Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**21** Pagsubok

**21** Pagsubok

*.*.*.*.*

<pretty author's point of view>

Takot na takot si DJ sa dalawang lalaking nasa harapan niya...

"B-Bakit kayo nandito? A-Anong ginagawa nyo rito?!" takot na takot na sabi ni DJ

"Wahaha! Na-miss mo kami darling?! Ang hilig mong tumakas eh!" sabi ng mas matangkad na lalaki

"Kaya eto. Sinundan ka namin." pang-aasar ng isa pa

Lumapit na ang dalwa kay DJ...

"Aaaahhhhh! L-Lumayo na kayo!" sigaw ni DJ

"Ano bang isinisigaw mo Dia--- Oh Em Geee!!!" sabi ni Nova pagkakita niya sa dalawang lalaki

"T-Tulungan mo ako Nova!!!" si DJ

"Bakit naman kita tutulungan jan?! OA mo teh ah? Sige na mga kuya. Make-upan nyo na yang si DJ." si Nova

"Anla naman ih! Kuya Jasper, bakit nyo ba ako pinuntahan dito?!" si DJ

"Eh ang daya mo eh. Tumatakas ka! Kaya pinuntahan ka na namin dito." si Jasper

"Oo. Atsaka, kinausap ako ni K.O., ng Katarino mo na may nagbabanta daw sa'yo. Pinaliwanag na niya din sa'kin ang lahat kaya pinapatawad ko na siya. Dito lang kami, me-make-upan ka at babantayan ka." si Dick

"Ayie! Ang sweet ng mga kuya natin! Oh eto pala ang burger mo. May pupuntahan lang ako." umalis na agad si Nova pagkabigay ng burger

"Sige, Dick. Simulan na natin toh. Wahaha!" si Jasper

'Huhuhu, help me Lord (T=T) . Pero ang bait ata ng mga kuya ko ah? Anong nakain ng mga ito?! Isipin mo na lang DJ na pagsubok toh. Pagsubok talaga ang pagiging White Lady... NA NAMAN! (>=<)' sabi ni DJ sa isip niya

*.*.*.*.*

<Nova's point of view>

Naiinis ako grabe! Di ko tuloy nakausap si DJ ng maayos pati sina Kuya. Eto kasing si Tayra hinahamon ako.

Nalaman niya kasi na crush ko ang kapatid niya eh...

*flashback*

Sa hallway...

Grabe. Natatawa ako sa lahat ng knock knock jokes ni Ivan... Kahit corny... Kasi naman yung tawa niya pang-shunga lungs...

"Ishe-share ko yung mga jokes mo kay DJ. Tignan natin kung tatawa siya. Pag di yun tumawa lilibre mo ako bukas ng lahat ng kakainin ko, pag tumawa naman siya, ako ang manlilibre sa'yo. Deal?!" ako

"Deal! Mas maganda kung i-share mo din yang jokes mo kay Louis. Ayiiieee! Kire ka!" sabi sa'kin ni Ivanot na kumikire epek na rin

"Hayyy... Crush na crush ko talaga siya. Pag nginitian pa ako nun, mahal ko na." sabi ko

"What the hell?! Huh huh?! Crush mo ang kapatid ko??? Hahaha!!!" biglang sumulpot si Tayra sa likuran namin

"Pakshet..." nasabi ko yan

"Wala ka ng pag-asa kay Louis noh! Like duh?! Ano bang mapapatunayan mo?!" panghahamon sa'kin ni Tayra

"Like duh?! Nilikha ang mga cells ko na perfect. At ako ang katangi-tangi na kinikilig ang blood cells dahil sa kapatid mo!!! Ipapakita ko sa'yo, Tayra or should I call you my future sister-in-law! Ano? Anong hamon mo? Hah?" ako

"Magkita tayo sa food court!" si Tayra

*end of flashback*

Kaya eto, papunta kami ni Ivan sa food court.

Nakita namin si Tayra na nakaupo at may dalwang strawberry cake na tatlong patong sa harapan niya...

"Oh you're here na!" bati ni Tayra

"Ano bang ipapagawa mo?" ako

"Kita mo yang cake na yan?" tumango naman ako, favorite ko kaya yang cake na yan "Madaling ma-fall ang brother ko sa mga babaeng cute but malakas kumain. Wag kang maingay, pero he really loves strawberry kaya naman strawberry ang flavor ng mga cake na ito. Ang gusto ko lang mangyari... I want you to eat these cakes. In 5 minutes dapat ubos na." ngumisi siya sa'kin

"Ano ako t*nga?!" naisigaw ko

"You don't want? Well ipamimigay ko na la--"

"Shattap! Alis jan. I-set mo na lang timer mo. May mauubos na na mga cakes dito." sabi ko saka umupo kaharap ng dalawang naglalakihang cake (3 layers) (TTToTTT)

"Ok... Ready... Set... Go!!!" sabi ni Tayra

Huhuhu, kailangan ba talaga toh?!

Subo!!!

.

.

.

.

.

Subo!!!

.

.

.

.

.

Subo!!!

.

.

.

.

.

Subo!!!

.

.

.

.

.

Whhhhhaaaaahhhhh!!!

Nakaka-kamay pa ako nyan ah! (>_<)

........

Grabe... Nasusuka na ako!

"1 minute na lang. Pede ang taga-subo!" si Tayra

"Halika ka dito taba! Isubo mo sa'kin. BILI!!!" ako

Agad namang kinamay ni Ivan yung cake at isinalampak sa bibig ko...

Last na lang toh! Ubos na!!!

"Time's up!" sigaw ni Tayra at saktong ubos na ang cake

"Yey!!! Naubos ko! Party party!!!" nagsasayaw pa kami ni Ivan kahit ang dungis dungis na ng itsura namin

"Well, congrats. Naka-pasa ka sa unang pagsubok." si Tayra

"May pangalawa pa?!" ako

"And pangatlo. Good luck!" nag-walk-out na siya at naiwan akong tulaley

Naku! Tayra!!! Kung di lang kita magiging sister-in-law, naganutan na kita!!!

(>_____________<)

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro