Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**2** Detention Room

**2** Detention Room

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

"First day of college!!! So exciting!!!" sigaw ni Nova habang naglalakad kami sa corridor ng YOU (Yolanda Olan University)

"Exciting? Baka malugaw lang ang utak ko eh. Buti ikaw matalino... (-,-) " ako

Oo! Bumalik na ako sa dati! Di ko na inaalala yung EX kong ewan... Masaya na ako sa buhay ko. Buong bakasyon ako nagpakasaya para makalimutan siya. Pag nababanggit nila ang pangalan niya ngayon, wala na akong nararamdam. Ako na uli ang DJ na kilala nyo!!!

"KJ mo ateng ah! Mas gusto ko pa yung emo na DJ. Tango lang kasi yun ng tango eh!" Nova

"Upakan kita jan eh. Atsaka ayoko ng magdrama. Maraming nagsasabi na hindi daw bagay sa'kin eh. Haha!" ako

"Ah okey... Eto na pala room natin eh." parehas kami ng course ni Nova, Accountancy Ek Ek Churvalu... Di ko nga toh alam eh. Gusto ko lang kasama si Nova. Shunga lengs...

Si Edok, engineering ang kinuha. Si Maldy at Henry naman yung business management. Pasensya na talaga kasi sa totoo lang hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ko (=______________=)

Yung about dun sa highschool life ko na isang taon lang naman ang ipinasok ko dahil sa isang special exam, naging masaya naman ito. Nakasama ako sa top 10, ako yung pang-10. :F


Akalain nyo yun! Sa kabila ng pagdadrama ko dahil sa pag-alis ni Katarino, na-honor pa rin ako! (*-*)b

Tinamad akong mag-aral nun eh. Sa tuwing nag-aaral kasi ako, naaalala ko siya kasi nga di ba siya yung naging tutor ko dun sa special exam na yun at ako pa ang nakuha ng highest score dun ah!!!

Kung ako di iniwan nun... mga naging panglima siguro ako hindi pang-10... Ahaha... Yabang much! Teka??? Akala ko ba move on na??? (>______________<)



Tutal first day... Uso ang pagpapakilala... Unang nag pakilala yung prof namin. Sabi niya tawagin na lang daw siyang Ma'am Sabel.



Ako naman daw ang magpapakilala... Bakit ba naman kasi kami napaupo ni Nova sa pinakaunahan (=________________=)





Tumayo ako at nag punta sa unahan... "Ahm... *kamot ulo* Hello. Ako si--" naputol ako, este yung sasabihin ko dahil sa mga ito:








"Ikaw si Ate Astig di ba???" tagahanga #1. Di ba talaga nila makakalimutan ang tawag na yun sakin???








"Kaklase ka namin! Ayos may tagapagtanggol kami!" tagahanga #2. Superhero ako?! (-,-)










"Tanda pa namin nung sinapak mo yung mga bully nung 4th year tayo!!!" tagahanga #3. Oo, nanapak ako nun. Takot kayo noh?! Haha!







"Class quiet! Bigyan natin siya ng pagkakataon na makipagkilala..." sabi nung Ma'am namin







"Ahehe, I will continue! First of all I want you to know my name. Of course... Because my name is so important to know... ahm... hehe... I am Dianna Jolin E. Padilla but you can call me DJ.  I hope you will be my friends. That's all thank you bow..." lumakas loob ko eh. Nalaman ko kasi na sikat nga pala talaga ako (*+*)

"Hmph! Trying hard mag-English. Haha!" sabi nung babaeng sobrang makapal ang make-up. Di ko na siya pinansin kasi baka mabuhusan ko pa ng mainit na tubig yung mukha niya...

Sunod naman na magpapakilala ay si Nova... Magkatabi kami eh...

"Hello! I'm Nova Estrada. You can call me Nova. I was adopted by DJ's grandmother so I'm living with her house. We two are bestfriends but it will be so happy if you all be my friends." masayang sabi ni Nova

"Pssshhh... Isa pa tong trying hard. Ampon lang naman..." sabi na naman ng babae kapal

"ANO BANG PAKIALAM MO INGGETERA CLOWN???!!!" di na talaga ako nakapagpigil eh. "Ayos lang kung ako yung inaapi-api mo eh pero kung mahal ko sa buhay ang dinamay mo, mabubura lahat ng kolorete jan sa mukha mo!" sigaw ko

"Who do you think you are." tumayo siya nung sinabi niya yun

"Kakanta ba tayo ng Jar of Hearts dito? Fan ka ni Christina Perri teh???" pang-asar ko sa kanya sabay tayo din

"Uuurrrggghhh! You shameless jerk!" sinampal niya ako. AWTS!!!

"Enough! Isipin nyo nga muna ang gagawin nyo! Hindi yung first day na first day nag-aaway agad kayo!" sabi ni ma'am. Si Ma'am mga nasa 30's lang ang edad niya

"Isipin ba kamo?" bulong ko sabay ngisi dito sa babaeng kaharap ko




*PAK!!!*





Sinapak ko ng malakas yung babae




Nagulat yung mga kaklase ko. Si Nova naman napatawa sa ginawa ko. Yung iba nag-che-cheer pa... Ahaha... x)





"Ms. Padilla and Ms. Wilson! Go to the Detention Room now!!!" highblood na sabi ni ma'am



Detention Room??? Hayyy... Unang beses kong maiipasok dun... Lagi kasi ako ang pinapaburan nung Guidance Counselor nun kasi nga naman hindi ako ang may kasalan. Nanliligtas pa nga ako ng mga binu-bully eh... Ewan ko lang ngayon... (-,-)

........

"Wala kayong recess ngayong dalwa kaya mamayang lunch pa kayo makakakain. Pag-isipan nyo yung mga nagawa niyo. Nova, bibigyan lang kita ng maximun of 5 minutes para makipag-usap kay DJ." sabi ni Ma'am Sabel sabay walk-out

"Ateng naman kasi dapat hinayaan mo na lang siya yan tuloy di tayo makaka-chibog ng sabay. Don't worry, dadalhan kita ng burger at juice... Hihi!" bulong sa'kin ni Nova

"Hey, I heard that! Mga madadaya! Isusumbong ko kayo!" sabi ni Clowny

"Heh! Shattap your big mouth!!! Sumbungera! Joke lang yun masyado kang paniwala! Hindi kami mandadaya noh!" sigaw ni Nova. Mas mataray toh sa'kin noh?! xD

"Oh sige na Nova, mag-recess ka na. Baka mapasali ka pa sa detention ek ek na ito. Lakad na." ako

"Sige DJ ah! Kita na lang tayo after 2 hours." ayun umalis na siya.

Tama... 2 hours kong makakasama ang babaeng makapal ang make-up na ito... (=_______________=)

"Hmph! Nandito na naman ako sa hell na ito. This is all because of you!" sabi nung babae

So??? Suki na pala siya sa detention room? Halata naman sa ugali niya ih! (-,-)

"Madalas ka pala dito eh? Kaya wag kang pahili. First time ko dito eh. Mabait kasi ako." ako

"Anong ipinapamukha mo sa'kin?! Na simula high school maldita na ako?!"

"Ikaw ang nagsabi nyan di ako..." astig ah? Loyal pala siya dito... Again, halata naman talaga sa itsura't ugali niya eh...

"Guys, nandito kayo para magbati at pag-isipan ang mga bagay na ginawa niya. So tama na ang away please?!" sabi ng isang... WOAH???!!! Tao ba toh? Ang gwapo niya! (*0*) Ehem... DJ, wag bakla... (-,-)

"Zac? Om Em Geee!!! You're here!" sabi nung babae. Ano ba kasing pangalan ng babaeng ito?! (-,-)

"Tayra, lagi naman tayong nagkikita eh. Lagi ka kasing napapa-punta sa detention room..." masunget na sabi ni Kuya dun sa babae na Tayra pala ang pangalan. Pakipot pa si ate na ayaw niya raw dito eh may isang anghel pala dito sa tinatawag niyang hell eh!

"Ah hello po? Ano po ba kayo rito?" paningit ko, first time ko nga lang kasi sa detention room eh

"You don't know me?!" sabi ni Kuyang pogi na sana kung di lang sobrang sungit

"Ah? Oo... Kaya nga ako nagtatanong eh. Ano ka nga ba?..." pagsusunget ko rin

"Tao ako... OK?! I'm Zackary Encarnacion. Ako lang naman ang president ng Student Council ng College of Accountancy. 2nd year pa lang ako pero madami na akong achievements at nadaig ko pa ang mga 3rd and 4th year college students dito." nagmayabang na... Hayyy... Ganan na ba ang mga gwapo ngayon?!

"Haha! You know him na! Pahiya ka noh? Eh ikaw sino ka nga uli? Ang weird ng pagpapakilala mo kanina sa room eh kaya nawalan ako ng ganang makinig sayo!" si Tayra

"Ako lang naman si Dianna Jolin E. Padilla. DJ for short o mas kilaka sa tawag na 'Ate Astig' ng mga fans ko. Naging sikat ako dahil sa pagtulong ng mga naaapi at nalulumbay sa kanilang buhay. Ako rin pala ang nakakuha ng pinakamataas na score noong accelaration exam nung highschool." yes, tama lahat ng inyong narinig...

Pagtingin ko dun sa dalwa, nga nga sila...

"Oh ano? Yabangan uli tayo?! Ikaw president ah! Ang yabang mo! Puro lang naman kapugian ang nakikita ko sa'yo eh! Bum paneeees ka ngayon!" sabi ko with Action... Wala talagang nakakatalo sa mga astig kong dila eh

"I-Ikaw si DJ? Ang nagligtas sa kapatid ko?!" sabi ni president poging chinitow...

........

Sa wakas!!! Pinalabas na ako ng detention room dahil sa napatunayan kong wala naman talaga akong masyadong kasalanan at hindi ako ang nanguna sa gulong nangyari... 1 hour lang akong nag-stay dun sa halip na 2 hours. Ayun si daldalita naiwan sa loob na nag-iisa. Kausapin niya ang pader dun...

"DJ!" tawag pala ako ni president

"Why ser?" ako

"Salamat uli ah. Pero ito ang tatandaan mo. Hindi pa tayo tapos. Alam kong napaka-gwapo ko talagang tao pero hindi lang naman yun ang maipagmamayabang ko. OK? Pasalamat ka at maganda ka..." ang lapiiiitttt ng mukha niya sakin!!!

Pikit na DJ!!!

"See you later..." ayun ang layo na niya pala. Bakit kasi may papikit-pikit pa akong nalalaman?! (-,-)

Yung tungkol sa kapatid niya, yun yung babaeng nakita ko tatalon ng building noong naghahanap lang ako ng cr kasi nagtatrabaho pa lang ako nun sa Tummylicious at hindi ko pa kabisado ang mga pasikot-sikot dito sa YOU. Siya yung babaeng nailigtas ko sa bingit ng kamatayan... este... sa bingit ng pagpapakamatay...

Hayyy... Hero na talaga ako (*-*)b

*.*.*.*.*

<Zac's point of view>

So she's the famous 'Ate Astig' ah??? Hahaha! Aaminin ko, she's beautiful pero iba ang pagkakagawa sa dila niya eh. Parang di siya babae? Haha! Pero natutuwang naiinis talaga ako sa kanya...

Napaka-thankful ko sa kanya dahil siya ang nagpabago sa isip ng kapatid ko sa ninanais niyang suicide... Madalas kasing inihahambing ng parents namin si Zhani, my sis sa akin. Puro lang kasi kalokohan ang mga ginagawa niya at hindi pa siya napapasama sa honor roll kaya yun... ganun na lang siyang ka-depress sa tuwing sinisigawan at pinapagalitan siya nina mom and dad.

Masaya nga ako dahil ngayon hindi na ganun ang mga pangyayari... Dahil kay DJ... Alam kong ngayon nyo lang maririnig ang storyang ito. Sabi kasi sa'kin ni Zhani na si DJ daw ang kumausap kayna dad and mom noong nasa office sila para pag-usapan ang mga pangyayari, na maging mabuting magulang sila, na wag silang mang-pressure ng kanilang anak dahil ang anak ay isang kayamanang di mapapalitan ng kahit anong ginto. Nakumbinse naman ni DJ ang parents namin...

Simula nun, naging masaya na ang pamilya namin after nun and Zhani is now very active na sa school. 4th year highschool pa lang siya and shempre dito rin siya napasok sa YOU.

Hindi lang ang kapatid ko ang nailigtas niya, kungdi pati ang buong pamilya ko...

I think I should know her better...

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro