Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**46** 18 signs (part 1)

**46** 18 signs (part 1)

*****

<DJ's point of view>

Birthday ko ngayon... 18th birthday... AT WALA MAN LANG NABATI SA'KIN... Hayyy... Mahal na mahal talaga nila ako! (-,-)

Nandito lang naman ako sa photoshoot. Ako lang mag-isa dahil hindi ako sinamahan ng magagaling kong kaibigan (-_____________-)

"DJ, ready ka na ba?" tanong ni Shaka sa'kin habang nakangiti

"Ah oo." sagot ko naman sa kanya

Hay... Hindi rin ako ngayon komportable sa suot ko. Pano ba naman ang haba-haba ng gown na ito tapos sa pool naman sa resort namin kukuhanan. Ano yun?! Maglalangoy ng naka-gown?! Si Shaka talaga! (-,-)

Hihihi... OK lang pala. Color yellow kasi (*-*)b

Susunod na sana ako kay Shaka ng bigla kong makita ang toy car kong si Weng Weng sa di kalayuan...

Tinignan ko ang plaka nito para masiguradong akin nga iyon...

"INO 143." basa ko

So akin nga yuuun!!! Di nyo ako masisisi... Si Katarino nga di ba ang may bigay niyan! (=_=)

Biglang iyong umandar ng mabilis...

Hinabol ko naman...

"Hoy! Sinong nagko-control ng kotse ko! Akin yan! Akin si Weng Weng!!!" sigaw ko habang hinahabol iyon

Buti na lang hindi ko naisuot ang heels na ipinapasuot sa'kin ni Shaka kaya nakayapak ako ngayon at mabilis makakatakbo...

Hinawakan ko na sa isang gilid ang gown ko para makatakbo pa ako ng mabilis... Bakit ba naman ang bilis ni Weng Weng??????

Mabilis akong tumatakbo at ganun din yung laruan ko... Sino pa kasing nagpapahabol sa'kin?

Habang tumatakbo ako, maraming kumukuha ng pictures sa'kin... Ah oo nga pala. Nakalimutan kong sikat na sikat na nga pala ako.

Wahahaha...

Napatingin ako sa paligid ko... Nasa tapat ng club house na pala ako ng resort namin...

Pumasok yung kotse sa loob... At ganun din ako...

Ano ba yan?! Ang dilim sa loob!!! Pano ko na makikita yung kotse ko??? (-,-)

Malas naman oh!!!

"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you... Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!!!"

(*0*) <--- ako

"Surprise!!!" sigaw nilang lahat

"A-Akala ko naman, n-nakalimutan n-yo!" tears of joy

"Oi, fanget! Wag ka na ngang umiyak jan! Happy happy na! Yey!!!" sigaw ni Nova

"Happy Birthday Bebe!!!" sabi ni Edok sabay yakap sa'kin

"Hahaha... Thank you Bebe!" sabi ko

Teka??? ANONG SINABI KO???

"Hahaha, sayang naman bhe. Andito siya eh baka mabugbog ako." sabi ni Edok

"Hah? Sino?" tanong ko

"Ahhh... Si Nova baka magselos... Hahaha..." sabi niya saka umalis

Hindi ko na lang pinansin ang mokong na yun x)

Nagsaya kami kasama ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko, pati pala ang Ate Astig fan club ay nandito. Hahaha... Ang saya talaga... Kain kain lungs!!!

Pero parang kulang pa rin... Siguro dahil wala SIYA.

Biglang bumulong sa'kin si Maldy... "DJ, tara na sa stage. Sisimulan na natin ang 18 dances mo."

Sumunod ako kay Maldy at nag-announce na siya... "Good evening ladies and gentleman, please welcome Dianna Jolin Padilla, our birthday girl in her 18 dances."

Nagsimula na ang music at lumapit na sa'kin ang unang magiging dance partner ko...

Si Tatay...

"Tay, ang saya saya ko po." sabi ko agad pagkalapit niya

"Mas masaya ako anak dahil masaya ang nag-iisang prinsesa ko."

"Tay naman ih! Pinapaiyak mo ako ih!!! Mahal na mahal kita tay!"

"Mahal na mahal din kita anak. Wag kang maubusan ng pag-asa. Hindi ka NIYA iiwan..."

"Po?"

Hindi sumagot si tatay at niyakap lang ako ng napakahigpit...

Sumunod naman si Mama...

"Mama!!!" sabi ko paglapit niya

"Ang ganda ganda ng anak kooo!" sabi niya

"Mana sa inyo eh. Hehehe..."

"Haha, bolera! Saka nga pala, tama ako. May dahilan SIYA. No one leaves somebody without a reason. I love you DJ." hinalkan ni mama ang noo ko at umalis

Napakunot lang ako sa sinabi ni mama dahil di ko iyon nakuha...

Si Kuya Dick naman ang sunod...

"Pogi ah?" sabi niya sa'kin

"Hindi mana sa kuya eh... Hahaha!"

"Psh! Pasalamat ka at birthday mo ngayon ah!"

"Hayyy kuya, mamimiss kita. Ika-kasal ka na kasi!!! :3 "

"Hay, di naman kita iiwan eh. Mahal na mahal kita eh. At alam ko na mahal na mahal ka rin NIYA."

"Hah? Sinasabi mo?"

Hindi na naman nasagot ang tanong ko...

Si Kuya Jasper naman...

"Happy Birthday bunso..."

"Kuya, ang dadrama nyo!!!"

"Hahaha, anong masama dun? Ingat ka lagi ha! Hindi ko narin pala kailangang mag-alala dahil iingatan ka naman NIYA."

Umalis na naman (-,-)

Anong trip toh mga pare???

Sumunod naman si Ate Mina at si Baby Dina...

Sabay na nila akong isinayaw...

"Bunso, lagi kang magpakasaya ah." sabi ni Ate Mina

"Oo nga tita dahil ayaw po NIYA ng nalulungkot ka." sabi naman ng pamangkin kong si Dina

Sumunod naman si Lola...

"Apo, you are so beautiful tonight!"

"Thanks lola and thanks to this wonderful gown. Nagustuhan ko po ito :) "

"Welcome and thank you apo. Ah, by the way. Red and yellow may be the best partners I guess..."

Anong kayang ibigsabihin ni lola?

Si Nova naman...

"Fangggeeetttt!!!" sigaw niya papalapit sa'kin

"Ayyy ah?! Ikaw lang ang nagsabi sa'kin na panget ako!"

"Ako lang kasi yung honest ditei! xD "

"Ang sama mo talaga! Hahaha... Payakap nga bakla!!!"

Yinakap ko si Nova at may binulong siya... "Everybody deserves a second chance, oh I mean a THIRD chance."

Si Ate Gracia naman...

"You like the food DJ?" tanong niya agad pag bigay ng rose sa'kin

"Hahaha... Oo naman po 'future sister-in-law. Tummylicious is the best!!! Sana sa bahay pa rin kayo tumira kapag kinasal na kayo ni Kuya Dick-dik para lagi mo akong maipagluto."

"Yun ba ang gusto mo? Sige bah! Hahaha..."

"Salamat ate sa lahat lahat ah... Sa pagtanggap mo agad sa'kin sa Tummylicious noong nag-hahanap ako ng trabaho."

"Sus, wala yun... Always remember. Food is more delicious when you are eating with your love ones."

"Hahaha, hashtag hugot ba tayo ngayon???"

"Hahaha! Dianna, makikita natin mamaya kung sino ang mas maraming huhugutan."

Napa-singkit ang mga mata ko... Ano na ba talagang pinaparating ng mga senyales na ito???

[to be continued...]

*****

A/N: This is it!!! Ang saya saya naaaa!!! (^_<) Dedicated to Llysa Pedraja. Para sa'yo toh dahil sa iyong hindi makapaghintay na damdamin xD <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro