**36** Mysterious Girl
**36** Mysterious Girl
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
"Yan DJ ah! Si Ma'am na mismo ang nagsabi na hindi ka dapat iniiwan na mag-isa." sabi ni Nova habang papasok kami ng Student Council room kasama sina Katoy, Edok at Ivan
Ang dami namang buntot (=________=)
"Hay oo na... Gustung-gusto ko na talagang sapakin yung Tayra na yun." ako
"Sasapakin mo ako? Oh c'mon DJ. Wala nga sabi akong kasalanan sa'yo!" nagulat kami dahil pagkapasok ng SC room ay nandoon si Tayra
"B-Bakit ka nandito? May binabalak ka na namang masama noh?!" ako
"Duh?! Nandito kasi kinakausap ko lang ang twinny ko! Ano bang mapapala ko kung patayin kita?!" sabi ni Tayra sabay irap
Ang sarap niya talagang iuntog sa padeeeerrrr!!! (>____________<)
"Ahhh!!! Humanda ka talaga!" susugurin ko na talaga siya kaso bigla akong inawat ng mga kaibigan kong sasapakin ko na rin mamaya (>_____<)
"Kung hindi ikaw ang mga gumagawa nito sa'kin? Anong ibigsabihin ng pagbabanta mo sa'kin noon? Noong paglabas ko ng Horror Booth at may dala kang camera?" ako
"Nagawa ko lang yun kasi galit na galit ako sa'yo! Gustung-gusto kitang sabunutan. Si George na lang kasi ang kaisa-isa kong mahal pero na-kick out siya kaya napapadalas na siya ngayon sa mga bars at nakakatagpo ng iba't ibang babae. Yes DJ, I hate you but I can't kill you!" sabi niya sa'kin hindi niya na rin napigilang umiyak sa harapan ko
Naibaba ko ang kamay ko na pang-iisapak ko sana sa kanya kanina pero matapos niyang sabihin yun, nakaramdam ako ng awa sa kanya... "P-Pasensya na. May nagawa naman kasing masama si George kaya siya na-kick out. Please wag ka ng magalit sa'kin." ako
"Wag magalit?! Huh huh. Eh ikaw nga jan ang mananapak eh!" sabi niya sabay walk out
"Ate!" sinundan naman siya ni Louis
Inayos na namin ang mga dapat gawin sa SC. Nahihirapan kasi si Katoy kasi siya ang vice president tapos wala na siyang president. Kaya sa kanya naiwan lahat ng trabaho sa kanya... Pero hinati-hati namin ito sa iba pang officers.
Pagkatapos ay sabay sabay na kaming umuwi...
May nakasalubong kami at binati niya kami... "Hi. Kamusta kayo?"
"Ah, ayos lang kami. Salamat nga pala sa concern mo kanina ah." sabi ni Katarino dun sa babae
"Ahm, sino siya?" tanong ko
"Ah siya yung nagwarning sa'min na may sunog DJ." si Nova
"Ahhh... Salamat ah. Sige una na kami." ako
Habang naglalakad nakasalubong namin si Tayra at takot-takot ang mukha niya at hindi rin siya mapakali...
"Oi, anong nangyayari sa'yo?" ako
"B-Bakit ninyo kinausap ang babaeng yun?" nangangatog ang mga tuhod niya
"Hah? Bakit? Anong masama? Siya kasi yung nagpaalis sa'min sa may malapit sa bodega pero dahil nga may masamang kutob kami ay pumunta pa rin kami." si Ivan
"Bakit ba Tayra?" sabi naman ni Edok
"Yung babaeng yun ay nasa likod ko, kasabay ko siyang umalis ng tumunog ang fire alarm... P-Pero nung nakita niya kayo na papunta sa direksyon ng nasusunog na bodega ay inunahan niya ako at narinig ko pa siyang nagsabi ng 'bwiset' at kinausap niya kayo na para ngang pinapaalis niya kayo."
"Oo siya nga yung nag-papaalis sa'min nun. Anong problema?" sabi ni Nova
"S-Siya yung babaeng nakita kong lumabas ng lumang b-bodega!" sabi ni Tayra
Agad-agad kaming nagpunta sa pulis at pina-sketch ang mukha nung babae kasi hindi namin alam ang pangalan niya saka kami pumunta sa registrar para itanong kung meron ganung babae ang napasok sa YOU...
"Sorry po pero wala pong ganyan ang itsura dito sa records eh." sabi nung nasa registrar
"Awww... sige po." sabi ko
Ganito kasi yung itsura nung babae. May malaki siyang salamin na halos matakluban na ang mukha niya. Mapuputla ang labi niya. May mahaba siyanga itim na tuwid na buhok at meron siyang ribbon na pula na nagsisilbi niyang headband.
"Imposible naman yun? Papano siya makakapasok dito sa campus?" ako
"Sus! Eh kung si George at Piatos nga ay nakakapasok dito eh!" sabi ni Nova
"Pero papano mo mapapaliwanag ang suot niyang uniform at may I.D. din siya!" ako
"Yan ang hindi ko alam."
Ka-isa isa lang kasi ang kulay ng tela na ginagamit para sa uniform ng YOU. Imported pa kasi ito at tanging YOU Sewers lang nagtatahi ng uniform namin...
"Hayyy... Sino naman kaya siya at bakit gusto niya akong patayin?" sabi ko
*.*.*.*.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro