**48** Waiting (part 1)
**48** Waiting (part 1)
*****
<Nova's point of view>
Hindi ako mapakali, lahat ng taong nasa labas ng emergency room ay hindi mapakali dahil kay DJ...
Nagulat na lang ako ng biglang suntukin ni Kuya Dick si Rino... "Kasalanan mo toh eh!!! Dapat pinabayaan mo na lang siya. Dapat hinayaan mo na lang siyang kalimutan ka. Pinagkatiwalaan kita K.O., akala ko ikaw ang magiging tagapagligtas ng kapatid ko, hindi pala. Ikaw pa ang nagdala sa kanya sa kamatayan." sabi pa niya rito
Tinulungan naman ni Edok na makatayo si Rino, si Rino na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita... "Tama na kuya Dick, wala tayong dapat sinisisi ngayon. Tayo lahat ang naka-isip nun. Ang dapat ginagawa natin ngayon ay magdasal, magdasal tayo para kay DJ." alam kong nagpapakatatag lang si Edok para sa'min at alam ko rin na sobra rin siyang nag aalala kay DJ
"P-Pasensya na. Mahal na mahal ko lang talaga ang kapatid ko." pati si Kuya Dick ay hindi na rin napigilang lumuha
Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita... "Bakit ba kayo nag-iiyakan jan? Patay na ba si Dianna Jolin Padilla? Hindi pa naman di ba? Please guys, magpakatatag naman tayo!!!"
"Tama si Nova. Kahit na kaunting panahon ko pa lang nakakasama si Ate DJ ay may pakialam na rin ako sa kanya. Magpakatatag tayo dahil si Ate DJ ang nagturo sa'tin nun." sabi ni Piatos na kanina pa akong pinapakalma
Ngumiti ako sa kanya... Tama... Hindi mahina si DJ. Kakayanin niya yun...
Lumabas ang doctor sa emerency room kasabay niya si DJ na nakahiga sa hospital bed... Mangiyak-ngiyak ako ng makita ko siya... May benda sa ulo niya. At injured ang magkabila niyang paa...
"Dadalhin na ang pasyente sa room niya." sabi ng doctor
"Kamusta po ang lagay ng anak ko?" tanong ni Tita Jolina sa doctor
"She's in state of coma. Hindi pa namin alam kung kailan siya magigising... sa ngayon mabubuhay lang siya sa pamamagitan ng mga life support na ilalagay namin. I am so sorry..."
Halos mahimatay na si Tita sa narinig niya kaya inalalayan siya ni Tito Dino...
Napatingin naman ako kay Rino na halatang sinisisi ang sarili niya...
Please, wag naman sanang mawawala si DJ... Marami pa pong naghihintay sa kanya...
.......
<Rino's point of view>
Umuwi na silang lahat except sa'kin at kay Tito Dino para magbantay kay DJ...
"Hijo, wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." sabi niya sa'kin ng nakangiti
Nginitian ko lang siya...
"Sige hijo, dito ka muna. Bibili lang ako ng makakain natin." lumabas na si tito
Sa tuwing makikita ko si DJ na ganito... Hindi ako sanay... Parang hindi siya ito...
Iba ang DJ na kakilala ko. Matapang siya at hindi lang basta basta sumusuko... Kaya naniniwala akong malalampasan niya ito...
Hinawakan ko ang malamig niyang kamay... "Hey, Apple... Nami-miss ko na ang pamumula ng mukha mo sa tuwing sinasabi ko yun. Hindi ko alam kung ilang years tayo aabutin tayo kung sasabihin ko sa'yo kung gaano kita kamahal..." napaluha na ako "Hey, look... I'm crying. Pero alam kong mas madaming luha ang nasayang mo ng dahil sa'kin... Pangako, pag nagising ka, papaltan ko lahat ng mga luhang iyon ng saya... Pupunta tayo kahit saan mo gusto, bibilhin ko lahat ng pagkaing gusto mo basta magising ka lang... I'm here, waiting even if it is forever..."
........
[After 6 months...]
Nalugi na ang Yellow Stone dahil si DJ na lang ang inintindi ng pamilya niya simula ng nangyari ang aksidente. Naubos na rin ang pera nila dahil sa mga gastusin dito sa ospital...
Dumating ang araw na kailangan ng tanggalin ang life support ni DJ dahil nga wala na silang pambayad sa ospital na siyang naging dahilan ng pagkalungkot ng lahat...
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro