**30** Plan B
**30** Plan B
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Dinala na si Zac sa emergency room... At naiwan lang ako sa labas. Alalang-alala ako sa kanya... Sobra!!!
"Ate DJ!"
"Zhani!" niyakap niya ako "K-Kasalanan ko tong lahat..."
"Ate, don't blame yourself. Kuya is strong. He can handle this..." sabi niya
Wala na akong nagawa kungdi umiyak ng umiyak...
"Ate, stop crying na. I think you should take a rest. Parating na sina mom and dad. Kami na ang bahala rito... I'll call Kuya Rino to fetch you here."
Tumango na lang ako... Sunduin kaya ako ni Katarino? Mukhang nagkakalabuan na kami eh.
May kinakausap na siya sa phone... At nalungkot ang itsura niya.
"May problema ba Zhani?" ako
"Ah eh, ate, hindi ka raw masusundo ni Kuya Rino. Si Ivan na lang daw susundo sa'yo sabi ni kuya. Ok lang ba?" sabi niya
"Ah sige. Ok lang."
Sabi ko na nga ba eh. Minsan naiisip ko na ang sarap sapakin ni Katoy...
........
Nakaupo ako sa waiting area ng ospital ng may biglang tumawag sa'kin... "DJ!"
Ngumiti ako sa kanya... "Tara na." ako
Nagpunta muna kami sa isang Coffee Shop. Malakas kasi ang ulan kaya nagpapatila muna kami.
"Sorry ah dahil hindi ka sinundo ni Inoy..." si Ivan
Haha, ang daming nickname ni Katarino noh?
"Haha, itanong mo nga jan sa Inoy mo kung hanggang kelan niya ako pahihirapan." mapait na sabi ko
"DJ, hindi naman gusto ni Inoy toh eh."
"Ivan, hindi mo naiintindihan ang sitwasyon namin ni Katarino ngayon!" napagtaasan ko siya ng boses ng hindi sinasadya "P-Pasensya na."
"DJ, naiintindihan ko kayo." mahinahon niyang sabi
"P-Pano mo nasabi?"
"Simula nung iwan ka niya papuntang ibang bansa... Nakabantay na ako sa'yo dahil pinagbabantay niya ako sa'yo."
"A-Ano?!"
"Pinsan ko si Katarino, DJ. At ako ang naging mata niya sa'yo nung mga panahong wala siya. Akala mo iniwan ka niya pero hindi. Lagi ka niyang kinakamusta sa'kin."
Natulala ako sa mga pinagsasabi niya... Ano pa bang hindi ko alam Katarino???
"Pero bakit niya na ako iniiwasan ngayon kung matagal na niya akong gustong makasama?!" ako
"Dahil... Umuwi na si Lola Dona. Nasa Pilipinas na siya... At..." nakayukong sabi ni Ivan
"At ano Ivan?!"
"At... hinahanda na niya ang kasal ni Inoy."
"K-Kasal???" marami pa talaga akong hindi alam dito
"Wag kang matatawa DJ... Isa yung arranged marriage."
(0.0)???
"Uso pa ba yan?!" nahampas ko pa talaga ang lamesa
Nakaka-bwisit na yang arranged marriage na yan ah?!
"Pinalano talaga ito ni Lola Dona para hindi kayo magkatuluyan ni Inoy dahil matindi talaga ang galit niya sa pamilya ninyo." sabi ni Ivan
"Kaya todo iwas ngayon si Inoy sa'yo kasi pag nakita kayo ng personal agent ng lola niya... mapapahamak ka DJ." habol ni Ivan
Bigla akong tumayo... "Maraming salamat Ivan. Sapat na ang mga impormasyon na yan para gawin ko na ang hakbang ko."
"Hah? Anong gagawin mo?"
........
"Lumabas ka jan Katarino!!! Harapin mo ako!!!" sigaw ko sa labas ng gate nina Katarino
Malakas pa ang ulan at medyo madilim na rin ang paligid... Mukhang mahihirapan akong umuwi...
Hindi ko ba nasabi sa inyo na hindi na kami magkasama sa iisang subdivision? Oo tama, hindi na sa High Heels Subdivision nakatira ang pamilya nina Katarino... Na alam kong kagagawan na naman ng lola niya.
"DJ, tama na yan. Iuuwi na kita." kanina pa akong pinipigilan ni Ivan pero wala din siyang nagawa at nakapunta pa rin ako dito
"Wala ka bang payong jan?" tanong ko kay Ivan
"Wala eh. Kaya nga umuwi na tayo. Ikaw naman kasi ihhh!!!" pagdarabog niya
"Wag ka na ngang magdabog jan. Arte mo hah! Basta hindi ako aalis dito hanggang hindi ako kinakausap ni Katarino." pagmamatigas ko
"Eh hindi nga yun lalabas. Sigurado akong nasa loob si Lola Dona at binabantayan siya." si Ivan
"I-Ivan, kung mahal niya talaga ako, ipaglalaban niya ako..." umiiyak na naman ako, grabe ah...
"Oh sige DJ. Iiyak mo lang yan kasabay ng ulan para mas dramatic tapos aalis na ako dito dahil panggulo lang ako sa scene. Go girl. I-acting mo yan! Siguradong mapapalabas mo si insan." parang bakla na sabi ni Ivan
Napangiti naman ako ng konti gawa ni Ivan at saka pinagpatuloy ang ginagawa ko...
"Katooooyyy!!! Papasukin mo na ako... Papasukin mo na uli ako sa puso mo! Akala ko ba ako lang ang mahal mo! Katarino, mahal na mahal na mahal pa rin kita!!! Ikaw lang ang mahal ko. Mag-usap tayo, parang awa mo na..." sigaw ko habang umiiyak sabay buhos ng malakas na ulan
N-Nilalamigggg na ako... S-Sobra! Pero hindi ako susuko!!! (',')9
"Maldy!!! Palabasin mo na naman yang kuya mo oh! Katarinooooo!!!" sigaw ko uli
Katarino... Hihintayin kita kahit gaano pang katagal...
*.*.*.*.*
<Rino's point of view>
"Kuya, hindi mo pa ba papapasukin si DJ? Maawa ka naman oh!!!" naiinis na sabi ni Maldy sa'kin
Hindi ko lang siya pinansin at tinignan lang ang basang basang DJ sa labas...
Patuloy lang siya sa pagsigaw ng pangalan ko...
"KUYA!!! Wala naman si Lola eh! She's with her amigas at mamaya pa ang uwi niya kaya puntahan mo na si DJ doon!" sigaw na naman ni Maldy sa'kin
"Napakaduwag mo kuya! Scaredy cat... Kung tutunganga ka lang jan. Ako na lang ang magpapapasok sa kanya!" si Maldy
"Psh... Just do what you want." pumunta na lang ako sa kwarto ko
"I hate you kuya!" pahabol ni Maldy bago ko pa tuluyang maisara ang pinto ng kwarto ko
Nasa kwarto na ako ngayon at hindi ko mapigilan na hindi sumilip sa bintana kaya ginawa ko na... Nakita ko na binigyan ni Maldy si DJ ng isang malaking towel saka pinapasok sa loob. Mukhang may hinahanap si DJ. Siguro ako...
Pero... Ayaw ko siyang makita kasi sa tuwing nakikita ko siya... Hindi ko maiwasang mahalin siya na BAWAL ko namang gawin dahil mapapahamak siya.
At ikakasal na ako anytime na.magustuhan ni Lola. Kaya habang maaga pa, ako na ang lumalayo sa babaeng pinakamamahal ko para masanay na siyang wala ako...
Pero that's my Plan A... Hindi nyo pa alam ang Plan B ko. You know me guys...
Sumilip ako sa pinto ko para malaman kung ano na bang nangyayari sa baba...
"DJ, pumunta ka muna sa kwarto ko. Magpalit ka ng damit. Magpapaluto ako ng soup para sa'yo. Patilain muna natin ang ulan bago ka umuwi. Ok ba?" narinig kong sabi ni Maldy kay DJ
Tumango lang si DJ...
Naaawa ako sa itsura ni DJ... Pugtong pugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Gusto ko siyang lapitan at i-comfort pero pag ginawa ko yun, papaasahin ko na naman siya sa wala. Dapat nga hindi ko na sinabi sa kanya noon ang katotohanan para tuluyan na niya akong kinamuhian at iwanan nang sa ganon hindi na siya maghirap pa...
After 30 minutes may narinig akong sumigaw sa baba...
"Maldy, who let this person to enter this mansion?!"
Sh*t si Lola Dona nasa bahay na siya!!!
Agad agad kong binuksan ang pinto ngunit napatigil ako sa narinig ko...
"Parang awa nyo na po..." nakita ko si DJ na lumuhod sa harapan ni Lola Dona "H-Hayaan nyo na po kaming maging masaya... Mahal po namin ang isa't isa..."
Hindi ko maatim na makita si DJ na ganun kaya bumaba na ako...
"Hahaha... Poor girl. Just go home..." si lola
"Hindi po ako uuwi hanggang hindi ko nakakausap si Katarino." sabi ni DJ habang nakaluhod pa rin
"Fine... Guards! Kaladkarin nyo nga ang babaeng yan palabas ng pamamahay ko!" sigaw ni Lola
"Anong klaseng tao ka!" sigaw ni DJ
"Bastos kang bata ka ah!!!"
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
"Bastos kang bata ka ah!!!"
Sasampalin na sana niya ako pero laking gulat ko ng may biglang may humarang sa'kin kaya siya ang nasampal ni Lola Dona...
Nagulat kaming lahat...
"A-Apo... B-Bakit?" si Lola Dona
"K-Katarino?" mangiyak-ngiyak kong sabi
Iniharap ko siya sa'kin "Miss na miss na kita. Kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko ngayon... Kung alam mo lang..."
Nakatingin lang siya sa mga mata ko... Punung-puno ito ng lungkot...
"Ipaglalaban natin toh di ba? Di ba?..." ako
"Sige Rino, magpadala ka na naman sa babaeng yan. Alam mo naman ang pedeng mangyari di ba?" mapang-asar na sabi ni Lola Dona
Pasalamat siya at tinatawag ko pa siyang lola...
"Katarino?" hinihintay ko lang ang sagot niya habang tinititigan niya ako
"DJ, pinapalaya na kita..." sabi niya
"Hahaha... Sabi ko naman sa'yo na hindi ka na mahal ng apo ko eh..." Lola Dona
Biglang hinarap ni Katarino ang lola niya... "Pero wala akong sinabing hindi ko siya mahal. Mahal na mahal ko siya at kahit anong maging hadlang, hindi kami titigil sa paglaban hanggang sa mapagod kayo."
Nagulat ako sa lahat ng sinabi niya at bigla ko siyang nayapos...
"Maldy, ipahanda mo na ang mga gamit natin. Aalis na tayo sa bahay na ito." sabi ni Katarino
"Hay Kuya, akala ko di mo na sasabihin yan eh..." si Maldy
"A-Anong ibigsabihin n-nito?" si Lola Dona
"Lola, hindi ko na po kayang tumira sa hell. Mom and dad know all about this and may allowance na kami. Bye... Sana maging masaya na kayo rito mag-isa." malditang-maldita na sabi ni Maldy, hay idol ko na siya
"You cannot do this to me!!! Guards stop them!!!"
"Lola, nakalimutan nyo na ba na ni-fired nyo na sila kahapon kasi sa sobrang inis mo so I hired them. Wihihi... Tara na nga!" si Maldy
"Nooooo!!!" sigaw ng lola nila
"Katoy, nasa plano mo talaga lahat ng ito?" tanong ko sa kanya habang isinasakay namin yung mga gamit nila sa kotse
"Yep, this is my Plan B." mayabang na sabi niya, miss ko na ang pagkayabang niya... (ToT)
"Eh ano ang Plan A mo?" ako
"Magpaka-*ANGA... Haha... Kaya sino ba naman ako para gawin yung Plan A?" si Katoy
"Hay kuya, you're so mayabang talaga!" si Maldy
"Haha, tara na!" sumakay na kami sa kotse "DJ, I did this for us. I love you..." sabi niya sabay halik sa noo ko
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari...
Sana ito na ang simula ng happy ending namin... Sana nga...
*.*.*.*.*
<A/N: Minamadali ko na ito. LOLS! xD Malapit na kasi ang pasukan ih! Thanks for reading! ^^ >
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro