Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**18** Drama is everywhere...

**18** Drama is everywhere...

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Naalala ko na kasama ko nga pala si Zac...

Naglibot-libot ako para hanapin siya. Nakita ko na nakaupo lang pala siya sa bench na inupuan namin kanina. Napagod siguro siya sa kakahanap sa'kin...

Umupo ako sa tabi niya... "Sor--"

"Dapat di na lang tayo nag-date kung si Rino lang naman talaga ang gusto mong makasama. Bumalik na lang tayo sa campus para makasama mo ang real life boyfriend mo." seryosong sabi niya

"N-Nakita mo k-kami?!" Ang feeling ko talaga isa akong nangangaliwang girlfriend (=_=)

"Wag kang mag-alala, di ko naman ipagkakalat eh..." bigla siyang tumayo pero natumba siya bigla at nakahawak sa puso niya

Inalalayan ko siyang umupo uli... "A-Ayos ka lang?" nag-aalala talaga ako sa kanya

"Y-Yes! I'm okay..." sabi niya

"Gusto mo na ba talagang bumalik sa school eh di pa nga tayo nagla-lunch eh. Please, kain muna tayo..." pagmamakaawa ko sa kanya

Ngumiti lang siya at tumango...

.......

Ngayon naman, pinagbigyan ko siya... Sa isang fine dining restaurant kami nagpunta at sigurado akong magugustuhan niya dito...

"Thanks for bringing me here. I like it." sabi niya sabay subo nung pagkain na hindi ko alam ang tawag kasi mamahalin yun. Siya kasi ang umorder at nagbayad.

"Ano ka ba! Bakit ikaw pa ang nagpapasalamat jan eh ikaw naman yung nagbayad?!" ako

"Nagpapasalamat ako kasi kasama kita... I know this is surprising... But I t-think I l-like you..." nahihiyang sabi niya. Namumula na naman siya ngayon... Ang kyut!!! Haha!

"Ha? Haha!" sabi ko

"Wala! Hindi nga ako nag-uulit sa bingi eh. Just forget what I've said. That is not true..."

"Sus! Hinding hindi ko yun malilimutan Sunget!!! Bleh!" nagbelat pa ako

"If you think I'm masunget then you are so annoying..." ang cute niya talagang magsalita lalo na pag nagtataglish siya. Waha!

"If you say so... SUNGET!"

"Kumain ka na lang pede?!" itinutok niya sa'kin yung tinidor niya. Grabe! Katakot! (>_<)

Tumango na lang ako ay takot na takot ang itsura ko. Tapos tinatawanan niya lang ako...

"Psh. Haha! White lady na duwag..." bulong niya pa (-,-)

Pasalamat siya... Good mood ako ngayon kasi gawa ni Katarino! (*-*)b

"I changed my mind. Ako na rin ang manlilibre sa dinner natin..." nakangiting sabi ni Zac sa'kin

"Ah! Mabuti nam-- Teka?! Ibigsabihin?!" gulat kong sabi

"Yep! Extended and date natin hanggang hapon..."

"Haha! Yey!!!"

"Because my time is limited." malungkot na sabi niya

"Hah?! Bakit naman? Kahit presidente ka pwede ka naman magpahinga di ba? Gawin ulit natin ito next time. Enjoy enjoy lang pag may time di ba?!" naka smile na sabi ko sa kanya

"Haha, tama... DJ, thanks for everything. Hindi kita malilimutan." San ba toh pupunta?!

"Oi, sunget! Wag mo sabihing... Mag-iibang bansa ka?!" tinutok ko sa kanya yung mga mata at tinidor ko. Idol ko siya ih! (*-*)

"Haha... Hindi ako mag-iibang bansa. Mag-iibang universe ako! Hahaha! Kumain ka na nga lang jan!"

Mag-iibang universe? Ang alam ko hindi siya mahilig kay Ben Ten?!

.......

"Bye Diannoying!!!" sigaw ni Zac sa may gate ng bahay namin

"Bye Zucnget!!!" sigaw ko naman sa kanya

"Haha! Bukas na lang uli!" pumasok na siya sa kotse niya

Inihatid niya na nga pala niya ako sa bahay. Ang sarap niyang kasama. Haha! Para kang may kasamang menopause...

Sana maulit muli kahit friendly date lang... Katulad ngayon...

Maraming salamat Zac...

.......

Sa SC office...

"Good morning everybody!" sabi ko pagkabukas ng pintuan

"Morning!!!... Si Nova nga pala?" sabi ni Louis

Buti pa si Louis nabati, si Zac tumingin lang. Parang di kami nagsaya kahapon... PSH!... Si Nova nga pala?!

"Here!!!" hingal na hingal na pagsulpot ni Nova sa may pintuan

San kaya ito galing?! (*,*)

*.*.*.*.*

<Nova's point of view>

Dahil kailangan kong mag-ayos ng bonggang bongga dahil sa alam nyo na, nagpaiwan ako sa service namin ni DJ...

Grabe, nakaka-pressure kaya pag kaharap mo ang long time crush mo tapos ang oily ng pes mo. Nakakahiya kaya yun.

Oo, long time crush ko si Louis. Simula pa ata nung 1st year highschool ako. Ang torpe ng lola nyo noh?! Eh kasalan ko bang nagkakabuhol-buhol ang dila ko everytime na may balak akong kausapin siya... Muntanga lang... (*-*)v

Kaya nga nagka pag-asa me ngayon. You know! Ang swerte kasi ng BFF (Best Fanget Friend) kong si DJ... Wahaha!!!

Nag-LRT na lang ako papasok. Joke! Di ako nasakay sa LRT. Like duh???!!! Ako, sasakay dun? Kaya naman nagpedicab na lang ako papasok... Walang halong joke! Nagtitipid ako eh astaka naawa ako kay manong mukhang wala pang kita xD

At dahil ang bagal pumidal ni manong na buto't balat na lang, (nakakaawa siya grabe, wala bang feeding program ditei?!)... Nasinghot na lahat ng mukha kong ambilis mag-oil ang lahat ng polusyon dito sa bansang Pilipinas...

Kaya pagpasok ko sa YOU, nag re-touch pa ako sa cr. Bwiset! Dapat pala di na ako nag paiwan sa service at dito na lang ako nag-ayos sa school.

Pagkatapos ay nagmadali akong nagpunta sa SC room. At dahil naka-heels ako, nagdagasa ako... Ouch!!! Para kay Louis!!! Gagapang ako!!!

Ayun gumapang nga ako tapos pag may tao, pipilitin kong makatayo. Oh Em Geee lang, ang laki pala ng sugat ko sa paa...

Huhuhu... Pero sulit kasi nung nasa may labas na ako ng SC narinig ko na hinahanap ako ni Louis!!! (*0*)

"Morning!!!... Si Nova nga pala?"

Agad akong nag-ayos ng sarili at nagsalita "Here!!!"

"Oh? Nalate ka ata?" sabi ni Dianna Jolin sa'kin

"Oi, Dianna... Mahirap kayang sumakay sa taxi. Kaya ayun, na-traffic." pagpapalusot ko

Grabe yung paa ko, duguan na. Sana di nila makita!!! Huhuhu...

Maglalakad na sana ako papaloob ng bigla akong madapa...

"Oi, ayos ka lang?!" si DJ

"Actually, hinde..." tumingin ko sa right foot ko at napatingin din doon si DJ

"Hala ka?! Anong nangyari jan?"

"Mahabang kwento kasi ih..."

"DJ, may I have your bestfriend? Ako na ang magdadala sa kanya sa clinic" sabi ni Louis kay DJ

Tumango naman si DJ with matching smirk sa'kin. Nang-aasar na naman ang bruhang ito... (-,-)

MY OH MY!!!

Nagulat ako!!! Binuhat ako ni Louis bigla bigla... Para kaming bagong kasal... Weee!!! (*-*)b

Naiimagine ko na mag-popropose na siya sa'kin!!!

Sasabihin niya... "Nova Estrada, will you marry me?"

Weee!!! Overload sa kilig tapos sisigaw naman ako ng "I do Louis Wilson!!! I do!!! Whhhaaahhh!!!"

(0,0)!!!

Sh*t! Naisigaw ko nga... (=___=)

"Hahaha?! Anong I do? Nova, ayos ka lang ba? Di ba nabarog yung ulo mo kanina?" tanong niya sa'kin habang buhat buhat pa rin ako

"Ahahaha! Hindi noh. Wala yun..." lintes, wala akong masabing palusot (-,-)

Pumasok na kami sa clinic at saktong naka-break naman yung nurse...

Saklap men! Umaagos na yung blood mula sa foot ko!!!

"Naku, wala palang nurse. Balik na lang tayo sa SC room." sana buhatin niya uli ako! (*-*)v

"Ako na... Ako na ang gagamot sa'yo." sabi niya

Inuupo niya ako sa isang kama at lumuhod naman siya para magamot niya ako... Kilig to the blood cells to!!!

Nakakainis kasi naging twin sister niya pa si Tayra Wilson. Tanda nyo yun? Yung first day pa lang eh napapunta si DJ sa detention room gawa ng malditang yun. Buti na lang fraternal twins sila. Hindi sila ganung magkamukha ng bebe Louis ko...

Bakit kaklase ko si Tayra kung first year pa lang ako? Well, nagrepeat siya eh. Di siya nakamana ng katalinuhan at kabaitan sa twin brother niya...

Bigla niyang nilagyan ng alcohol ang paa ko...

"Awww!!!" ako

"Ow, sorry. Grabe yung sugat mo ah?"

"Ewan ko nga eh. Natalisod lang naman ako eh."

Napatingin siya sa sapatos ko... "Babaan mo kasi yung heels mo, masyado kasing mataas kaya delikado yan."

May tama siya... Sinabi na rin sa'kin yun ni DJ eh pero di ako nakinig.

Yung sapatos kaya ni DJ, flat na flat. Parang dibdib niya lang. Wahaha! Peace!

"Ok..." papaltan ko na agad itong sapatos ko bukas!!!

"May girlfriend ka ba ngayon?" tanong ko kay Louis, chismosa ng lola nyo noh?!

"Wala eh. Haha!" ang cute niya grabe!!! Parang gusto ko na siyang isako at iuwi sa bahay!!!

"Pero may nililigawan ako simula last year pa." pahabol niya

Ang shakit ng puso kong itech!!! Huehuehue!!! (TTT0TTT)

"S-Sino?" ako

"Si Zhani. Yung kapatid ni Zac..."

Ano bang laban ng beauty ko kay Zhani eh ang cute cute ng itsura niya ako parang nanay na... De joke, mukha talaga akong dyosa!

"Di ba 4th year highschool pa lang si Zhani?" ako

"Oo nga eh kaya naiinis ako pag tinatawag niya akong Kuya Lou pero masaya na rin ako kasi may endermeant na siya sa'kin. Haha! Then ang tawag ko sa kanya Baby Girl..." abot tenga ang ngiti ni Louis habang sinasabi niya yun (~^~)

Ako na lang kasi ang ligawan mo! Di kita tatawaging kuya!!! Honey, pede pa! Mas matanda din kasi itong si Louis sa'kin ng 1 year. Ka-batch niya kasi sina Zac kaya 2nd year college na siya...

"Ah, hehe..." ako

"Why are you crying?" sabi niya

Gosh naman oh! Naiyak na pala ako. OA ng lola nyo!!! Eh pano ba naman napaka-loyal ko na may crush sa kanya tapos iyon lang yung maririnig ko?!

"Huhuhu, sobrang sakit kasi Louis. Masakit yung paa ko gawa nung alcohol!" palusot ko na umepek naman

"Ah, I'm very sorry. Patapos na toh, lalagyan ko na lang ng bandage." sabi niya

Pero kaya mo bang i-bandage ang puso ko? (T.T)

*.*.*.*.*

Thanks for reading!!! Saranghae!!!

:*

Sorry sa mga typos ah! :)))

Isang oras ko lang kasi toh ginawa. Dire-diretso! ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro