Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**25** Not well

**25** Not well

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Kinakabahan ako habang inaabot ko yung papel...

*dug dug dug dug dug*

Dear Apple,
Sorry sa nasabi ko sa'yo kanina. Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Always remember that I love you... just the way you are...

P.S.
I really like your voice... :)

-Katoy

Weeeeee!!! Akala ko naman kung ano na!!!

Patalon-talon tuloy ako ngayon sa kilig xD

"Oh Dianna Jolin, patalon-talon ka jan?" si Nova na biglang sumulpot sa harapan ko

"Oi! Hahaha... Madaming nangyari. Teka? Bakit ka naka-uniporme na pang-pulis?!" ako

"Hwahwahwa... Marami ring nangyari! Salamat ah! Tumupad ka sa Plan 101!!! *pose 101 here* Hindi ko nakita si Zhani ngayong maghapon ah? San mo dinala yun???" sabi ni Nova

Si Zhani?! Wala dito sa school??? Eh saan siya nagpunta?

"Hah? Di ko alam eh. Uwi na tayo nanjan na ang service eh." aya ko sa kanya

"Sige. Tara! Habang nasa daan tayo magsasabi ako ng joke! (*-*) " si Nova

........

Sa kotse...

"Kelangan ba talaga naka-video?" tanong ko kay Nova habang nakatutok sa'kin yung camera niya

"Oo ih! May pustahan kasi kami ni Ivan. Eh kaso busy siya ngayon. May gagawin pa daw siya... Kaya kailangan ng video para may patunay..."

"Sige na nga. Game na!"

"Knock knock!" si Nova

"Who's there?" ako

"Lady Gaga..."

"Lady Gaga who?"

"Kung LADY GAGA ka sa piling ng iba..." kanta ni Nova (-,-)

"Yun na yun???" ako

Hinarap ni Nova sa sarili niya yung camera at sinabing... "Yey! Di siya tumawa... Wahaha! Ivan, ready ka na sa panglilibre mo!!!"

Bumaling naman si Nova sa'kin... "Thanks DJ ah! Di ka tumawa! Wahaha... Bukas na lang uli! Wag ka uling tatawa ah!"

"Oo na (-,-)" " Ano kayang pustahan yun?

Sinandal ni Nova ang ulo niya sa balikat ko... "DJ, ang sakit ng ulo ko :( "

"Hah?" hinawakan ko ang ulo niya "Sobrang init mo!"

"Manong sa dumiretso nga po muna tayo sa ospital." sabi ko sa driver namin

.........

Sa ospital...

"Dumiretso ka na sa clinic ah. Mag-c-cr lang ako." sabi ko kay Nova

"Sige. Iintayin na lang kita dun." si Nova

Papasok na sa ako sa restroom pero naaninag ng mga mata ko si Zhani na biglang lumabas sa isa sa mga clinic dito sa ospital...

Susundan ko sana siya pero yung ihi ko sasabog na... Kaya inuna ko munang umihi shempre... Badtrip! (-,-)

Paglabas ko ng restroom, wala na si Zhani. Pinuntahan ko na lang ang clinic na pinuntahan niya...

Dr. Xaver Lat
Heart surgeon

Yan yung nakasulat sa may pinto. Bakit naman siya pupunta sa isang heart surgeon???

Pumasok na ako sa loob...

"Ano pong kailangan nila Miss?" bungad sa'kin ng isang nurse

"May itatanong lang po ako..." ako

"Ah sige po. Upo po muna kayo. Ano po iyon?" yung nurse

Umupo ako saka nagsalita... "Ano pong ginawa dito ni Zhani Encarnacion?"

Tila nagulat siya sa tanong ko. Nanlaki kasi ang mga mata niya at napa-nga nga pa...

"Miss, private po kasi ang mga records ng mga pasyente namin dito. Mas maganda kung siya na po mismo ang tanungin nyo." sabi niya

"Ah... Sige po. Pasensya na po sa abala..." ako

Agad ko namang pinuntahan si Nova sa clinic niya...

May konting lagnat lang naman daw siya gawa ng sipon at sobrang pagod. Kailangan niya lang daw magpahinga muna...

"Nakinig mo yung sabi ng doctor ah! Absent ka muna bukas." ako

"Hah??? Papano na ang Honey Babes So Sweetie Pie LOUIS ko?!" napaka OA niyang sabi

"Ah... Gustong mamatay sa lagnat dahil sa Honey Babes So Sweetie Pie LOUIS mo?! Sige ka lalo kayong magkakalayo niyan." ako

"Oo na nga. Gravi ka namang manakut ih!!! Bantayan mo yun ah! Atsaka pasabi kay Ivan na may utang siyang libre sa'kin." si Nova

"Oo na. Basta magpahinga ka muna bukas ah!"

"Ok BFF!!!"

...........

Kinabukasan...

Nasa horror booth na ako ngayon.Naka-make up at costume na ako ngayon. Shempre specially made by my brothers...

Wala pa si Katoy dito...

Nasaan kaya yun???

Sa paghahanap ko si kanya... Nakita ko si Zhani...

Pumasok agad sa utak ko na tanungin siya tungkol dun sa pagpunta niya sa ospital...

Nag-aalala kasi ako sa kanya eh...

"Zhani!" tawag ko sa kanya

"Hi ate DJ! Thanks nga pala kahapon. You really made my brother's day." sabi ng napaka-cute na babae sa harapan ko

"Zhani, may itatanong ako sa'yo." seryosong sabi ko sa kanya

"What's that ate?" si Zhani

"Nagpunta ka kahapon kay Dr. Xaver Lat di ba? At isa siyang heart surgeon. Anong meron Zhani? Pasensya na kung nagtatanong ako sa'yo ng ganito, nag aalala lang talaga ako..." ako

Gulat na gulat siya sa lahat ng mga sinabi ko...

"Let's talk in a private place. Please..." seryosong sabi ni Zhani. Ngayon ko lang siya nakita na ganitong kaseryoso...

.......

Sa SC room...

Kaming dalwa lang dito at napakatahimik...

"Ate..." panimula ni Zhani "Sa atin lang sanang dalwa ito."

Naghihintay lang ako sa sasabihin niya...

"May heart disease si kuya..." malungkot na sabi ni Zhani

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya... Parang may biglang tumusok sa puso ko...

"Mahina ang puso niya... He can't handle too much emotion. Bawal ang sobrang saya, lungkot, o galit. Bawal din siyang mapagod. Pero ayaw niya pa ring tumigil sa pagiging student council president. Ayaw niya ring magpagamot sa ibang bansa... Ate, he's condition now is so critical." hindi na napigilan ni Zhani ang mga luha niya, humagulhol na siya ng iyak

Niyakap ko siya... "Zhani, wag kang mag-alala... tutulungan kita... Tutulungan ko si Zac."

"Thank you ate....thank you so much... Ako yung nasa ospital dahil naghahanap ako ng heart donor pero wala pa rin daw. Walang kaalam-alam si kuya sa ginagawa ko dahil alam kong pag nalaman niya, pagbabawalan niya ako. Kaya ate DJ, i-promise mo na sa atin lang dalwa ito."

"Promise!" sabi ko ng nakangiti at nakataas ang kanang kamay

Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti at ibinalik ko rin ito sa kanya...


Ngayon naiintindihan ko na si Zac... Kaya siya ganun... Hindi niya ma-express ang tunay niyang nararamdaman dahil delikado na ang puso niya para gawin yun...

Pano ko na siya mapapasaya ngayon ng sobra sobra? Kung bawal na pala...

Nag-aalala ako...

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro