niya ang pagkunot ng aking noo ay agad siyang nagpaliwanag. "I mean, are you sure you saw Kino's lips moving? Kasi I've seen this situation before and it's usually the girl who tries to kiss the boy."


Napakagat ako sa aking labi at nag-isip. Nag-isip kung tama ba ang aking nakita. He did chat me that he didn't kissed her back. But was it true? Hindi ko na alam kung ano ang pagkakatiwalaan ko: ang sarili ko o ang mga sinasabi ni Kino.


"Hindi ko alam..." I answered Lexi after pondering my thoughts.


"And the fact that he tried to explain himself speaks for itself, Adi. You can't villainize Kino without hearing his side. Why didn't you give him the chance?"


"I know you think my feelings are valid, Lexi, but why are you siding with him?" I snapped. 


"I'm not siding with anyone here, Adi. From what I'm seeing, all you need is to talk your feelings out. If you're seeing it from other people's view, you know what I mean." 


"E, pa'no kung ayaw ko na? Pagod na ako sumugal, Lex," nanghihinang sagot ko. 


Lexi sighed. I didn't know if it was because of frustration or something else. I couldn't blame her. Ako rin naman 'yong matigas ang ulo at ayaw makipag-usap kay Kino para matapos na lahat ng pananakit na dinadamdam ko. Maybe Lexi was right. I was villainizing Kino in my mind to find a reason to stop loving him. I may be selfish, but I was only saving myself from further heartbreaks. I had been breaking my own heart from this unrequited love and now, I wanted to end it. 

"Kailangan mo pa ba ng advice ko? Mukhang buo na desisyon mong itigil lahat, eh." aniya. Bago ako magsalita ay may sinabi siya uli. "Baka kailanganin mo in the future but all I want to say, Adi, is that hear him out. Clear this misunderstanding. Ayaw kong sa huli ikaw 'yong magsisisi kasi hindi mo pinakinggan 'yong side niya. Either way, sinasaktan mo lang sarili mo," dagdag niya. Minsan, ayaw ko ring humingi ng advice kay Lexi dahil sasampalin ka niya ng katotohanan.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking likod. "You know, I love you, right? I only want what's best for you. I won't force you to do what I advise you to do, but please, give it a thought."

I gave her a curt nod before answering, "I just want to take the easy way out, Lex. Ayaw ko na."

"There is no easy way out, Adi. Choosing to unlove and move on from someone is not an easy way out."

Ako naman ang napabuntong-hininga. After Lexi's advice, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Sabihin ngang tama si Lexi na hindi hinalikan ni Kino 'yong roommate ko. Ngunit hindi naman ako makakasiguro na mamahalin din ako pabalik ni Kino matapos ko siyang pakinggan. Pagod na ako sa kaiisip ng sandamakmak na "What Ifs." For once, I didn't want any maybe's and risks. All I want was certainty.

"Coming from experience ba 'yan?" I joked to lighten the mood but I was welcomed with a smack on my shoulders.

"Bwiset ka talaga, e no. Ang seryoso ng usapan bigla kang gaganyan," sumbat niya na may halong maliit na tawa. "Oh basta! Pag-isipan mo nang mabuti kung anong gagawin mo, ha?"

"Yes po mama," ani ko habang umiirap. "It's just that...I don't think I'm ready to hear his side yet after all that ordeal, you know."

"Alam mo, bwiset talaga yang bruha mong roommate e. Panira, tangina niya. Nasaan na ba 'yon?"

Napatawa ako sa komento niya sa aking bagong roommate. Good to know, hindi lang ako ang nairita sa kanya. "Ayon, may nililigpit pa sa bahay nila kaya hindi pa makalipat dito. Buti na nga lang e."

"Oh pa'no 'yan? Kaya mo bang tumira kasama 'yong bruhang 'yon? Gusto mo doon ka muna sa bahay namin?"

"Thanks for the offer, pero hindi na kailangan. Kaya ko naman sarili ko. Kung tatarayan niya ako kasi natitipuhan niya si Kino, edi magtarayan kami."

"'Yan gusto ko sayo eh, 'di nagpapatalo. Except na lang kay Kino," biro  niya na nauwi lang sa pagbatok ko sa kanyang ulo. 

"Pakyu po with love."

Ginugol namin ang natitirang oras ng araw sa pagkuwento ng mga kung ano-anong topic na maisip namin para lang hindi pumasok sa isip ko si Kino. Kinuwento na rin niya ang mala-kabute niyang lovelife at bigla raw may bumabalik kung kailan naka-move on na siya. Ramdam ko ang inis niya sa kanyang pagkuwento kaya nama'y napatawa ako. Hindi lang pala ako ang mayroong magulong lovelife. Kung mayroon man ako no'n.

Nang makaramdam na kami ng antok ay naisipan naming matulog na. I had a habit of checking my phone for messages I haven't replied before going to bed pero hindi ko muna ginawa iyon. Baka isang kita ko lang sa mga message ni Kino ay agad ko 'tong masagot. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na makatulog ngunit hindi ko mapigilan ang isip kong magpalabuy-laboy sa nag-iisang rason kung bakit ako na sa sitwasyon ko ngayon.

Kailan ba kita makakalimutan, Kino?

--------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro