**20** BEWARE
**20** BEWARE
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Paggising ko nakahiga na ako sa kama. Masakit ang katawan ko. Kinapa-kapa ko ang katawan ko at tuyo na ako. Sino naman kayang nagpalit sa'kin ng damit?
Napabalikwas ako sa hinihigaan ko at itinaklob ang mga braso ko sa harapan ko...
"Ay, OA ng lola ko ah?! Ako ang nagbihis sa'yo! Ano bang nangyari?" si Nova
"H-Hindi ko rin alam." sa ngayon, dapat wala munang makaalam ng sitwasyon namin ni Katarino para hindi na sila madamay pa
"Ahhh... Kilala kita DJ. Ibuhos mo na." sabi ni Nova
"Hay... Oo na nga pero atin-atin lang at wag kang magugulat ah!" kinuwento ko na ang lahat sa.kanya ng napag-usapan namin ni Katarino
.....
"Oh my GALIWOW!!! Nangyari talaga yun? Siya na nga first kiss mo, pati ba naman second inangkin niya!" sabi ni Nova
"Ssshhh! Wag kang ngang maingay sabi! Pero ito nga, may nagmamanman sa'min. Nagpadala pa nga siya ng sulat eh." inabot ko kay Nova yung sulat
Habang binabasa niya yun, nawawala ng paunti-unti ang ngiti niya at napalitan ito ng pangangamba... "DJ, alam kong mahal nyo ni Katarino ang isa't isa pero dapat pa bang umabot dito?!" halata sa mga mata ni Nova ang pag-aalala niya
"Nova, kaya ko toh. Ako pa! Astig ako at matatagtag. Buhay pa nga ako ngayon eh. Wag ka ng mag-alala sa'kin." malumay na sabi ko sa kanya
"Oo alam ko DJ pero hindi ko maiiwasang mag-alala sa'yo basta't kung anong mangyari nandito lang ako." niyapos ako ni Nova
"DJ!" sigaw ng isang lalaking papasok ng clinic
"Ay baboy! Ivan naman eh! Wag ka ngang nanggugulat jan!" si Nova
"DJ, pinatatanong ni Katarino kung ayos ka lang daw. Di kasi siya makapunta dito eh. Alam mo na..." si Ivan
"Pasabi sa kanya na ayos lang ako. Wag na siyang mag alala." ngumiti ako kay Ivan
"Gutom ka na ba DJ?" tanong ni Nova sa'kin
"Oo ih! Pabili naman ng burjer jan oh!" ako
"Oo na po. Burger yun, hindi.burjer. Samahan mo nga ako Ivanot!" lumabas na silang dalwa
Hay, ibang klase talaga yang si Nova. Ano kayang ginawa nila ni Louis kanina? Haha, pwes kailangan niyang magkwento sa'kin mamaya... xD
*.*.*.*.*
<Nova's point of view>
Kasama ko ngayon si Ivan taba pagpunta ng foodcourt. Hilig mag-uutos ni Dianna eh. Pasalamat siya, personal assistant niya talaga ako.
"Oi, Ivan taba. Doon tayo sa milohan." sabi ko sa kanya. May section kasi dito sa foodcourt na puro drinks lang ang tinda at ang Milo ang pinakamabenta xD
"Milohan, di ba nagbabalita yun sa TV patrol?" curious na curious na sabi ni Ivan
"Ha?" curious na curious ko rin na tanong
"Yung nagpapatawa... Ehem ehem... Milohan, patrol ng Pilipino! Wahaha!!!" utas na sabi niya
Pinipilit kong wag matawa sa napaka-corny niyang joke pero di ko na napigilan pa... "Wahaha!!! Haha! Milohan?! Mark Logan yun!" ako
"Ahaha! Oo alam ko! Kaya nga uso ang ang salitang JOKE eh! Wahaha!"
"Wahaha! Oo na!"
Para kaming shunga ni Ivan na nagkahara sa daan tapos tawa pa ng tawa...
"Oi, tatawa na lang ba kayo jan?" sabi nung tindera
"Hindi po. Bibili na nga eh." pagsusunget ko
Kakainis kasi. Wala ng Tummylicious dito. Naglevel up na kasi si Ate Gracia na suking-suki namin eh naging girlfriend kasi ni Kuya Dick. xD
Marami na ngayong branch ang Tummylicious lalo na sa Manila... Sosyal noh...
Pagkatapos naming bumili ni Ivan ng milo, bumili ako ng dalawang burger para sa'min ni DJ. At nagulat na lang ako kasi kanin at pork adobo ang binili ni Ivan para sa recess. Matinding diet ito! xD
Umupo muna kami kasi nga kakain pa itong si Ivan...
Pagkakita ko sa kaharap na table. Putek lang! Nandun pala sina Zhani at Louis...
Nag-smile lang si Louis sa'kin. Naka-akbay lang siya kay Zhani habang nainom ito ng juice.
Ano yun patungan?!
Na-badtrip ako bigla at naisubo ko.ang ulam ni Ivan...
"Oi, bakit mo sinubo yun?!" nagdadabog na sabi ni Ivan
"Wag ka ng umangal jan kung ayaw mong isubo ko ng pwersahan yang tinidor jan sa bibig mo." talak ko kay Ivan
Napasubo naman siya ng wala sa oras. Natakot eh...
Hay, DJ, marami akong iku-kwento sa'yo...
"Bilisan mo nga jan Milohan. Baka kung ano ng nangyayari kay DJ eh..."
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Ang tagal naman nung dalwang yun! Kaya nilabas ko ang iPhone ko... May nag text sa'kin galing sa di ko kilalang number...
From: Unknown
BEWARE
*end of text*
Hmph! Beware beware siya jan... Hindi ako natatakot noh! Naglaro na lang ako.
Pinapakain ko si Pou ngayon. Hirap na kasi akong mag-Flappy Bird eh... Haha!
Ng biglang may pumasok sa pintuan kaso di ko kita, rinig ko lang. May bell kasi yung pintuan ng clinic eh...
"S-Sino yan?" ako
Walang nagsalita at patuloy ko lang naririnig ang mga yabag ng paa na papalapit na ng papalapit sa'kin...
Tapos...
"Aaaaaahhhhhhh!!!"
*.*.*.*.*
Oi, choramel123, ang swerte mo din noh! Ni-tetext mo lang yung author ng "UPDATE PLS :")"
Tapos nag-a update naman ako.kaagad. Mabait ako eh. Haha! Text pa! xD
.......
Thanks for reading!!! (*-*)v
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro