Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**8** Uso mag-move on

**8** Uso mag-move on

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Ang mga mata ko... PUGTO...

PUGTO... Ang mga mata ko...

(©______________________©)

Ang puso ko... WASAK!

WASAK... Ang puso ko!!!

<///3

"DJ, it's Saturday! Don't waste your day. Let's party!!!" si Nova yan

"Party?! Sa lagay kong toh. PARTY?!" ako

"Wala namang kwenta yang kinaiiyakan mo eh. Ate, hindi ba halata na ayaw na niya sa'yo. Isang taon na kayong hiwalay. Break na kayo... BREAK NA!!!" sige, isigaw mo pa!!!

"Ayos lang naman sa'kin kung break na eh. Eh bakit hindi niya ako pinansin?! Pede naman kaming maging friends di ba?"

"Baka naduling siya, ayun... nagdirediretso... Atsaka malay mo, ayaw niyang makipag-friends sa'yo. Alam mo pede namang kasing mag-move on..." pashunga shungang sabi ni Nova

"Nova, hindi ako nakikipagbiruan..."

"Ako din noh, DIANNA!!! Hindi ka pa nakain ng tanghalian. Kaya bumaba ka na dun bago pa mapanis yung pagkain mo. OKAY BA???!!!" nakakatakot si Nova! (*0*)

"Oo na! Eto naman oh! Di ma-joke!" dali dali akong bumaba ng kwarto

.......

Sa kusina...

"Nabalitaan na namin DJ. Move on. Pede???" Kuya Dick

"Oo nga... Uso mag-move on!!!" sabi ni Kuya Jasper

Kumain na lang ako ng kumain... Nakakainis tong mga kuyang toh! Purket masasaya sila sa kani-kanilang love life, ganan na sila???!!!

"Ui! Imik!!!" binato ako ni Kuya Dick ng tsinelas

Binato ko uli sa kanya yung tsinelas... "Bastos! Kitang nakain! Hilig mong mamato ng tsinelas noh! Pati nung part 1 ng storyang ito, nabato mo rin ako nun!"

"Haha, role ko ang pagiging poging kuya eh! (*-*)v " anong konek?! (-,-)

"Hey, enough. Respect the food. And DJ, your brothers are correct! You should learn how to move on. There are so many boys out there! Darling, don't be so rude." wow! Si mother, todo ingles!!! Nakain neto?!

"Mama, anyanyare sa'yo? Parang kanina lang, nakinig kitang kinakausap si tatay in tagalog language?" ako

"Don't change the topic darling. I just want to speak in English. Okay?" ayun, walk out

"Anyanyare dun?!" ako

"Akala ko, maayos na yung utak ni mama?" si Kuya Dick

Nabatukan ni Kuya Jasper si Kuya Dick... "Shunga, ganan si mama pag masama ang loob di ba?!" sabi ni Kuya Jasper

"Hah? Bakit naman sasama ang loob ni mama?" ako

"Nagpapabili kasi kanina siya kay tatay ng puto kaso nakalimutan ni tatay bumili kaya ayun nagkatampuhan sila..." si Kuya Jasper

"Haha! Gagawan ko sila ng story sa wattpad... The title is 'Nang Dahil sa Puto...' " Kuya Dick

"Ya, may wattpad account ka?!" ako

"Oo, bakit?!" si Kuya Dick

"Wala lang. Di ba busy ka na sa pagiging teacher tapos nakakapagwattpad ka pa. Tibay!" ako

"Sadyang ganan pag pogi. Geh, iniiba mo ang topic eh. Move on ha!" tinapik niya ang ulo ko bago umalis

"He's right darling..." pinisil naman ni Kuya Jasper ang pisngi ko sabay tawa

Sinamaan ko lang sila ng tingin tapos nag-apir pa sila...

Kakaiba talaga ang mga kuya...

(=_______________=)

.........

Nagpunta ako sa mall mag-isa... Para mag-shopping?! Hindi noh! Hindi ako mahilig mag-shopping. Napaka-girly... (-,-)

Mag-f-foodtrip lang ako! (*-*)b

Wahahaha!!!

Ayun banana split. Wihihi!!! Bibili ako!

Umorder ako ng banana split. Yung largest size. Nakaka-alis daw ng pagkabroken hearted ang ice cream and sweets eh. Walang masamang subukan di ba???!!!

Inabot na sa'kin nung waitress yung banana split...

"Magkano po?" sabi ko dun sa waitress

"550 pesos po miss."

"Ah sige..." mayaman na naman ako eh. bwahaha!!! >:D

Kinapa-kapa ko yung bulsa ko...

Anak ng tinapa!

Yung wallet ko!!! Naiwan ko!!! Pamasahe lang nadala ko.

Ano??? Uwian na lang??? (>___________<)

Teka lang? Papano tong banana split na ito?!

"A-Ah s-sige ate. Teka lang ah! Lalanghap lang ako ng fresh air..." wuhuhu... San ako kukuha ng pera?! Mangholdap kaya ako?! Bad yun eh! (=_=)

"Oh DJ, bakit parang natatae yang mukha mo?" sabi nung lalaking kaharap ko

"Zackary?! Bakit ka nandito?" ako

"Zac for short... PLEASE?!" pasunget na sabi niya

"Oo na. Sunget!!! Ahm, tutal nandito ka na rin naman. Pautang ako!" sabi ko with a big big smile >:D

"What?!" gulat na gulat yung itsura niya

"Ahm, hehe... Ganito kasi yun...*kamot ulo*"

........

"Sa susunod i-check mo muna ang mga kailangan mo. Most important, money. Okay? Then, do not order a food good for five kung ikaw lang mag-isa ang kakain kasi mahal talaga yun. Atsaka yung kinain mo, hindi yun healthy. Masyadong cold and sweet. Madali kang dadapuan ng sakit jan tapos naulan pa naman sa labas." dire-diretsong sabi ni Sunget

Galing niya. Parang siya yung nanay ko...

"Oo na. Wateber!!! *W-sign* Salamat nga pala sa pagbayad nun ah! Akala ko yun na katapusan ko eh. Hehehe..." ako

"Ok. Mabuti naman at marunong kang mag-thank you but remember, utang mo yun. Hindi ako nagbibigay ng pera sa mga katulad mong masisiba. How many worms are there inside your tummy? Grabe, ang laki talaga nung inorder mo."

"Kuya, di maka-move on?! Atsaka walang bulate sa tyan ko noh! Healthy kaya ako. Matakaw lang talaga ako pero di ako tumataba... Tignan mo oh!" hinihimas-himas ko yung tiyan ko

"Stop doing that. Oo na, ikaw na ang sexy at maganda." nagulat kami parehas sa sinabi niya. Witwit! So iniisip niya din pala na maganda ako?

"Maganda at sexy ako? Talaga???" sinusundot-sundot ko ang tagiliran niya (*-*)

"Forget that. May bibilhin lang ako ah. Dito ka lang. Remember, may utang ka pa." aba, si Sunget ang sunget talaga. Pumasok siya sa loob ng Bench. Yaman din talaga neto.

"Oo na, sunget! Bilisan mo ah!" wahahaha, di ako papadala sa sunget mo! Ang saya naman (*-*)

Teka? Bakit ako masaya? Di ba dapat malungkot ako kasi gawa ni Katarino? Pero sabagay, kailangan kong magpasalamat kay sunget kasi kahit ilang minuto lang, nakakalimutan ko ang lungkot ko dahil sa kanyang kasungitan. :)

"DJ! Musta!" sabi ng isang chubby na lalaki na medyo kulot ang buhok at nakasalamin pa, na papalapit sa'kin

"Oi, Ivan!" oo, ganun ang itsura ni Ivan kaya habulin ng bullies xD

"Kamusta?" si Ivan

"Haha, eto... tao pa rin. Mag-isa ka lang?" ako

"Hindi. Kasama ko pinsan ko eh. Nasa cr lang siya. Ikaw, mukhang nag-iisa ka lang. Gusto mong sumama sa'min?"

"Naku, di na. Atsaka di naman ako nag-iisa noh! May kasama ako. Si Zac." ako

"A-Ah... K-Kayo na ba?" malungkot niyang sabi

"Hahaha! Di noh! Nakasabay ko lang talaga yang sunget na yun."

"Ah, sige. Una na ako ah." umalis na si Ivan

Lumabas na si Zac sa Bench "Who's that?" sabi niya

"Si Ivan. Ano nga palang binili mo? (^_^) "

"That is none of your business. Uuwi na ako."

"Oi, teka!"

"What?!" ANG SUNGET MOOO!!!

"Tara sa bahay, para mabayaran ko na yung utang ko sa'yo. *smiles*" pasalamat siya mahaba ang pasensya ko sa mga gwapong katulad niya (-,-)

*.*.*.*.*

<Zac's point of view>

"Tara sa bahay, para mabayaran ko na yung utang ko sa'yo. *smiles*" She gave me a sweet smile again. Minsan niya lang ginagawa yan. Ginagawa lang kasi niya yan pag may kailangan siya... Pssshhh...

"Ok fine..." ako

"Menopause na kuya?!" sarcatic niyang sabi

"Shut up." She is so annoying di ba? Kumampi kayo sa'kin kahit na siya ang bida sa istoryang ito...

Lahat ba talaga ng mga babae nakakainis?!

Hayyy...

(=___________________=)

Sumakay kami ni taxi papunta sa subdivision nila...

Sa High Hills pala siya nakatira... Rich kid din pala itong si DJ. (' ,')

Pinatigil na niya yung taxi, that means nasa tapat na kami ng bahay nila...

Pagbubukas ko pa sana siya ng pinto. Shempre, gentleman ako eh pero ang bilis niyang kumilos at nakalabas na agad siya ng taxi.

"Oi, tanda! Bilisan mo! Masakit na tiyan ko eh!" tanda?! Grabe na talaga itong babaeng ito... (-,-)

"Mag-cr ka na lang. Wag mo na akong idamay kung natatae ka na dahil sa dami mong kinain na Banana Split na may kasamang isang galon na ice cream (-,-)" " seryoso kong sabi sa kanya pero sa loob ko, tawang tawa na talaga ako. Kaya pala siya tahimik lang sa loob ng taxi kasi tinatawag na siya ng kalikasan xD At ngayon, namimilipit siya habang nakahawak sa tiyan niya

I give her my killer smile...

"N-Nginingiti-ngiti mo jan?! Hindi ako na-e-ebs noh!!!" sabi niya habang namumula na yung mukha niya x)

"Go na sa cr kung ayaw mong magkalat jan." ako

"Ahm (>_<) Geh geh na nga! Intayin mo na lang ako ah sa sala ah!" at ayun tatakbo na siya...

Wahahaha!!! I wanna laugh so hard pero ayokong gawin yun in public... I'm a serious person. You know... (*.*)b

*.*.*.*.*

Eto na ang update!!! Yey, salamat sa mga patuloy pang nagbabasa. Please, wag nyong iiwan sa ere ang storya ng buhay ni DJ! :D

Love you so much!!!

:*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro