Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**4** Don't mess with DJ

**4** Don't mess with DJ

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Inabutan namin ni Ivan si Zac na nakahiga sa damuhan... Maraming taong nanonood at walang makagawang pigilan sila dahil siguro natatakot sila kayna George.

Pinagtutulungan si Zac ng LIMANG malalaking tao at hindi man sila naaawa?! Asan na ba ang mga teachers at guards dito?!

"Tumigil na nga kayo! *sumipol pa ako gamit ang kamay ko*"

Nagulat si Ivan ng bigla akong lumapit sa pinangyayarihan ng gulo at hindi na niya ako napigilan pa...

Tumingala ako para maka-usap si George. Ang laki niya ih! "Oi! Ikaw? Bakla ka ba?! Di ka marunong lumaban ng mag-isa ano? Pinagtutulungan nyo yung tao tapos may mga hawak pa kayong mga pamukpok? Ano yan stuffed toy?! Di nasasaktan???!!! Kung ikaw kaya ang pukpukin ko nyan!" sarcastic na sigaw ko sa pagmumukha neto


"Matapang kang babae ka ah?!" ihahampas niya sa'kin yung bat niya pero hindi ako nagpakita ng takot at nakapamewang pa ako ngayon

"Oh ano? Ihahampas mo na ba? I'm waiting baby!!!" pang asar ko ko sa Shrek na toh

Nakatulala lang silang lima sa'kin habang si Zac ay namimilipit na dun sa sakit. Kailangan ko na siyang matulungan agad!!! Kaya ginamit ko ang pagkakataon na makuha ko ang bat na hawak ni George.

Nagulat sila sa nagawa ko...

"Oh ano hampasan tayo!" nagtawanan yung mga taong nanonood sa'min

Hindi ako nagloloko ah! Inihampas ko yung bat sa braso ni George at knock out siya... Sinugod naman ako ng apat pa niyang kasama pero ganun din yung nangyari sa kanila. Patung patong ko silang napatumba! Wahahaha!!! Ako na talaga!!!

Umupo ako at bumulong sa nakahigang George and friends... "Don't mess with DJ..." kita ko sa espresyon nila na takot na takot na talaga sila sakin...

*PYIIIITTTT!!!* <--- sipol ng guard

"DJ! Ayos ka lang!" sabi ni Nova habang papatakbong lumapit sa'kin

"Tinawag na namin yung nga guards ng makita namin na magsisimula na ang laban nila kaso ang hirap maghanap ng guards dito sa campus eh." si Henry

"Kaya nga! Ang laki laki kasi ng YOU! Ano na bang nangyari?!" si Maldy

"Oo nga? Sayang di namin napanood!" si Edok

"Haha! Sayang talaga... Geh, ayos lang ako. Nova, umuwi ka na. Pasabi kayna mama na baka matagalan akong umuwi may aayusin pa ako eh. Edok, pahatid kay Nova ah. Salamat sa inyong apat ah!" ako

"Sige. Ingat ka ah!" umalis na sila


SI ZAC NGA PALA!!!


Linapitan ko naman agad si Zac...

Umupo ako sa harapan niya habang nakahiga pa rin siya... "Ui! Sunget, pasalamat ka dumating ako ah! Ang dami mong dugo. Siyet!!!"

"Don't say bad words! Sige ka, ipapasok uli kita sa DR." nagagawa niya pa talaga akong sungitan ah (-,-)

"Ikaw ang maghanda na ipasok ang sarili mo sa DR atsaka sa ER! Bakit ka kasi sumugod mag-isa eh di mo pala kaya?!"

"Akala ko si George lang ang makakalaban ko eh. Di ko rin alam na may dala silang bats. Pwede ba! Dalhin mo muna ako sa clinic!"

"Oo na po. Sorry!" inalalayan ko siya papuntang clinic. Kasama ko rin si Ivan...

......

Sa clinic...

Sabi nung nurse kailangan daw munang magpahinga ni Zac. Wala naman daw itong bali. Puro pasa at black eye lang naman ang nakuha niya... Sayang naman yung mukha niya... Ang gwapo gwapo!!! Ewww DJ ah!!!

Tulog na siya ngayon... Ako naman, nilalagyan ko ng cold compress yung ulo niya kasi may bukol din siyang natamo.

"DJ, ang galing mo kanina!" puno ng paghanga na sabi ni Ivan na katabi ko ngayon sakin

"Wala yun, sanay na ako eh... Uso kasi ang mga bugbugan sa kanto eh. Haha!" ako

"Wow! Ang galing galing mo talaga. Idol na kita. Kahanga hanga ka nga. Tama nga si Kata---" naputol yung sinasabi niya kasi nagring yung cellphone niya

"Ivan, may problema ba?" ako

"Ah wala... Hehe... Sasagutin ko lang tong tawag ah!" sabi niya, tumango na lang ako

*.*.*.*.*

<Ivan's point of view>

Hayyy... Tumatawag na naman si insan...

"Oh hello insan, napatawag ka na naman?" ako

"Shempre noh! Ikaw ata ang personal agent ko. So ano? Ok ba lang siya?" masayang tanong ni insan


"Oo naman. Tama ka! Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya. Ang galing niyang makipaglaban!"

"Haha, yan siya eh. Miss ko na siya... Sobra..." biglang lumungkot yung tono ng boses niya

"Wag kang mag-alala insan. Maaayos din ang lahat..." pagkumbinse ko sa kanya

"Tama ka, Ivan. Geh, bantayan mo siya ng mabuti ah! Uuwi na nga pala ako this week!" masayang sabi niya

"Wow talaga! Maganda kung ganun. Nakikisigurado ako maaayos nyo na ang gusot! Ayyyiiieee!!!"

"Di rin eh. Bantay sarado ako ni lola..." malungkot na naman siya. Bilis talaga ng mood swings ni insan

"Ivan! Pakuha pa nga ng yelo jan!" sigaw ni DJ

"Ah. Ok DJ!" sagot ko kay DJ

"Insan, si D-DJ ba yun?" tanong ni insan

"Oo insan!" ako

"Grabe, I really miss her voice!!! Bye na! Wala na akong load. Haha! Yung bilin ko sa'yo ah! Keep your eyes on her. Please... I love her so much..."

"Sir, yes sir!!!" ibinababa ko na ang tawag

"Sino yun, Ivan?" nasa likod ko na pala si DJ!!! Nakakagulat siya!!!

"Ah, wala. S-Si mama ko. Pinapauwi na ako eh... Eto na nga pala yung yelo." inabot ko sa kanya yung plastic ng yelo

"Ah, salamat. Sir pala ang tawag mo sa mama mo ah?! Geh sabay na tayo. Uuwi na rin ako eh. Natawagan na naman yung parents ni Zac para sunduin siya dito." si DJ

"Ah, sige tara." bakit nga mama ko idinahilan ko pede namang si papa (=_=)

Dapat mong malaman DJ na mahal ka pa rin niya at sana mahal mo pa rin siya para pagnagkita na kayo maging masaya na kayong dalwa ni insan...

Pero, alam kong maraming balakid ang darating sa inyo at handa akong tumulong sa kanila...

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro