**3** DJ to the rescue!
**3** DJ to the rescue!
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Lunch time... Sa food court...
"DJ!!! Nakita mo raw yung president ng Student Council natin? Yung si Zac? Kyyaahh! Nakita ko siya sa fb! Grabe ang pogi niya!!!" si Nova
"Sus... Wala atang popogi pa rito." sabi ni Edok sabay hawak sa pisngi niya
Nakasabay namin si Edok ngayon sa pananaghalian kasi wala na rin siyang klase. Si Maldy at Henry naman ata mamaya pang 3:00 pm ang uwian. Iintayin na namin sila tutal 1:00 pm na naman...
"Oo nga eh. Ang pogi mo tol." pagsang ayon ko kay Edok. Totoo naman ey ^^
"Pssshhh... Wag nga kayong magpurihan jan! Ano nga? Gwapo si Zac? Dapat inaway ko na rin yung babaeng yun para napapunta ako sa detention room at nakita ko siya..." naka-pout na sabi ni Nova
"Arte neto. Hinde, hinde siya pogi. San mo ba nakuha yung balita na pogi si ZACHARY Encarnacion? Ang panget niya kaya!" ooopppsss! napalakas ata...
"Sinong panget?" naramdaman ko na may bumulong sa tenga ko na naging dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko
Tinignan ko naman ang expression nina Edok at Nova na nasa harapan ko...
(©_©) <--- si Edok
(*0*) <--- si Nova
"Anyanyare???!!!" ako
Tumingin ako sa taong nasa likod ko...
Siya!!! Si capital Z with a A and C!!!
"Zac?!" ako
"Yun oh! Close na agad sila! Ayyyiiieee!!!" palokong sabi ni Nova
"Utot mo Nova! *kungwaring irap kay Nova* Ikaw! *tingin sa napaka-poging nilalang sa likod ko* Anong kailangan mo?!" masunget kong tanong
Magsasalita na sana siya pero may babaeng sumulpot sa likuran niya. Naka-pony-tail ito. Cute na babae. Magkahawig sila ni sunget. "Ahm, hello ate! Do you remember me?"
"Ikaw yung!" siya yung!
"Oo... siya yung kapatid kong si Zhani, Zhani si DJ. Siya yung nagligtas sa kashungahan mo." haha! Marunong palang magjeje si Sunget xD
"Ah hello! Musta na?" di ko na pinansin si sunget, kinausap ko na lang si Zhani
"Sobrang OK po ate. Ang ganda ganda mo talaga! Ikaw naman po kamusta?" si Zhani
"Ok lang din..." pero hindi naman talaga...
"Ok lang daw?! Weh? Naka-move on agad?!" si Nova
Binigyan ko siya ng sasapakin-na-kita look... Kaya nai-zipper niya ng biglaan ang bibig niya...
Napangisi naman ako...
"Tara na Zhani, hinihintay ka na ng driver sa parking eh." aya sa kanya ni kuya niya
"It's too early pa to go home kuya iiihhh!!! Mamaya ka pa naman uuwi eh. Sabay na ako sa'yo." si Zhani, ang cute naman ng batang ito kahit nabaliw nung una xD
"Kailangan mo ng umuwi Zhani." sabi ni Zac, tumingin sa'kin si Zac ng tulungan-mo-akong-mang-uto look
Tumango naman ako... (=________=)
"Zhani, oo nga uwi ka na para makapagpahinga ka na. Next time na lang tayo mag-kwentuhan. OKAY?" ako
"Ok ate. Alagaan mo si Kuya ah! Baka kasi mang-chi-chicks lang siya kaya niya ako pinapauwi. (^^) "
"DI NOH!" guilty na guilty tong si Sunget ah! May chicks nga toh (-,-)
"OK. Ako bahala jan sa masunget - este... mabait mong kuya!" ako
"Promise?" si Zhani. Isip bata talaga siya pero ang cute niyang tignan.
"Oo! Promise! (*-*) " ako
"Okay! Bye na!" umalis na si Zhani
"Bye. I will go to the Student Council room... I have so many things to do." Nagmamadali na ring umalis si Zac
Pagtingin ko sa dalawa kong kasama... Naka-nganga sila...
"Anyanyare?!" ako
"Sweet nyo ah! Infairness, para kayong couples! Tamang tama yan para totally maka-move on ka na." si Nova sabay dampot at subo ng fries, limang piraso, sabay sabay!
"Nakakaselos! Di pede! Akin lang si DJ ko!" si Edok, ang cute niya ngayon. Haha... Damot tol!
"Haha! Oo na lang Edok... Pero alam nyo... Aaminin ko, di pa ako nakaka-move on kay Katarino. Lagi ko siyang naaalala... Mahal ko pa rin talaga siya. Ahm... Jijingle lang ako ah!" tumayo na ako at iniwan ko silang naka-nganga na naman, naku marami pa namang mga langaw. Pero totoo lahat ng sinabi ko. Nag-aantay pa rin ako kahit ang bitter bitter ng dating... Just in case na mahal pa rin pala ako ni Katarino at magkabalikan kami... Shunga lengs???
Nag-cr na ako at naalala ko yung sinabi ni Zhani na bantayan ko daw ang kuya niya...
Pssshhh... Bat ko naman gagawin yun?!
Hayyy!!! Sige na nga! Baka maispan niya uli na makatalon ng building eh!
Pumunta ako sa Student Council room...
At nakita ko ang busy na busy si sungit. Madami siyang papales na pinipirmahan at kung anu-ano pa...
"DJ? Nandito ka?" si Zac
"Naku... Guni guni mo lang ito. Naiisip mo ako kasi ang ganda ganda ko na ang astig astig ko pa!" sabay ngisi ko sa kanya
"Pssshhh... I know you're pretty pero di mo na dapat pinagmamayabang..." cold niyang sabi... Ako daw??? Pretty??? Habang tumatagal, nagugustuhan ko na talaga na sinasabihan ako ng maganda. Haha! Babaeng-babae na ako! XD
"Ikaw nga eh! Kung maipagmayabang mo ang kapugian mo. Wagas wagas tapos ang sungit sungit mo pa! Nakakabadtrip ka bru!" ako
"Bakit ka ba nandito?" tumigil siya sa ginagawa niya at tumitig siya sakin
"Ah eh... D-Di ba sabi ko sa kapatid mo babatayan kita ngayon. Pssshhh... Nag-promise ako eh."
"You really keep youe words huh? I like you."
"You like me? Crush mo ako? Liligawan mo na ako bukas tapos magiging tayo sa birthday ko?!"
"Hahahaha!!! Ganan ka ba talaga mag-isip?!" tawa pa! Feel na feel eh! May paghampas pa talaga sa lamesa (-,-)
"Marami kasi akong iniisip pede???!!! Kaka-break ko lang kasi!" anubeyen?! Dila! Ang ingay mo masyado!!! (>_<)
"I'm sorry... I d-didn't mea-"
"Hah?! Bat ka ba nagsosorry? Kaka-break ko lang! Kakain ko lang... Break means recess? Duh?! Kuya, utak naiwan sa table!" masyado na akong pambara ngayon, nakakahawa yung dila ni Nova eh (-,-)
Bakit di ko sinabi ang totoo at nagdahilan ako na parang shunge? Eh baka kasi mapag-usapan pa namin eh. Masakit yun pag pinag-uusapan. Ayokong umiyak sa harapan ni sunget...
"Okay, nice alibi..." sabi niya na nakataas ang kilay. Hayyy.... Di ko siya maloko ah?
"Alibi ka jan! Hindi ako nagpapalusot no!" malakas na sabi ko
"Sabi mo eh pero pag-uusapan natin yan pag may time!" binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti
"President, tulong po! May estudyante po sa may hallway na pinagtutulungan ng Football Team!" sabi nung isang lalaki
"Oh sige, susunod na ako." sabi niya
Hinawakan ko siya sa braso "Sasama ako hah!" ngumiti naman si sunget sabay tango. Nakakatunaw naman ang ngiti niya... (>_<)
Pumunta na kami sa may hallway... At nakita namin ang isang kaaawa-awang lalaki ng pinagtutulungan ng mga gag*ng ito... Wala siyang kalabanlaban.
"George, ano na naman bang kaguluhan ito?" sabi ni Zac dun sa lalaking matangkad at malaki ang katawan
"Anjan na naman pala si President Sunget! Hahaha!" nagtawanan yung mga Football players. Gusto ko ring tumawa! Haha! President Sunget... Totoo naman kasi ih! xD
"What did you say?" naitikom ni Zac ang mga kamao niya
Hinawakan ko ang balikat niya... "Manununtok ka? Gusto mo sa detention room?" pagkarinig niya nun. Na-relax na uli ang mga kamao niya...
"Tapusin na natin toh. Tigilan nyo na si Ivan." tinutukoy ni Zac yung lalaking binu-bully
"Oh sige, sa'yo na tong si tabachoy *hinagis nung si George si Ivan papuntay sa'min* "Basta ituloy natin ito dun sa soccer field. Mamayang 3. Kita na lang tayo." umalis na yung sina George pero kinakabahan ako dun sa sinabi niya kay sunget
Nagpunta na uli kami ni Zac sa SC room kasama si Ivan...
"Bakit ang tindi ng galit nun sa'yo su-Zac?" ako
"Siya yung boyfriend ni Tayra at iniisip niya na inaagaw ko sa kanya yung girlfriend niya." seryosong sabi ni Zac
"Ahhh... Ewww." ako
Sinamaan niya lang ako ng tingin...
"Hehe! Peace! (^^)v " ako
"Ahm, Ivan bakit ka nga pala inaaway nung mga yun?" tanong ko kay Ivan
"Umuutang na naman kasi sila sa'kin kaso di ko na sila pinautang kaya inyon, pinagbubugbog nila ako... Salamat sa inyo ah!" malungkot na sabi ni Ivan
"Wala yun! Basta pag inaway ka uli nila, sabihin mo lang sa akin o jan sa sunget na yan... *turo kay Zac*" bulong ko kay Ivan
"Kinig ko yun..." masunget na sabi ni Zac
"Ahehe... Teka 3 pm na oh! Pupunta ka pa dun sa tagpuan nyo?!" ako
"Oo. Pag di ako pumunta dun, mas lalo silang manggugulo." si Zac
"Sasama ako!" ako
"P-Pati na rin ako." kinakabahang sabi ni Ivan
"Wag na kayong sumama. DJ, dalhin mo na lang si Ivan sa clinic. Please, wag matigas ang ulo." pssshhh, sunget!
"Oo na po... Tara Ivan." ako
Kaya ayun umalis na si Zac. Hindi ba siya magdadala ng weapon?! Ang lalaki kaya ng mg football players na yun. Baka mamatay siya dun ah?! Nag-promise pa naman ako dun sa kapatid niya ba babantayan ko siya...
HAYYY!!! Bahala na nga si Thor!
Ni-text ko naman si Nova para di na sila mag-alala sa'kin. Oo, may number na ako ng mga kaibigan ko hindi lang si Katarino ang nasa contacts ko...
To: Novalicious (siya nag-save ng number niya sa cp ko -,-)
Una na kayo ah! May gagawin lang ako. Ingat! :)
*end of text*
From: Novalicious
Ok take your time na kasama si Pres. Papano ko nalaman? Ako pa! Wag ka ng magreply usap na lang tayo mamaya. Atsaka, di pa kami makakauwi may mang aari ata dito sa soccer field eh, ang daming tao. Manonood muna ang mga echosera mong friends.
*end of text*
Naku?! Anubayan!!! Nag-aalala ako kay Sungggeeettt! Kahit ganun yun, mabait naman din siya at tsaka siya ang dahilan kung bakit isang oras lang akong nag-stay sa DR. Kailangan ko siyang tulungan!
"Ahm... Ivan, dadalhin muna kita sa clinic tapos pupuntahan ko si Zac ah. Mukhang kailangan niya ng tulong." nag-aalala kong sabi
"Tara na sa soccer field bago pa mahuli ang lahat. Di naman masyadong malala ang mga sugat ko eh atsaka malayo naman sa bituka at taba ang mga ito eh. Haha!" siya
"Haha! Oh sige tara!"
*.*.*.*.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro