**6** I owe you my life
**6** I owe you my life
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Wuhuhuhu... (T3T)
Sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina... Namumula ako at nagtataasan pa ang mga balahibo ko...
(>\\\\\\\\\\\<)
Bakit ga ako masyadong apektado?! Di ba wala ako sa katinuan ng ginawa ko yun? O meron talaga?! Huhuhu!!!
Nasa room na ako ngayon at hindi makapag-isip ng maayos... May pinapasagutan pa naman si Ma'am Sabel (=_=)
"Ma'am excuse po kay DJ. DJ, pinapatawag ka sa SC Room." sabi nung si Louis, siya yung secretary ng SC
"Ah sige..." tumayo na ako
Bakit naman kaya ako pinapatawag???
Wala naman akong atraso kay sunget ah??? Tinulungan ko pa nga siya kahapon eh.
......
Sa Student Council Room...
"Officers, ngayon nakapili na ako ng ating Peace Officer. Walang iba kungdi si DJ!" sabi ni Zac
Nagpalakpakan naman sila at nakipag-shake hands silang lahat sa'kin...
WEH??? Ako Peace Officer?! Pinagti-tripan lang ako ni Sunget ih!!!
Tumingin ako sa kanya ng anong-trip-mo look...
Ngumisi lang siya... Sabi ko na nga ba eh...
"Oh sige guys, bumalik na kayo sa mga klase nyo." nag-alisan na sila. Ako naman mananapak pa ako ng tao. Mahirap kayang maging P. O.!!!
"Ms. Padilla, sabi ko bumalik na kayo sa klase nyo. Ano pang tinutunganga mo jan?!" sige magsunget ka pa!
"Ako talaga? P. O.? Sigurado ka?" ako
"Please accept that job. Magiging maayos ang lahat pag naging peace officer ka. Please..." nag-beautiful eyes pa talaga ang gwapong toh ih!
"Oo na! Oi, teka! Walang bang thank you jan?! Di ba niligtas kita kahapon. Kungdi, naku dapat ba---" (0,0)!
Niyapos niya ako. Bigla bigla! "Thank you so much. I owe you my life..." bulong niya sa'kin.
"Ah eh. Hehehe... Welcome!" kinalas ko yung mga braso niya sa'kin
Nakita ko na ang pula-pula ng mukha ni Sunget. Bakit kaya?
"Namumula oh! May lagnat ka ba?" hinawakan ko ang pisngi niya
"W-Wala noh!" sabi niya
"Ayiiieee? Crush mo ko noh?!" sabi ko kay Sunget kaya lalong namula ang mukha niya. Niloloko ko lang naman siya eh... x)
"Wow ah? Ang kapal!"
"Ahahaha... Ang cute mong magsalita sunget!
"I know because I'm handsome (>_^) " masunget na nga mayabang pa! (-,-)
"Oo na. Jan ka na. Babalik na ako sa klase ko." ako
"Ok. Bye..." seryosong sabi niya
Hmhp! Forever sunget talaga yun!!!
.........
Nakasalubong ko si Edok sa may daan...
(>\\\\\\\\\\\<)
Namumula na naman ako!!!
Ang alam ko pati siya ganun din...
Ano ba yan?! Siya na nga lang ang tol ko, mag-iiwasan pa ba kami???
Nilingon ko siya. "Edok!" tawag ko sa kanya.
Huminto siya at humarap sa'kin... "Oh?"
"Ayos lang tayo di ba?!" ako
"Haha! O-Oo naman!!!" sabi niya habang nagkakamot ng batok
"Ahm, ok. B-Bye..." Bakit ang weird ng atmosphere?!
"Bye. K-Kita na lang tayo mamaya..." sabi niya
"Oo naman. Una na ako ah!" tumalikod na ako. Ang wirdo talaga! (=___=)
.......
Pabalik na ako sa room ng makita ko si Ivan na pinag-iinitan na naman nina George. Nasa locker room sila... Nag-uusap sila at dahil chismosa talaga ako, nakinig ako...
"Ikaw Ivan, kungdi mo kami mabibigyan ng kwarta lalanding talaga ang kamao ko sa mukha mo." sabi ni George
Papasok na sana ako para tulungan si Ivan pero bigla siyang nagsalita. "Pag dumating uli ang pinsan ko dito, sigurado akong malalagot kayo!"
"Hahaha! Ang mahirap sa'yo napakaduwag mo! Umaasa ka lang jan sa siga mong pinsan! Ano?! Akin na pera mo!"
"Pakawalan ninyo siya!" buong tapang akong pumasok ng locker room
"Oi! Si Ate Astig oh? Tignan mo ang ginawa mo sa braso ko!" pinakita niya ang pasa niya. Ang laki nito. Haha, ang lakas ko talaga! >:D
"Dapat lang sa'yo yan, Y with the A, with the B, with the A, N and G. YABANG!!!" para akong cheer leader ng sinabi ko yan
Binitawan niya si Ivan at unti-unti siyang lumalapit sa'kin... "Nakahanap ako ng bagong kalaro sa'yo, Ms. Padilla..." na-trap na ako sa may pader
"Tulungan nyo ako!!! Ivan, help!!!" bigla na lang nagtatakbo sa labas si Ivan. Loko yun ah! Iniwan ako... (-,-)
"Iniwan ka na niya. Haha! Ang ganda mo pala eh..." hinawakan niya ang pisngi ko
"Yuck!!! Pwe!!! Kadiri ka. Don't ever ever EVERRR touch my pes again!!!" ako
"Ahahaha... You will be mine now. Guys, lumabas na kayo then lock the door." kinalibutan ako sa sinasabi nitong si George eh... Sh*t!!!
Sumunod nga ang mga alipores niya at kami na lang dalwa dito sa locker room...
Nakawala ako sa mga braso niya at tumakbo papalayo sa kanya...
"Wag kang lalapit! Parang awa mo na!!! Whhhaaahhh!" pinagbabato lahat ng madampot ko dito sa locker room sa kanya
"You are so helpless... And I like it." sabi niya
Napapaiyak na ako. Hinuhubad na niya yung shirt niya... Aaminin ko, may itsura siya at malalaki ang muscles at abs niya pero DI KO SIYA TYPE!!!
(TTT^TTT)
Mawawala na ang pagkabinata ko!!!
"DJ, nasa loob ka pa ba!" sigaw ng isang lalaki habang sinisipa yung pintuan
Si Sunget!!!
"Zac, tulungan mo ako!!!" sigaw ko
"DJ, stay calm!" sabi niya
"Hahaha!!! Wag ka ng mag-abala pa Zac. Akin na siya ngayon at ako na ang bahala sa kanya..." huhuhu, wala talagang naiidudulot ang pagiging chismosa ko!!! (=^=)
Lalong lumakas ang sipa sa pintuan at nabuksan na ito...
Pinagsasapak ni Zac si George at tumba naman si George. Tama nga siya. Kaya niya si George talunin. Napagtulungan lang siya noon...
Nilapitan naman agad ako ni Zac... Yinapos niya pa ako.
YINAPOS NIYA AKO???!!!
"I'm so worried. Buti na lang pinuntahan agad ako ni Ivan." akala ko naman iniwan ako ni Ivan sa ere. Buti naman at tinawag niya pala si Zac.
"Ano ka ba? Naka-chamba lang yang si George eh. Sasapakin ko na sana kaso di ko nagawa kasi nagutom ako bigla." ako
"Asus, malapit ka na ngang ma-ra---" tinakpan ko ang bibig niya
"Ayokong marinig ang Rated SPG na word na yan!" pagmamatigas ko
"Haha, oo na. Tara na."
"Papano ako makakatayo kung nakayakap ko pa rin sa'kin?" sabi ko
"Ahehehe, sorry... Oh tayo ka na." inilahad niya sa'kin yung kamay niya
"Salamat Zac! I owe you my life!!!" nayakap ko naman siya this time
Puro talaga yakapan ituuu?!
"Haha! Oo na! Gaya gaya! Alam mo ba ang ibigsabihin nun?" sunget talaga!!!
"Wala!!! Salamat na lang! (-,-) " sabi ko at humagalpak naman siya ng tawa... Hmhp!
*.*.*.*.*
<Ivan's point of view>
"Oh kamusta na siya?" si insan
"May nangyari na naman sa kanya ngayon pero buti na lang na nailigtas siya ni Zac." ako
"Si Zac? Close na sila ni DJ?"
"Oo. Mukha ngang nagkakamabutihan na sila eh."
"Huh? What the F! Pigilan mo yan! Pigilan moh!!!" praning talaga toh (-,-)
"Oi! Di ako marunong magpahiwalay ng tao noh! Umuwi ka na kasi para ikaw na ang duma-moves!"
"Oo na nga! Inaayos ko na ang lahat. Maghintay yang si Zac sa'kin!!! Muwahahahaha!!!"
"Baliw ka talaga insan! Sige basta nasa'yo ang suporta ko."
"I want DJ back..."
*.*.*.*.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro