Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**32** Goodbye...

**32** Goodbye...

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Pagkagising ko nag-ligo at nag-ayos na ako. Bibisitahin ko si Zac. Eto kasi yung last day ng kontrata...

Nakakalungkot dahil hindi ko siya napasaya ng limang araw na iyon. Mahalaga siya sa akin kasi kaibigan ko siya kaya ayoko siyang mawala...

Paglabas ko ng front door ay may nakita akong lalaki sa may gate na naka-checkerd polo na hindi nakabutones at may t-shirt panloob na may naka-print na na: I'm Piatos and I'm VERY inlove with Nova. Gulo-gulo pa ang buhok niya at mukhang bagong gising lang. Pero yung pormang yun ang nagpapalabas ng angking kagwapuhan niya...

Lumapit ako sa kanya at nagtanong... "Ahm... Toy, bat ka nakatambay jaan?"

"Ah... Kapatid ka ba ni Nova?" walang galang na tanong niya sa'kin habang nakapamulsa (-,-) Gwapo nga, bastos naman...

"Parang ganun na nga... Ano bang kailangan mo?" walang galang ko namang tanong...

"Ah may date kasi dapat kami eh. 8 ang usapan namin pero 9 na at wala pa siya..." sabi niya habang sinisipa-sipa ang pader ng bahay namin

"Ah! Hahaha... Ikaw ba si Piatos? (0-0) " bagay sila ni Nova... Wahaha... Rumble ang magaganap x)

"Di mo ba nabasa? *turo sa t-shirt niya* "Nakasulat naman di ba na 'I'm Piatos and I'm VERY inlove with Nova.'" sarkastikong sabi niya

Ang sarap niyang iuntog sa pader... (-,-)

"Oo na! Ako na nga ang bobo! Maging magalang ka sa'kin noh! Kapatid slash bestfriend ko ang nililigawan mo kaya matuto kang rumespeto... (-,-)"""" " agang aga nabwiset na agad ako ng lalaking ito

"Oo na po. Agang-aga po ay sumisigaw kayo po. Asan po si Nova?" Bakit ganun? Nung gumalang siya... LALO LANG AKONG NAASAR!!! (~0~)

"Tulog pa yun! Bahala ka jang mag-intay. May lakad pa ako!" sabi ko sabay walk-out. Haha! Manigas siya jan (*-*)b

"Oi, ate wag mo akong iwan dito!!!" sigaw niya

"Ate mo mukha mo! Nyahahaha... Mag-enjoy sana kayo sa date nyo! >:D " sabi ko saka sumakay ng kotse

"Sa ospital nga po. Pakibilisan po." sabi ko ng sobrang galang sa driver. Ayokong gumawa sa Piatos na yun (-,-)

Pero promise... BAGAY SILA NI NOVA!!! >:D

.........

Pagpunta ko pa lang sa may labas ng kwarto ni Zac ay nakita kong nasa labas at umiiyak na si Zhani pati ang mga magulang niya...

"B-Bakit po? A-Ano pong nangyari?" ako

"Ate!" pinilit ni Zhani na magsalita kahit humahagulhol na siya ng iyak "Kuya is in great danger. Hindi na talaga kaya ng puso niya. Wala ng magawa ang mga doctor dito pero kung madadala namin siya sa Canada ay magagamot na siya agad. Pero... Ayaw niyang pumayag... Ate, please pilitin mo siya... This is for him."

"O-Oh s-sige... Ako na ang bahala sa kanya..." huminga ako ng malalim saka pinihit ang doorknob

Kahit na alam kong mamimiss ko si Zac pagpunta niya ng ibang bansa, para din naman yun sa kanya eh... Para humaba pa ang buhay niya... Napakabata niya pa para mamatay... :'(

Pagpasok ko ay tinignan niya lang ako... Yung tingin niya na hindi ko makakalimutan... Ang isang tanda ng kasungitan niya.

"Kamusta ka?" tanong ko

"Ayos lang..." walang ganang sabi niya

Bakit niya ba pinagpipilitan na ayos lang siya? Ang putla putla na niya at namamayat na siya... Gusto kong umiyak na naman pero ayaw kong maging mahina ngayon sa harapan niya dahil alam kong ako na lang ang tangi niyang lakas...

"Ah... Sigurado ka?"

"Yun ang alam ko. Pero bakit sila nag-iiyakan jan sa labas?" sabi niya

Kinig nga naman kasi dito sa loob ang iyak ng mga magulang niya at ni Zhani ih...

"Hindi na siguro nila kaya na makita kang ganyan..."

"Haha... Hindi ko naman ginusto toh eh. Atsaka ayoko silang nag-aalala sa'kin." malungkot na sabi niya pero nagagawa niya pa talagang tumawa

"Yun naman pala Zac eh. Magpagamot ka na. Wala namang mawawala eh. Pag gumaling ka na, bumalik ka na ulit dito." sabi ko saka umupo sa tabi ng kama niya

"Hindi ganong kabilis at kadali yun Dianna... Natatakot ako... Hindi tayo nakakasigurado na magwowork ang operasyon ko sa Canada. Mas gusto ko na lang mamatay dito..."

"Zac, ano ba?! Matalino ka di ba???!!! Kaya maniwala ka sa imposible."

"Wala na namang saysay ang buhay ko dahil hindi ako mahal ng babaeng mahal ko..."

Napatahimik ako sa sinabi niya... Anong isasagot ko? Kailangan ko na siyang makumbinse...

"Mabuhay ka para sa pamilya mo Zac. Wag para sa'kin. Zac mahal naman kita eh, bilang kaibigan. Hindi ko ito gagawin kung hindi ka mahalaga sa'kin... Kaya please naman, sumunod ka na lang." pagmamakaawa ko sa kanya

"Sige. Sa isang kondisyon..." seryosong sabi niya

"Ano yun? Kahit ano gagawin ko..." wala na, napasubo na ako eh

"Payakap..." sabi niya saka lumabas ang matamis niyang ngiti

"Ow! Yun naman pala eh. Halika nga dito!" yinakap ko na siya ng sobrang higpit at ganun din siya

"Sorry sa lahat ng gulong nagawa ko sa buhay mo..." sabi ko habang nakayakap sa kanya

"Don't be sorry... Atsaka hindi ka naging gulo sa buhay ko, ikaw ang nagbigay kulay dito..."

Natuwa ako sa sinabi niya at yinakap ko pa siya ng mas mahigpit... "Talaga?"

"Oo... Mahal na mahal kita DJ. Sayang nga lang at naunahan ako nung si Rino sa puso mo." pabirong sabi niya pagkakalas ng yakap niya

"Pshhh... Haha! Corny mo talaga pres. Hayaan mo, malay mo may makita ka sa Canada na mas mahalin mo pa kaysa sa akin? Hindi natin alam kung anong mangyayari Zac pero nasa atin ang desisyong pumili para sa ating ikakabuti."

"That's so deep Diannoying! Hahaha... I will miss you." sabi niya sabay gulo sa buhok ko

"Mas mamimiss kita Sunget..." pinisil ko ang pisngi niya

"So... Ahm... Pakisabi na lang sa mga drama people sa labas na I'm ready for the flight." nakangiting sabi niya

"Whhhaaahhh Zac. Good luck. Mag-ingat ka dun ah!" ako

..........

"Thanks Ate DJ for everything. Ikaw na siguro ang pinaka-astig na tao na nakilala ko." sabi ni Zhani habang naglalakad kami papalabas ng ospital para ihatid ako sa parking lot

Uuwi na kasi ako para hindi ako pagod bukas paghatid sa kanila sa airport...

"Sus, wala yun. Alagaan mo ang sarili mo ah! Pati ang pamilya mo. Lalo na ang kuya mong napakasunget. Hahaha... Mamimiss kita." ako

"Thanks ate... You too. Take care!" sabi niya

Sumakay na ako ng kotse...

*.*.*.*.*

<Zhani's point of view>

I'm in my room alone... crying so hard...

They are all preparing para sa flight namin bukas papuntang Canada. Shempre kasama ako...

Hindi ko ma-imagine na iwan ang Philippines... lalo na si Louis...

Kahit naman papano ay mahal ko rin siya... But I'm not yet ready pa nga lang... Because I know that love is a complicated thing at hindi ito nagtatagal lagi... Takot ako... Or should I say na DUWAG ako para magmahal.

Kaya I keep on pretending na wala talaga akong nararamdaman sa kanya para hindi na siya umasa but lalo niya pa akong minamahal...

At ngayong aalis na kami... Dapat niyang malaman toh...

I rushed downstairs... At nagpahatid sa bahay nina Louis...

I want to confess all my feelings for him bago ako umalis...

Nag-door bell ako... And it not take too long ng may biglang nagbukas ng gate.

"Zhani, why are you here?" masayang bati ni Louis

"Louis..." hindi ko na napigilan at umiyak na ako

"W-Why? Did anyone hurt you?" his voice sounds so concerned "Let's go inside."

"No. Let's talk here. I don't want it to be long..." tumingin ako ng diretso sa mga mata niya "I love you Louis... very much... But I have to go."

"W-Why?" hindi ko na ma-explain ang expression ni Louis ngayon

"Kailangan naming pumunta ng Canada para sa pagpapagamot ni Kuya."

"But you can stay here!"

"No... No Louis. My brother needs me. I'm giving you the permission to love again. Please don't wait for me. It will take long... I'm sorry... I need to go..." tumalikod na ako para sumakay na sa kotse

Bago ako makapasok ay nagsalita siya... "No Zhani, whatever happens, I'll keep waiting for you. Lalo na't nalaman ko that you love me too. Zhani, I can't love another because I gave all my love for you and I continue giving it too until you return. I love you Zhani. Goodbye..."

I enter the car at hindi na ako nakatingin pa sa kanya...

Umiyak lang ako ng umiyak sa byahe...

I love you Louis... And I always will...

Goodbye...

*.*.*.*.*

Thanks for reading!!! 6(^_^)9

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro