**16** Five Days
**16** Five Days
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
"You may kiss the bride." sabi ni Father Henry
Iki-kiss kaya ako ni Sunget?! Whhhaaahhh!!!
"Ki-kiss na yan! Ki-kiss na yan!" sabi ni Nova at nakigaya naman ang lahat sa kanya
"Psh. Ngayon lang ako hahalik sa white lady." masunget na sabi ni Sunget
"Hindi mo naman talaga ako kailangang halkan eh kaya tar---"
"Muah!"
H-Hinalkan niya ako!!!
(>_______________<)
Sa pisngi lang naman... Pero bakit nakuryente yung buong katawan ko sa ginawa niya?!
Sus, DJ! Wala yun!!!
Nakangisi ngayon si Sunget sa akin...
"Ok. Pirmahan nyo naman itong kontrata... Ito yung kontrata na nagsasabi na dapat maging KAYO sa loob ng limang araw lang naman..." singit ni Maldy
"Whhhaaattt???!!!" kaming dalwa ni Sunget
"OA DJ ah? Alam mo na kaya yan kanina. Mas acceptable pa yung reaction ni pres eh!" si Nova
"Walang basagan ng trip noh!" ako
"I don't have any idea about this contract." si Zac
"I'm sorry but you have to sign it once na naikasal ka na at pag sinuway nyo ito, may matatanggap kayo na parusa..." pangatwiran ni Maldy
Tumingin si Zac sa'kin at nag-pout lang ako... Ewan ko kung bakit ko ginawa yun?!
Huminga muna siya ng malalim saka pumirma... Arte ah?! So pumirma na rin ako.
"Kayo na! So kilig!!!" si Nova
"Oh sige ah. Enjoy!!!" sabi ni Maldy
Lumabas na kami ni Zac sa Marriage Booth...
"Sensya ha. Nadamay ka pa dito. Hayaan mo. Ok lang naman na wag nating gawin yung kontrata. Pupunta na ako sa booth ko ah!" tumalikod na ako
Hinawakan niya naman agad ang kamay ko... "Bawal lumabag sa kontrata. So I have no choice. You are my GIRLFRIEND for 5 days." napangiti ako sa sinabi niya pero ang arte pa rin ah NO CHOICE daw siya?! (-,-)
"No choice daw. Awtsuuu!!!" sinundot sundot ko ang tagiliran niya "Hayaan mo! Kahit limang araw lang yun, ipapakita ko sa'yo na ako ang pinaka-astig na naging girlfriend mo. Pagpapasalamat ko na rin kasi ito sa'yo kasi ang bait mo sa'kin..."
"Ok fine..."
"Salamat mamang pulis sa pagsagip ng puso ko! Hahaha!!!" sabi ko with action habang nakahawak sa puso ko
"Psh... You are so annoying. I need some rest so go away." masunget niyang sabi, lagi naman eh (-,-)
"Opo! Mananakot pa ako eh. Bye Sunget!!!" nagtatakbo na ako paalis
Sa huli, ang White Lady at ang Policeman ang nagkatuluyan. At nagsisisi ang Bampira sa kanyang ginawa...
Psh, bebenta kaya yung kwentong yun?!
Nahagip naman ng mata ko si Katarino...
Nagkatinginan kami... Ang mga tingin niya ay puno ng lungkot... iniwas ko na naman ang tingin ko sa kanya...
Galit ako... Galit na galit na ako sa sarili ko...
Hindi ko alam kung bakit di ko magawang magalit kay Katarino...
Linapitan niya ako...
"K-Kumain ka na?" tanong niya sa'kin
"Sa tingin mo makakain ba ako sa nangyari?" naglakad na ako papalayo sa kanya pero ngayon wala ng luha ang nalabas sa mata ko. Ubos na ata...
Nagpunta na uli ako sa lungga ko, walang iba kungdi sa horror booth...
...........
6:00 PM...
Hayyy!!! Nakakapagod manakot!!! Lugas-lugas na ang make-up ko... Tapos nasapak pa ako ng isang babae dahil sa takot niya (-,-) Kung di lang ako nakapagpigil, nalamon ko na siya ng buhay...
Nasa parking lot na ako. Nandito na daw kasi ang sundo ko sabi ng mga kuya kong mababait...
Shempre natupad ako sa mga promises... Hindi ko pa rin binubura yung make-up kong pang-horror talaga pero yung white gown hinubad ko na. Naka-jeans at t-shirt na ako ngayon.
Hinahanap ko yung kotse namin ko pero di ko makita...
"Hey, over here!" sigaw ni Sunget na nasa loob ng kotse niyang... Wow!!! Blue Mercedes!!!
"Hah? Ikaw? Anong ginagawa mo?" ako
"Wag ng maraming tanong, ihahatid ko lang naman ang girlfriend ko sa bahay nila..." sabi niya ng nakangisi
Woah men?! Bakit ako kinikilig?!
"Oo na." sumakay na ako sa kotse niya pero sa backseat ako sumakay
"Ano ka ba? Bakit ka nanjan? Magmumukha akong driver eh!" sabi ni Sunget
"Ha? Ayaw mo nun?! Ikaw ang pinakamasunget at pinakapoging driver..." sinamaan nya lang ako ng tingin. "Ang sungit naman ng boyfriend ko!!! Lilipat na po!!!" lumipat na nga ako sa unahan
"Alam mo, nakakatakot talaga yung itsura mo ngayon. Haha!"
Tinignan ko lang siya habang natawa siya... Parang musika sa tenga ko...
PWE!!! DJ, nakakasuka ang mga sinasabi mo!
.......
"Para na po. Nandito na po tayo!" sabi ko
"Yes. I know. Tanda ko pa rin ang bahay mo dahil sa araw na kinaladkad mo ako dito..."
"Psshhh!!! Oo na po! Tara sa loob."
*.*.*.*.*
<pretty author's point of view>
"Kuya Jasper, nandito na yung bagong girlfriend ni DJ!" sigaw ni Dick
Sumilip sa bintana ang magkapatid... "Woah! Laging big time ang mga nagiging boyfriend ni punggok ah?" sabi naman ni Jasper
Pumasok na sa loob sina Zac at DJ... Sinalubong naman siya ng mga kuya niya.
"Ikaw DJ ah! Naka-move on talaga ah!" pang aasar ni Dick sa kanya
"Oo nga eh. May boyfriend na!" si Jasper
"H-Huh? Pano nyo nalaman?" si DJ
"Nagpaalam nga kasi itong si boyfriend mo, na Zac ang pangalan na ihahatid ka niya daw dito sa bahay kasi siya na ang boyfriend mo." si Dick
Binigyan lang ni DJ ng pinagtitripan-mo-talaga-ako look si Zac...
"Haha, ahm... Uuna na po ako." sabi ni Zac
"Oh sige. Ingat ka hijo." sabi ni Jasper
Ini-start na ni Zac ang kotse at tuluyan ng umalis...
"Ikaw, babae. May papaliwanag ka sa'min..." sabi ng mga kuya ni DJ sa kanya
"Ahm... Ganito kasi yun..."
Ipinaliwanag ni DJ ang lahat sa mga kuya niya. Simula sa sila dapat ni Katarino ang ikakasal kaso tumakbo ito papalayo kaya si Zac na lang ang nagsilbing groom niya...
"Loko talaga yung si K.O. na yun. Runaway groom ampeg niya?! Di ba bride lang ang gumagawa nun?" sarkastikong sabi ni Dick
"Kaya pasalamat tayo jan kay Zac kasi sinagip niya ang nalulunod na puso ng kapatid nating panget. Ienjoy mo yung five days nyo ni Zac ah pero sana tumgal pa kayo! (>_^) " si Dick
"Che! Magsitigil na nga kayo..." si DJ
"Weh? Mahal na mahal mo nga kami eh. Tignan mo di mo pa rin binubura yang make-up namin sa'yo. Bwahaha!!!" si Dick
"H-Hah?! Naku!!! Oo nga pala! (=_=) " nagdirediretso na sa kwarto niya si DJ at nakita niya si Nova
"Hello! Bride!!! Wala kayong honeymoon ni husband mo?!" pangloloko sa kanya ni Nova
"Heh! Tabi nga jan. Buburahin ko na make-up na toh. Nangangati na talaga ako eh!"
"Ok help na kita jan..."
"Thanks!"
"Ahm, DJ. Sa tingin mo may gusto na talaga sa'yo si pres?" tanong ni Nova habang tinatanggal nila ni DJ ang make-up nito
"Si Zac? Di ko alam eh. Baka pinag-titripan lang ako ng sunget na yun eh."
"Trip ba yun? Eh nagawa ka pa nga niyang ihatid ka dito sa bahay eh. Kung wala yung interes sa'yo, papabayaan ka na lang nun."
"Huh? Di ba parang dami ko ng mga naging ka-love team tapos dadagdag pa si Sunget? Tignan mo ah, una si Edok, tapos si Henry, tapos yung si Katarino, susunod naman si Zac? Haba naman ng hair ko teh?!"
"Eh maganda ka naman talaga DJ eh. Kakaiba ka sa mga normal na babae. Abnormal ka kasi. Waha!"
Binato ni DJ ng tissue si Nova... "Shunga! Pero alam mo may nararamdam na ako sa kanya..."
"Like... nagkaka-crush ka na?"
"Parang ganun... Ayos ba lang yun?"
"Oo naman noh para maka-move on ka na jan sa napaka-heart breaker na si Katarino mo. Ahm... DJ, pedeng pahinge ng favor?" namumulang sabi ni Nova
"Oh ano yun? Namumula ka pa jan?!"
"Ipakilala mo ako kay Louis!!! Please!!! (>_<) "
"Ayihie! Ahaha, as you wish!!!"
"Thanks DJ. Geh, wala na yung make-up mo. Mag-shower ka na tapos matulog ka na. Matutulog na ako ah. Ienjoy nyo ni Zac ang 5 days nyo ah. Hihi!"
"Haha! Oo na!!! Salamat din sa lahat Nova ah!"
Lumabas na si Nova ng kwarto ni DJ...
Hindi naman makatulog si DJ dahil laging pumapasok sa isipan niya si Katarino...
"Katarino, ano ba?! Sinaktan mo na nga ako at lahat, hindi pa rin kita malimutan." nasabi ni DJ sa sarili niya
*.*.*.*.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro