**34** Brothers
**34** Brothers
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Balik sa dati ang lahat... Regular classes na uli (-,-)
"Hay naku Dianna Jolin Estrada Padilla-Bernardo!!! Ang saya saya at maayos na kayo uli ni Inoy!!!" sigaw ni Ivan sa hallway
"Ivan, wag ka ngang maingay! Nasa school tayo noh!" bulong ko sa kanya
"Eh ano bang pakialam ng mga impaktang yan." hay... lumalabas na talaga ang pag-kaano ni Ivan... alam-nyo-na!!!
"Hahaha... Ewan ko sa'yo! Sige jan ka na ah. Magtatagpo pa kami ni Katoy sa library eh. Magkita nga pala kayo ni Nova sa food court."
"Okiedots!!!" sabi niya with actions pa....Hayyy... Sana wag mahawa sa kanya si Katoy x)
Papasok na sana ako sa library ng may biglang, humampas ng malakas sa likod ko...
Pakiramdam ko ay babaksak na talaga ako pero bago mangyari yun ay hinarap ko muna ang nasa likod ko...
Babae siya at naka-uniform na katulad ko... Pero hindi ko nakita ang mukha niya.
Yan ang huling nasa isip ko bago pa man ako bumagsak sa sahig...
*.*.*.*.*
<Nova's point of view>
"Oi Milohang Taba!" tawag ko agad kay Ivan ng makita ko siya
"Oh, anong kailangan mo babae?!" si Ivanot
"Abah?! Nakalimutan mo na ata ang panlilibre mo! Remember?! Hindi tumawa si DJ sa joke mo!" ako
"Oo na. Eh baka kasi naman hindi nakakatawa yung pagsasabi moh?!" siya
"Hay! Wala ka na dun basta ilibre mo na ako ngayon..."
"Oo na! Kamusta naman pala kayo ni Louis?"
"Wala..." walang gana kong sagot
"Awts... Bitter si ate..."
"Pero SORRY ka na lang! May manliligaw na akong gwapo!" pagmamayabang ko sa kanya
"Sus... Sino naman yung duling na yun?!"
"Duling ka jan?! Taga ibang school siya eh. Piatos ang pangalan."
Akala ko pagtatawanan din ako ni Ivan katulad ng reaction ng iba jan (-,-) Pero hindi!!! Iba ang reaction niya...
(0o0) <~~~ Ivan
"Oi, taba? Bakit ganan ang itsura mo?" ako
"PIATOS??? As in yung pagkain? Naku Nova malala ka na! Pati pagkain pinapatulan mo na! xD " OA niyang sabi
Nabatukan ko nga... "Hay, baliw ka! Piatos ang pangalan niya eh. Magagawa mo? Ako nga Nova ang pangalan eh..."
"Oo na kayo na ang meant to be. May kilala akong Piatos. Yung laging parang bagong gising ang buhok at gusot gusot ang uniform o kaya ang damit na suot niya. Tapos over all, mukha siyang bad boy?" sabi ni Ivan
"How did you know that?!" gulat kong sabi
"He's my brother..." seryosong sabi ni Ivan
(o_O) <~~~ AKO
"H-Hindi nga?! Bakit hindi kayo magkamukha?" gulat na gulat talaga ako. GRABEEE!
"To be specific... Step brother ko si Piatos..."
"Iiiihhhh! Wag ka ng pabitin oh! Kwento mo ng laaaahhhhaaattt!" ako
"Hayyy... Ok. Naghiwalay kasi sina mommy at daddy when I was 12 then nung 15 ako, nakilala ni mommy si Tito Tomi na daddy ko na ngayon. Byudo na si daddy Tomi nun. Namatay ang dati niyang asawa sa panganganak kay Piatos. Ayun, kinasal sila ni mommy kaya magkapatid kami na kami ni Piatos. Step brothers... You know!" sabi ni Ivanot
"Ahhhh... Woah! Eh bakit nung binanggit ko si Piatos kay Rino, hindi niya kilala. Edi ba pinsan mo yun?" ako
"Jusko day! Eh kung hindi nga kami close ni Piatos, sila pa kaya ni Inoy!!! Atsaka hindi sila magkakasundo. Parehas kasi silang may aking kayabangan. Hahaha..."
"Haha, oo nga nuh."
"So pano? Sasagutin mo na ba si Piatos?" si Ivan
"Ayoko nga! Ayaw kitang maging brother-in-law noh!" sabi ko
"Gaga!" sabi niya sabay bato ng fries na kakabili lang namin
"Wow hah!" ako
"Ahm, guys nakita nyo ba si DJ?" sabi ni Rino pagkasulpot niya sa harapan namin habang nakain kami ni Taba
"Hah? Ang sabi niya magkikita daw kayo sa library?" gulat na tanong ni Ivan kay Rino
"Oo nga eh. Kanina pa nga akong naghihintay sa library pero wala pa rin siya..." nag aalalang sabi ni Rino
"Asan naman kaya si Dianna?" ako
"Tara, hanapin na natin. Baka kung napapano na yun." si Ivan
"Sige tara!" si Rino
Nagmadali na agad kaming tatlo...
Hala ka Dianna... Where na you na naman???
*.*.*.*.*
<A/N: Eto naaa!!! Mapapahamak na naman si Dianna xD . Sorry kung short lang at hindi pants... (Korniks! xD) Samalat sa pagbabasa! Please vote ang comment belowww... '>_^ >
|
|
|
|
|
|
|
v
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro