Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**48** Waiting (part 2)

**48** Waiting (part 2)

*****

<Rino's point of view>

"You don't need to do this! Wala kayong karapatan na putulin na agad ang buhay niya dahil wala na kaming pambayad!" sigaw ko sa mga nurse at doctor

"Sorry sir pero hindi lang naman po siya ang nasa ganitong kondisyon. May iba rin pong nangangailangan. Sir, nahihirapan rin po siya kahit hindi niya nasasabi sa inyo, kaya kailangan na po namin 'tong gawin."

"N-No... This is not happening..." yan na lang ang nasabi ko habang nag-iiyakan ang mga taong kasama ko dito

Hanggang dito na nga lang ba? Huh, DJ??? Gumawa ka naman ng paraan jan oh! Nagawa na namin ang lahat sa loob ng anim ng buwan...  Please wake up. Astig ka di ba???

Wala na akong nagawa kungdi panoorin na tanggalin ang oxygen na nakakabit sa mukha ni DJ...

Tumulo na lang bigla ang luha ko...

"Stop!" sabi ko "Just let her breathe for just a minute. Hindi ko pa talaga kayang mawala siya..." pumayag naman ang mga nurse na hindi muna tanggalin ang life support ni DJ

Tumabi ako kay DJ... Hinawi ko ang ilang piraso ng buhok na tumatakip sa mukha niya...

Napakaganda talaga niya... Siya na ang PINAKAMAGANDANG babaeng nakikilala ko. Siya rin ang PINAKAMAMAHAL ko... Pero kailangan ko rin siyang pakawalan.

"I love you..." I kissed her forehead "Good bye."

"Don't say good bye..."

Nagulat ako sa biglang nagsalita...

Nagulat din lahat ng nandito na nagmamahal kay DJ...

"Lola Dona? Why are you here???" tanong ko sa kanya "Look at DJ... Are you happy now??? Hindi ka pa ba masaya na nalugi na ang Yellow Stone?! Ano pa bang kailangan ko kay DJ?"

"You're right apo, and I'm wrong. True love really exists... Napatuyan na yan ng isang kaibigan ko na si Juliana, hindi lang agad ako naniwala at ngayon, eto na naman. Pinagpalit ako ng taong mahal ko dahil sa taong mahal niya. Mahal kita apo kahit na ganito ako. At dahil mahal kita, gusto ko masaya ka. Ako na ang bahala kay DJ."

"What do you mean lola?"

"Ako na ang magbabayad ng hospital bills niya... Napakarami ko ng naging kasalanan sa kanya, sa inyo. Ito na siguro ang panahon para palitan ko lahat ng iyon ng kabutihan..."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Lola... "L-Lola, is that you?"

Tumawa siya at nagsalita... "Yes apo!!! I'm your one and only Lola Dona!"

Tumayo ako para yakapin ang lola ko... "Thank you lola... Thank you thank you!!!"

.....

Kaming dalwa na lang uli ni DJ... "Ang galing mo hah... Gumawa ka talaga ng paraan... Hayaan mo hinding hindi kita iiwan. Hihintayin kita DJ..."

*****

Lumipas na naman ang ilang buwan at natutulog pa rin si DJ... Napagdesisyonan ng mga magulang ko na pag-aralin ako sa ibang bansa at hindi naman ako nakatanggi sa kanila...

Dala ang mga maleta ko sa ospital... Nagpaalam ako kay DJ. "Hey, wag kang mag-alala. Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko sa ibang bansa then babalik na uli ako sa tabi mo. Please promise me na pagbalik ko gising ka na ah! I love you..." I kissed her forehead

Hanggang sa pag-alis ko ng bansa, si DJ pa rin ang nasa isip. Punung-puno ako ng pag-asa na magigising siya, na may silbi ang isang taon na iginugol ko sa tabi niya habang natutulog siya ng mahimbing...

Please DJ, naghihintay pa rin ako...

*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro