**31** Maraming tanong
**31** Maraming tanong
*0*0*0*0*
<DJ's point of view>
Sa kwarto ko...
"Ha? Ano? Paano? Bakit?" sunod sunod na tanong ni Nova pagkauwi ko sa bahay
"Isa-isa muna pede? Yung kay Zac muna... May sakit si Zac sa puso at buong maghapon ko siya dapat sasamahan dahil nag-aalala ako sa kanya pero sa kasamaang palad ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan at napunta siya sa ospital." paliwanag ko
"What? Bakit? Ano bang ginawa mo kay fafa Zac?" OA na sabi ni Nova
"Wala akong ginawang masama sa kanya ano! Nagalit kasi siya, ayun hindi kinaya ng puso niya."
"Oh Em Geee!!! Sana maging OK na siya. Eh ano namang nangyari sa inyo ni fafa Katoy?"
"Ayos na kami. Ipaglalaban namin ang pag-ibig namin sa isa't isa kahit na nandito na ang lola niya."
"Ahhh... Ang drama naman! San sila tumitira ngayon? Di ba lumayas sila ni Maldy?"
"Ah, naayos na nila yun. Nakabili na sila ng condo unit."
"Ah chochal. Iba na talaga ang mayaman..."
"Ikaw naman ang magkwento sa'kin Nova... Hindi tayo nagkasama buong maghapon eh. Sigurado akong maraming nangyari sa'yo."
"Eto, ni-busted ako ni Louis."
"UMAMIN KA NA???"
"Ay OA ka lola ah?! Oo umamin na ako pero busted agad. Si Zhani lang daw ang mahal niya." malungkot na sabi ni Nova
"Hay... Sigurado akong nagulat lang siya. Tignan mo, sa mga susunod na araw... siya mismo ang magpapapansin sa'yo."
"Sus... Parang ang dami mong alam sa love ah! Pero may nakilala naman akong bago..." sabi niya sabay ngiti, yung ngiting yun ang sign ng pagkakire niya (-,-)
"Ano yang ang ngiting yan ah?! Sino yung bago mong nakilala???" ako
"Wag kang OA maka-react hindi kita nanay (-,-). Ahmmm... Hindi maganda ang first impression ko sa kanya kaya ayaw ko sa kanya pero sabi niya liligawan niya raw ako..." sabi niya
Si Nova may manliligaw?! First time yan ah?! "Sino naman yun?"
"Si Piatos..." seryosong sabi niya at tinitigan niya ako
"Wahahahaha!!!" malakas na tawa ko xD Piatos daw?! Ano toh joke?!
"Sabi ko na nga ba ih, yan ang magiging expression mo!!! (-.-)" " naiinis na sabi niya
"Seryoso ka ba? Baka naman may isa ka pang manliligaw at Tortillos ang pangalan o kaya Tomi o kaya si Potato Fries?! XD "
"Ay DJ ah! Di ka na nakakatawa. Papatunayan ko pa sa'yo!" determinadong sabi niya
"Haha! Oo na po. Sige na. Tulog na tayo." ako
"Wala namang pasok bukas ah???"
"Ah basta pagod ako!"
"Sige na nga!!! (-,-) " si Nova sabay alis
Hayyy... Iniisip ko kung ano ang mga pedeng mangyari bukas, kinabukasan, at sa mga susunod pang bukas...
Maging kami kaya ni Katarino hanggang sa huli?
Gumaling na kaya si Zac at mahanap na niya ang babaeng para talaga sa kanya?
Ano ba talaga ang ugali ni Tayra?
Maisip kaya ni Louis na si Nova talaga ang babaeng mahal niya?
Maisip din kaya ni Zhani na mahal na niya si Louis?
Sino ba talaga ang ka-love team ni.Nova?
Papano na ba si Edok, hanggang pagiging bestfriend na nga lang ba siya?
Papayat pa ba si Ivan?
Mapasali pa kaya si Ate Gracia sa ibang chapters? Iniisip niya na ba na kinalimutan ko na siya?
Kelan kaya ikakasal sina Kuya Dick at Ate Gracia? At ilan ang magiging anak nila?
Kamusta na kaya ang asawa't anak ni Kuya Jasper na sina Ate Mina at Baby Dina? Hindi ko na ba sila nababanggit sa kwentong ito?
Nagpabili na naman ba si mama kay tatay ng puto ngunit hindi uli siya naibili nito kaya nagkatampuhan na naman sila?
Ang pinakahuli kong tanong ay...
TOTOO BA TALAGA SI PIATOS???
XD
*.*.*.*.*
<Nova's point of view>
Siguro sa mga panahong ito, ang lakas ng trip ni DJ...
Wala lang, feel ko lang...
Nasa sala ako at nanonood ng Bandila...
Gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog...
Di kaya???!!!
NO NO NO NOVA!!! HINDI MO INIISIP SI PIATOS. OK???!!!
Wala na bang laman ang balita kungdi si Napoles?
Hay...
Nagulat ako ng bigla akong may narinig na ingay sa labas...
Sumilip ako sa bintana at may lalaking naka-costume ng ninja...
MAY LALAKING NAKA-COSTUME NG NINJA???!!!
Nag-sign of the cross ako saka kinuha ang kawali sa kusina at tumapat sa front door. Nandoon na kasi yung ninja!!!
(>________________<)
Naghintay ako ng mga 5 minutes pero hindi pa rin nagbubukas ang pinto...
Kaya ako na lang ang nagbukas... Ang shunga ko naman... (=_=)
Wala ng tao rito... Pagtingin ko sa may sahig, may sulat...
Binasa ko ito...
Dear Nova,
Susunduin kita bukas 8 ng umaga. 'Wag ka ng pumalag. Ok?
Love, Piatos :*
Ano naman kayang trip ito? At ang aga naman ng date namin! Tulog pa nga ako ng 10 ih!!! (>__<)
TEKA NOVA!!! HINDI YUN DATE! HINDI KA NAMAN SIGURADO DI BA?! (=_______=)
*0*0*0*0*
<A/N: Haha... Isang walang kwentang update na sobrang ikasi pa. xD Hahaha... Kaya salamat po sa mga patuloy pa ring nagbabasa. Hindi nyo po alam kung gaano akong kasaya sa tuwing nadadagdagan ang votes at reads ng kwentong ito. Maraming salamat po talaga. Sorry sa errors :") >
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro