**EPILOGUE** Just Let Go
**EPILOGUE** Just Let Go
*****
<Rino's point of view>
After 5 years!!! After 5 years na nasa ibang bansa ako para sa pagtatapos ng pag aaral ko, nandito na ulit ako sa Pilipinas para balikan si DJ. Just in case na gising na siya...
Pero nauwi lang pala lahat sa wala ang mga pinaghirapan ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
DJ IS GONE...
Sabi nila after 1 hour nung nagpaalam daw ako kay DJ, nagising siya and she's asking kung nasaan daw ako... Sinabi naman daw nila na nasa ibang bansa na ako...
Hindi daw magkaintindihan si DJ noon. Gusto niya daw lumabas ng ospital. Iyak daw ito ng iyak.
"Mahal na mahal kita, Katarino."
Pagkatapos niyang sabihin yun... Wala na siya.
Naiinis ako sa kanila kung bakit ngayon lang nila sinabi lahat ng iyon sa'kin. Yun lang daw ang naisip nilang paraan para hindi na ako mag alala...
Pero anong dala ko ngayon? Puro pagsisisi... Bakit ba kasi umalis pa ako???
Bakit ganito ang tadhana???
Limang taon na pala wala si DJ sa mundo at ngangayon ko lang nalaman... Ayokong maniwala... AYOKONG MANIWALA...
Pumunta na lang ako sa sakayan ng jeep dahil walang dumadaan na taxi...
"Sakay na kayo!!! Bilisan na po natin!!! Mapupuno na, last one last one!!!" sabi nung babae habang tinutuktok ang hawak niyang piso sa jeep. Kung hindi nga lang mahaba ang buhok niyang nakatali sa likod ay pagkakamalan ko na talaga siyang lalaki...
"Oh kuya!!! Sakay na po!" sumakay ako ng jeep ng nakayuko. Hindi talaga ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko kayna Nova...
Umandar na ang jeepney... Sabay tugtog ng Salamat by Yeng...
Pinaiiyak talaga ako ng tadhana...
Hindi ko na napigilan at umiyak na talaga ako...
"Kuya oh. Ayokong nakakakita ng lalaking umiiyak. Bading ka ba? Huh??? Huh???" sabi nung babaeng astig kanina na pilit pinapalaki ang boses niya na parang lalaki...
Teka??? ASTIG ba kamo???
Humarap ako sa kanya... AT---
"Pakyu!!! Shet ka! Plano mo tong lahat ng toh noh!!!" sigaw ko sa pagmumukha ng babaeng toh
"Mahal na mahal kita, Katarino..." sabi ni DJ ng nakangisi pa
"Mas mahal na mahal kita... Ang baliw mo talaga!!!" hindi na ako nagpigil pa at niyakap ko na siya ng sobrang higpit
"Whaaaahhh!!! Tama na po! Di na ako makahingaaa!!!" sigaw ni Diana Jolin Padilla (soon to be Bernardo)
"I can't just let you go, DJ. You will be mine forever... I never wanna loose you."
"Hahahaha... Oo na! Basta hindi rin kita papakawalan!!! Pwede bang tapusin na natin tong kwentong toh?"
"Hahaha... Ano ka ba? Dapat WALANG ENDING!!!"
"Hahaha... So may part 3 pa?"
"Let's see???!!! XD"
>END!!!<
#corny
#lamuninnasanaakonglupa
#commentplease
#votepa
#kailangankongawanyo
#examnaminngayon xD
*love, Alegny*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro