Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**28** Confessions of a Torpe

<A/N: Wuhuhu... Nakakaiyak pasukan na naman kaya pagpasensyahan nyo na po kung mabagal ang updates. Lalo ka na choramel123. Relax ka lang bro ah! xD Eto naaaa ang nakakahabag na kabanata para Nova!!! Wag nyo sanang tawanan yung title. Favorite show yan ng tatay ko xD . Sana magustuhan nyo! :) >

**28** Confessions of a Torpe

*.*.*.*.*

<Nova's point of view>

Mainit na mainit na ang laban... Ang score? 18-14 na!!!

Ako yung 14. Abah!!! Ayos na yun noh para kung makashoot man siya uli, anim lang lamang niya sa'kin...

Hay, nawawalan na ako ng pag-asa lalo na't na kay Zhani pa yung bola at hirap na hirap na naman ako sa pang-aagaw... Di ko alam na ang galing niyang magbasketball kahit na ang cute cute niya.n. Ika nga, don't judge the book by its cover but I judged it (==,)

"Ibigay mo na kasi..." bulong ko

Nag-attempt na siya na magsho-shoot pero natampal ko...

Isang malaking YES!!! (*0*)

"Go Best Fanget Friend!!!" sigaw ng isang babae sa may bleachers

Si DJ!!! Nandito na siya!!!

Kasama niya si Best Fogi Friend ko a.k.a. si Edoook!!!

Andito na ang dalawang BFFs ko! Kaya mo toh Nova kaya mo toh!!!

Mula sa half court ay binato- (oo, bato talaga hindi ko alam mag-shoot eh...) ko ang bola papunta sa ring.

Magshoot ka PLEASE!!! *crosses fingers*

(*0*)!!!

"3 points for Nova! Dikit na po ang laban!!! This is a really nice game..." sabi ni Tayra

Please isang 3 points pa para tapos na ito at makuha ko na ang Louis ko...

Nakuha naman ni Zhani ang bola sa'kin at...

"The winner is Zhani!!! Wala talagang makakatalo sa kanya sa basketball girls!" sabi ni Tayra

Sige, ipamukha nyo pang bulok ako (-,-)...

Bakit kasi nai-shoot niya kaagad?! (>_<)

"Fangeeeettt!!!" sabi ng isang babae na tumatakbo papalapit sa'kin "Ang galing mo ah!"

"Heh, lokohin mo ang lelang mo Dianna... San ka ba kasi galing?!" tanong ko sa kanya

"Ahehe, may ginagawa lang kasi ako. Buti nga at tinawagan ako nitong si Edok eh." si DJ

"Ang galing mo Nova ah! Akalain mo naka 17 points ka!!!" isa pa itong si Edok

"Hayyy... Psh! Wala yun..." walang gana kong sabi... Pano na yan di ko naipasa ang pagsubok # 2???

"Great job Estrada... You really amazed me. Hindi na kita papahirapan pa. Ikaw na ang bahalang duma-moves sa kapatid ko. Bye..." sabi ni Tayra pagdaan niya sa harap namin

"Anooo??? Ibigsabihin pakana na naman ito ni Tayra?!" sigaw ni DJ

"Oo nga ih! Hehe... (^_^)v Pero infairness fanget, ang bait na ng sister-in-law ko na yun sa'kin." ako

"Ah basta, mag-ingat ka jan sa malditang yun ah!" si DJ

"Oo na nga. (*-*) " ako

"Ano bang pinag-uusapan nyo?" sabi ng walang ka-idea-idea na si Edok

"Haha, wala! Tara kain tayong tatlo. Libre ko!" ako

"Ahm, Nova... Di ako pede eh may gagawin pa ako..." nakayukong sabi ni DJ

"First time mong tumanggi sa libre ah... Basta mag-eexplain ka sa'kin mamaya ah!" ako

"Ok! (^_^) " tapos ayun, nagtatakbo na siya paalis

"Anyare dun?" tanong ni Edok sa'kin

"Aba'y malay ng brain cells ko? Tara na nga ililibre na kita ng isang pirasong Stik-O."

"Yun lang?!"

"Wag kang mareklamo fogi, wala akong budget ngayon..."

........

Tapos na kaming kumain. Nilibre ko na nga si Edok ng isang Stik-O. Proud to be kuripot ako eh kaya Ariel ang gamit ko sa bahay x)

Naghiwalay na kami ni Edok ng landas kasi busy daw siya sa last day ng videoke booth ek ek niya kaya heto ako... ALONE na naman. Naku, Dianna... Pag nalaman kong may ginagawa kang kalokohan... hindi lang sapak ang matatanggap mo sa'kin!!!

Nakita ko si Tayra at tinawag ko naman siya... "Sis!"

Ang lakas kong makatawag ng SIS noh?! xD

"Hey, wazzup?" sabi niya

"Thanks nga pala sa pagpayag mo na ligawan ko ang kapatid mo." ako

"Haha... Are you serious about that?" natatawang sabi niya

"Oo naman noh... Matagal ko ng gusto si Louis kaso nilalamon ako ng katorpehan kaya lang kung kelan naman ako nilaksan ng loob kung kelan huli na ang lahat."

"Novs, it's not too late. My brother is just courting Zhani. Sa tingin ko naman walang interes si Zhani kay Louis kasi kahit na lagi siyang sinsamahan ng kapatid ko, wala siyang pake. Naaawa na nga ako sa twinny ko eh. Kaya Nova, ipa-realiza mo sa twinny ko na kayo talaga para sa isa't isa." sabi niya with a true smile

"Salamat talaga Tayra... Bakit mo ba ginagawa ito?" nakakapagtaka lang kasi yung biglang pagbait ni Tayra eh

"Humanga kasi ako sa determination mo para sa kapatid ko kaya naisip ko na you are not cheap at nararapat ka sa pamilya ko." malditang sabi niya

Maldita is always maldita talaga pero may itinatago rin namang kabaitan (>0^)b

"Oo na po! Haha... Thanks talaga..."

Naghiwalay na kami ng landas...

Hayyy... Ang saya saya!!! Boto sa'kin yung kapatid ng liligawan ko.

Asan na ba si Louis???

Ah ayun!!!

Nilapitan ko siya dun sa may ilalim ng puno kung saan siya nakaupo at shempre tumabi ako sa kanya... Ito na ang time ng pag-amin ko... AJA!!!

"Hellu!" ako

"Oi! Hi... Ang galing mo kanina ah!" sabi ni Louis sa'kin ng naka-smile

Suyet lungs!!! Natutunaw ako sa ngiti niya!!!

"Hihi... Bolerow! Ano nga palang ginagawa mo dito?" ako

Tumuro siya at nakita ko ang isang babae sa di kalayuan... "Pinagmamasdan ang babaeng pinakamamahal ko..." sabi niya

Awts lang... (TTTOTTT)

Hanggang kelan mo ba ako sasaktan, hah babes???!!!

"Ah... Haha... Mahal na mahal mo talaga si Zhani nuh?" sabi ko

"Oo sobra pero di niya ako kayang mahalin. Hehe, naiinis na nga siya sa'kin ih. Ayaw ko daw kasi siyang tigilan." mapait na sabi niya

Tigilan mo na kasi... AKO na lang!!! v(^=^)v

"Ah ganun ba? Kaya ka nandito sa malayo kasi ayaw mo siyang mainis sa'yo?"

"Oo tama, lagi daw kasi akong nakadikit sa kanya eh..."

"Ginagawa mo toh kahit na masakit sa puso mo para sa ikakasaya niya?"

"Oo dahil gusto ko lagi siyang masaya."

"Kahit na ilang beses ka niyang saktan, mahal mo pa din siya?"

"Oo kasi siya ang babaeng pinakamamahal ko."

<\3

"Kahit na sabihin mong mahal mo siya, parang hindi niya naririning kaya lalo ka lang nasasaktan?"

Grabe ang sakit sakit na ng puso ko sa lahat ng mga narinig ko...

"Oo. Bakit parang alam mo lahat ng nararamdaman ko?"

"Kasi Louis... Gusto kita..." I paused saka huminga ng malalim... "Mahal na kita... Kaya sa tuwing binabanggit mo yung nga salitang 'mahal ko si Zhani', sobrang nasasaktan ako. Halos pumutok na ang puso ko. Lahat ng pagsubok na pinapagawa sa'kin ng kapatid mo ay ginawa ko para payagan niya akong makalapit sa'yo... at ngayon nagtagumpay na ako... I know this is crazy but I am going to court you Louis. I love you..."

"What? Nova siguro pagod ka lang ka--"

"Louis, apat na taon na akong nagtitiis. Apat na taon na kitang nagugustuhan. Ngayon, mahal na kita. Please naman, wag mo naman sana akong i-busted agad..." grabe... umiiyak na ako sa harapan niya

"I'm sorry Nova pero si Zhani ang mahal ko. Please don't cry." niyapos niya ako

Gusto kong yapusin niya ako hanggang sa matapos akong umiyak pero nasaktan talaga ako ng grabe sa mga sinabi niya kaya inalis ko ang mga braso niyang nakayapos sa akin at tumakbo papalayo sa kanya...

"Nova!" tawag niya sa'kin pero hindi ko siya magawang lingunin

You hurt me Louis but I'm still here waiting for you just in case you realized that I'm the one you need...

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro