**40* Keyword
**40* Keyword
*.*.*.*.*
<pretty author's point of view>
Sa kanto ng BADTRIP...
"Oi tol, kamusta nga pala kayo ni Hershey? Nakapag-usap na ba kayo?" sabi ni DJ sabay subo ng kwek kwek
"Wala na kami nun..." maiksing sagot ni Edok
Tinignan lang siya ni DJ ng wag-mo-akong-niloloko look...
"Ano?! Seryoso nga ako! Ikaw lang kaya ang love ko." sabi ni Edok sabay kindat
"Pwe! Seryoso ako... Ano na? Wala na kayong balak na magkabalikan?" tanong ni DJ
Tumungo lang si Edok...
"Ah eh... Sorry. Hindi na kita kukulitin." tinapik tapik ni DJ ang balikat ni Edok
"De ayos lang... Masarap ba ang kwek kwek?"
"Hahaha... Lagi naman eh! Basta nandito lang ako tol pag kailangan mo ako ah?"
"Pano kung kailangan kita sa kasal ko?"
"Bilang ano? Best man? Oo naman! Hahaha..."
"Bilang bride ko... Nandoon ka pa rin ba para sa'kin?"
Hindi alam ni DJ nararamdaman. Nakikita niyang seryoso na si Edok sa tanong niyang iyon... Kita rin s mata nito ang paghihintay sa sagot niya...
"Edok, magkaibigan lang tayo di ba?" sagot ni DJ
Naramdaman na naman ni Edok ang sakit na madalas na naidudulot sa kanya ni DJ...
"Ah oo nga pala. Haha... Feeling ko since birth nililigawan na kita pero hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinasagot..." sabi ni Edok na nagpipigil lang ng kanyang lungkot
"Pasensya na talaga, Edok. May magagawa ba ako para makabawi sa'yo?" nasabi ni DJ dahil sa konsensyang nararamdaman niya
"Payakap..."
"O-Oh sige..."
Yinakap ni Edok si DJ at hanggang ngayon pa rin ay may nararamdaman pa siya dito...
"Sana naging bakla na lang ako..." sabi ni Edok habang nakayakap siya kay DJ
"Bakit mo naman nasabi yun?" si DJ
"Para sa tuwing nakikita kita, hindi lumalalim ng lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Sana naging bakla na lang ako.para hindi ako nababaliw ng ganito sa'yo. Sana--"
"Itigil mo nga yang drama mo!" kumalas si DJ sa yakap ni Edok "Ang gwapo gwapo mo tapos magpapakabakla ka... Ano gusto mong masapak???!!!"
"Ayos nga yung gwapong bakla eh para maraming fafalus..." parang baklang sabi ni Edok
Piningot ni DJ ang tenga ni Edok... "AAAARRROOOUUUCCCHHH!!!"
"Ano magsasalita ka pa ng kabaklaan mo?!" sigaw ni DJ
"Hindi na po! Hindi na po!" parang takot na takot na bata si Edok kay DJ
"Ahahaha... Alam mo bang na-miss ko yang itsura mong ganan?" sabi ni DJ
"Hindi mo naman kasi mamimiss tong pagmumukhang ito kung hindi lagi si Rino ang nasa isipan mo..." seryosong sabi ni Edok
Tinignan lang siya ni DJ...
"DJ sabihin mo nga sa'kin... May pag-asa ba ako sa'yo kung saka-sakali?"
"Oi ano ba? Ang seryoso mo nam--"
"Sagutin mo muna ako..."
"Edok... Ahmmm..." hindi alam ni DJ kung ano ang sasabihin niya
"Ganito na lang... Ahmmm... Bigyan mo ako ng keyword. Yung keyword na yun ang sasabihin mo pag pinapayagan mo na akong ligawan kita... yung totoong ligaw na..."
"Pero Edok alam mo namang kami ni Kata---"
"Bigyan mo lang ako ng keyword."
"Ahmmm... Oh sige. Pag tinawag na kitang Ed. Yun na, yun na yung signal."
"Haha... Mukhang mahirap yun para sa'yo ah?"
"Eh ikaw ihhh!!! (>_________<)! "
"Sige na ok na... Tara, hatid na kita sa bahay nyo."
"Salamat... Ed--- ok!!! Wahaha..."
"Ikaw hah! Pinagtitripan mo ako!!! Halika ka nga rito!!!"
"Habulin mo ako! Bleeehhh!!!"
Ang relasyon nina DJ at Edok ay ang relasyon na hindi kayang baliin ng kung sino man...
........
Inabot na sila ng dilim pag-uwi dahil sa trapik...
Ng biglang may humarang na limang lalaki sa harapan nina DJ at Edok pagkababa nila ng sinasakyang jeep...
"DJ, wag mo na lang papansinin hah. Pag sinabi kong takbo... TAKBO!!!" sabi ni Edok
Ngunit sa huli ay nadakip sila ng mga lalaki at isinakay sa van...
"Ano na naman ba ito?!" sigaw ni DJ
"Wag kang maingay babae ka!" sigaw ng kidnapper #1
"Hoy! Mabaho at mabuhok na lalaki, wag mong sinisigawan ang babes ko!!! Mahal na mahal ko yan!" sigaw ni Edok
"Wag kang mag-alala... Matatapos na naman ang paghihirap mo sa kanya..." kidnapper #2
"Anong ibig mong sabihin hah?!" si DJ
"Malalaman nyo rin..."
Tumigil ang van sa isang liblib na lugar... Napupuno ang lugar na ito ng mga puno...
Itinali ng dalawang lalaki si DJ sa isang puno... Samantalang si Edok naman ay hawak ng dalwang lalaki at kaharap nito ang pinakamalaki sa lahat...
"Ano bang palabas ito?" sigaw ni DJ
"Wala kang gagawin kungdi manood." sabi ng lalaking kaharap ni Edok
"Hah? Para san ba ito?" si DJ
Bigla na lang sinikmuraan ng lalaki si Edok... "Ahhhh!!!" sigaw ni Edok
"A-Anong ginagawa nyo?!" gulat na sabi ni DJ
Hindi na nagsalita ang mga lalaki at pinagtulungan ng bugbugin si Edok...
Hindi na makatayo ang binata sa ginagawa sa kanya...
Walang nagawa si DJ kungdi panoorin ang paghihirap ni Edok... Namumuo na rin ang mga luha niya sa kanyang mata.
"Tama na! Itigil nyo na yan! Ano ba talagang kailangan nyo?! Tama na! Mamatay na siya. Parang awa nyo na!!!" paulit ulit na sigaw ni DJ ngunit hindi siya pinariringgan ng mga lalaki
Duguan na si Edok at puno ng pasa ang katawan...
"Yan... YAN ang mangyayari sa mga mahal mo sa buhay DJ kapag hindi nyo tinigilan ni Katarino ang pagmamahalan niyo!" sigaw ng isang kidnapper
Napaiyak na ng malakas si DJ. Nakokonasensya na siya sa lahat ng mga nangyayari. Pati ang mfa kaibigan niya ay nadadamay dahil lang sa gusto niyang maging masaya sila ni Katarino...
"Mga bobo!!!" nagawa pang sumigaw ni Edok habang nakadapa sa lupa at namimilipit sa sakit... "B-Bakit ako ang binbugbog nyo?! Dapat si Katarino!"
"Edok..." nakaramdam ng tuwa si DJ dahil nakita niyang may lakas
"Ano magsasalita ka pa?" sabi ng isang lalaki
Bubugbugin na naman ng mga lalaki si Edok...
"ED!!! Lumaban ka!!!" sigaw ni DJ
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Edok at pinilit niyang tumayo...
"Walang pedeng manakit kay DJ dahil hindi pa niya ako sinasagot!"
Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa niya... "Subukan nyo pang lumapit at tatawag ako ng pulis..."
"Papano? Papano mo nakakaya ang sakit na nadulot ng pagbugbog namin sa'yo?" takang takang sabi ng mga kidnappers
"Dahil nagmamahal ako... Kayo? Wala ba kayong mahal sa buhay???!!!"
Lumuhod ang mga kidnappers sa harapan ni Edok... "Patawarin mo kami... Napag-utusan lang talaga kami ng isang misteryosong babae. At kapag hindi namin siya sinunod papatayin niya ang mga asawa namin... Handa kaming tanggapin ang ano mang parusa ngayon dahil sa nagawa namin sa inyo..." mangiyak ngiyak na sabi ng isang kidnapper
"Oh sige... Pakawalan niyo muna si DJ."
Agad agad nila itong sinunod...
"Tapos dalhin nyo ako sa o-ospital." pagkasabi ni Edok ay bigla siyang nahimatay
"Edok! Bilisan nyo tulungan nyo ako!" sigaw ni DJ
*.*.*.*.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro