**19** Anyanyayare?!
**19** Anyanyayare?!
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
Hay, ang saya saya siguro ni Nova ngayon. Wala sanang gawing kababalaghan yung babaeng yun kay Louis sa clinic. Waha!
Ako naman ngayon nandito pa rin sa SC room kasama si Mr. Sunget at ang iba pang officers. Grabe tong si Zac ah! Di ako iniimikan samantalang ang iba dito lahat na ata naidaldal sa'kin (-,-)
May nagawa ba akong kasalanan sa sunget na yun?!
Napansin ko na parang hinang-hina siya tapos yung mga labi niya hindi na mapula katulad ng dati. Parang namumutla na ang kulay nito...
Pinapanood ko lang siya habang nag-aayos siya ng mga papeles. Ewan ko ba kung bakit ayaw umalis ng katawan ko dito parang may kailangan pa akong gawin... Makakahintay naman yung horror booth sa'kin eh atsaka para ma-miss naman ako ni Katarino.
Pangatlong araw na pala ito ng school fair at pangalawang araw naman ng contract relationship namin ni Zac.
"Why are you staring at me, Diannoying?!" sabi ni Zac
"Oi! Concern lang po ako sa inyo president. Mukha kasing hinang-hina na kayo eh. Atsaka wag nyo na po akong tawagin na Diannoying. Para kasing dinosaur yung dating..."
Pinapanood lang kami ng ibang officers at yung iba inaasar pa kami...
"Haha. Whatever. Sa ayaw at sa gusto mo, yun ang tata-"
Bigla na lang siyang tumumba at nawalan ng malay...
"Tulong! Tulong!" sigaw ko
Buti na lang at nandito ang mga officers kaya hindi ako nahirapan na dalhin si Zac sa clinic...
Wala na sina Nova at Louis dito. Asan na kaya yung mga yun?...
........
"Doc, kamusta na po siya?" tanong ko sa doctor, sosyal itong clinic namin eh
Ako lang ngayon ang nagbabantay kay Sunget at hindi pa siya nagkakamalay simula kanina. May tatlumpong minuto na siyang walang malay...
"Na-stress siya masyado hija. Then may sakit siya na hindi ko ma-detect ngayon kasi wala pa tayong sapat na gamit. But don't worry kasi ipinatawag ko na yung ambulance para ipa-check na si Mr. Encarnacion sa ospital." sabi ni doc
"Salamat po doc."
Nagpunta agad ako sa principal para magpaalam at buti naman at pumayag agad siya. Sasamahan ko kasi si Zac sa ospital.
Shempre, magpapaalam din ako kay Katarino...
Sa horror booth...
"Oi, Katoy, wag kang magseselos jan ah! Sasamahan ko lang naman si Zac. Kailangan niya ng karamay ngayon." ako
"Opo na po. Ingat ka ah!" niyakap ako ni Katarino bago ako umalis
Paglabas ng horror booth, nakita ko na may hawak na video cam si Tayra...
"Anong ginagawa mo?" ako
"You don't care. Remember this, your happy days are over..." tapos nag-walk out na siya
Namimiss lang niya siguro si George. Na-expell kasi yun sa school pagkatapos ng mga pinaggagawa niya sa'kin... Buti nga! :P
..........
Ipinasok na sa ambulansya si Zac. Wala pa rin siyang malay. Nakakainis naman toh eh!!! Pinag-aalala niya pa ako...
Hinawakan ko ang kamay niya... Naniniwala ako sa power of love... Love as friend.
Sa kalagitnaan ng biyahe bigla na lang siyang nagising...
"Where am I?!" sabi niya
"Nasa ambulansya." ako
"Ibaba nyo ako dito. What the hell!!!" pagwawala niya
"Oi, hahampasin ko yang ulo mo eh para makatulog ka uli. Umayos ka nga!" ako
"Ibaba mo ako dito Dianna Jolin Padilla!" utos niya sa'kin
"Bakit ba hah?! Ano bang meron Zac Encarnacion?!" sigaw ko sa kanya
Umupo siya sa tabi ko at umiyak... Hindi ko alam kung bakit at hindi ko maitanung sa kanya ang dahilan...
"I don't want to be here... Let's go out of this place." bulong niya sa'kin habang umiiyak siya
Nakiusap na lang ako sa mga nurse sa ambulansya na ihatid na lang si Zac sa bahay nila at doon muna magpahinga. Mukhang ayaw kasi nitong pumunta sa ospital eh...
Bumalik na lang uli ako sa school...
Paglakad ko bigla na lang may bumuhos ng malamig na tubig sa'kin mula sa second floor...
Bwiset ah! Sino naman kaya ang malakas ang loob para gawin sa'kin toh?!
Agad agad akong umakyat sa taas para i-wrestling yung nagbuhos sa'kin ng isang timbang tubig...
Badtrip! Wala na akong naabutan na tao...
Bumaba na lang uli ako para pumunta sa locker room. Girl scout kaya ako. Laging handa! Kaya may extra pa akong uniform sa locker ko...
Pagbukas ko na locker may card na tumambad sa'kin...
Eto ang nakasulat...
Dear Dianna,
Akala mo ba happy ending na kayo? Well, akala mo lang yun. Hills have eyes sweetie. Ang kulit nyo kasi eh, ayaw nyo pang maghiwalay. Kaya eto sunod sunod ang darating na kamalasan sa inyo... Good luck na lang!
Truly yours,
SecretSpyXXX
Eto na ba yung sinasabi ni Katarino na may nagmamanman daw sa amin? Pwes, di ako patitinag jan...
Mahal namin ang isa't isa...
Kinuha ko na yung extra uniform ko at nagpunta ng cr para magpalit.
Habang nagpapalit ako, may bigla na lang lumitaw na usok at unti unti ng pumipikit ang mga mata ko...
*.*.*.*.*
<Zhani's point of view>
Naglalakad ako sa hallway kasi hinahanap ko si Kuya Lou, si Louis! Kaso nakita kong umuusok sa cr ng girls...
OMG! The cr is on fire!!!
Agad kong ni-check yung loob pero wala namang fire... May nakita ako sa loob na tear gas. Yung ginamit sa pampapatulog pag may something or war like that. Tumakbo ako papalayo kasi baka ako makatulog ng wala sa oras. Tumawag ako ng maintenance...
Pinasipsip nila yung usok gamit yung machine...
At sa isang cubicle, napansin kong may tao pala dito!
Sinira ng mga maintenance yung door. Well, sila din naman yung mag-aayos nun eh...
Pagkakita ko sa babae...
"OMG!!! Ate DJ!!!"
Dinala namin agad siya sa clinic. Basang basa pa yung damit niya at may extra pa siyang uniform na hawak. Ano kayang nangyari sa kanya?!
*.*.*.*.*
<Nova's point of view>
Nagpunta kami ni Louis sa foodcourt... Inalok niya ako wih! Hihihi!!! Kilig to the brain cells ituh! xD
Ngayon, pabalik na kami sa SC room kasi baka mapagalitan na kami eh. Hindi pa kami napunta sa mga booth-booth namin...
Ng biglang sumulpot si Zhani saharapan natin... Hmhp! SAPAW!
"OMG! Glad I found you! Ate Nova, nasa clinic si Ate DJ."
Agad agad akong pumunta sa clinic...
Basang basa ang suot ni DJ at wala pa siyang malay...
Naku naman DJ eh. Anyanyayare na ba sa'yo?! Ako na ang nagpalit ng damit niya... Tutal lagi na din naman kaming magkasama sa bahay.
Kawawa naman tong BFF ko... Basang sisiw to the max...
Lagot sa'kin ang may gawa nito sa'yo...
*.*.*.*.*
Here na ang update choramel123!!! Kulit mo, wahaha... Di ko madedicate sa'yo yung chapie eh. Phone lang gamit ko kaya katamad. Btw, thanks for reading!!!
Maiksi na nomon! xD
Mga mahal kong readers, may pasok na nga pala ako every morning then guitar lesson naman sa hapon so baka matagalan na ang mga next updates kasi sa tanghali naman tulog ako... Wahaha!
Thanks sa lahat ng nagbabasa!!! Please vote and comment!!! :)))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro