Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**23** Hidden Feelings

**23** Hidden Feelings

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Nasa mansyon na kami nina Zhani. Nasaan na kaya yung kuya niya???

DJ???!!! Bakit mo naman agad hinahanap ang sunget na yun?!

(>________________<)

"Kuya, I'm here again!" sigaw ni Zhani

"I thought may pasok ka. Go to school Zhani!!!" sigaw naman ni Zac mula sa second floor

Haha? Nagsisigawan din pala sila. Akala ko kami lang ng mga kuya ang ganito xD

"Don't act like that brother. We have a visitor!" sigaw na naman si Zhani

"Stop shouting. Pupunta na ako jan sa baba." sigaw ni Sunget. Maka-stop shouting siya ah?!

"Why are you here?!" sabi ni Sunget pagkakita sa'kin

"Miss ka na daw ni Ate DJ kaya dito na daw muna siya maghapon at aalagaan ka niya. Bye... Enjoy!" tapos nagmamadaling lumabas na si Zhani

Ako naman sa di malamang dahilan ay napako sa aking kinakatayuan...

(=_________________=)

"Oh? What are you waiting for? Pumasok ka na rin." masungit na sabi ni Zac (lagi naman -,-)

"Hindi, dito na ako. Mukhang wala kang kasama eh. May sakit ka pa naman..." wuhuhu... Bat ko nasabi toh?!

"Bahala ka..." umakyat na uli siya sa taas

"Oi teka lang!" sabi ko saka sumunod sa kanya pataas

Dire-diretso lang siya at pumasok sa isang kwarto... At NILOCK ang pinto...

"Oi! Ano ba? Ikaw na nga ang aalagan... ikaw pa ang choosy!!! Buksan mo tong pinto!!! Whhhhaaahhh!" halos magiba ko na yung pinto ng kwarto niya kakakatok (=_=)

"Bahala ka nga di ba? Sorry but I will not let you in. Ayaw mo pang pumasok sa school eh. Di ka ba hinahanap ng KATARINO mo?!" si Zac

Aba, teka??? Ano toh nagseselos?!

"Edi bahala ka na rin jan! Aalis na ako!!! BLEEEEEH!!!" sigaw ko

Umupo lang ako sa labas ng pinto niya at sumandal. Hindi ako makasuway kay Zhani eh. Di ko alam kung bakit x/

Biglang bumukas ang pinto at napahiga ako kasi na-out of balance (>_<)

"Oh akala ko aalis ka na? Bakit ka natutulog jan sa labas?" masunget na sabi ni Sunget

Inirapan ko lang siya at nag-Indian sit...

"Pumasok ka na nga, mainit jan eh. May aircon dito." turo niya sa loob ng kwarto niya

Hindi ko lang siya pinansin at nagpahid ng pawis sa mukha ko... Mabanas nga dito ah???

"Halika na nga!" binuhat niya ako papasok ng kwarto niya

"Oi! Ibaba mo ako!!! (>________<) " ako

Di niya ako pinansin at inihagis niya ako sa kama niya...

"May gagawin tayo..." seryosong sabi niya

Itinaklob ko ang kumot niya sa katawan ko... "A-Anong gagawin mong masama sa'kin ah???!!!"

"Huh? Wala akong gagawing masama sa'yo. Tutulungan mo ako sa mga papeles na toh." ipinakita niya sa'kin yung mga papeles

"Hah? Nagtatrabaho ka pa rin? Dapat nagpapahinga ka na ih..." ako

"Kaya nga tutulungan mo ako para makapagpahinga na ako eh."

"Oo na po."

Hmph! Naging katulong pa ako ng sunget na ito (=_=)

*.*.*.*.*

<Nova's point of view>

Ang galing naman ni DJ! Solong-solo ko si Louis ngayon sa Jail Booth.

San niya kaya dinala si Zhani? Wala kasi sila sa horror booth eh. Si Katoy lang ang nandoon... Hinahanap niya nga rin si DJ eh...

"Thanks talaga Nova ah. Tinulungan mo ako dito sa Jail Booth wala kasi si Zac eh. Ang galing mong manghabol ng mga kriminal. Haha!" si Louis

Oo... Tinutulungan ko siya sa Jail Booth. Grabe! Ang daming mga pasaway na estudyante ngayon kaya wala na akong ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Buti naka-flats ako ngayon... Pero nakaskirt ako (=_=) Policewoman costume eh...

Yung ibang babae naman talagang gusto lang magpahabol kay Louis. Mga KIRE! Gagaya pa sa'kin ih!!! (~_~)

"Walang anuman... Ahm pupunta lang ako sa may banda dun ah! Magpapahangin lang." ako

"Ok. Mag iingat ka ah!" si Louis

Oo naman. Para sa'yo!!! Yyyiiieee!!!

"Hi miss..." sabi ng lalaki sabay hawak sa braso ko

"Wag mo nga akong hawakan!" ako

"Choosy ka pa jan ah! Alam mo bang heartthrob ako sa school namin! Patay na patay sa'kin ang mga babae!" sigaw niya sa pagmumukha kong maganda

"Ikaw?! Hahaha! Hininga mo pa nga lang! Patay na ako!" sigaw ko naman sa pagmumukha niya

"Bastos ka ah!" inamba niya ang kamay niya na sasampalin ako

Wala akong nagawa kungdi itaklob ang palad ko sa mukha ko...

Pero wala akong natanggap na sampal...

May narinig lang ako na malakas na suntok...

Nakita ko na lang na nakahiga na sa sahig yung nambabastos sa'kin at pinapagalitan na siya ni Louis...

"G*go ka! Bastos! Maghanda ka sa 1 week detention." sigaw ni Louis

"Ayos ka lang?" he cupped my face

Yiiieee!!! Putek lang... Kilig na kilig na ako!!!!!!

"O-Oo naman! S-Salamat." ako

Yinakap niya ako bigla... "Natakot talaga ako nung nakita kitang binabastos ng lalaking yun. Hindi ko alam kung bakit..." sabi niya

Alam mo Louis... Mahal mo rin ako ayaw mo lang aminin... (',')

Haha! Joke!!! Weee! Yakap yakap niya pa rin ako!!!

*.*.*.*.*

Short update lungs! (>_^)

Sensya na po kasi na-late ang update! Nag-outing po kasi ako kahapon sa PICO DE LORO COVE... Waha! Pahili much!

Thanks for reading. Please vote :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro