**15** Iiwan mo uli ako?
[Author's Note: Dahil napakaikli ng nakaraang kabanata, babawi ako ngayon. Wahaha! Eto naaa!!!]
**15** Iiwan mo uli ako?
*.*.*.*.*
<DJ's point of view>
"H-Hinde! Hindi ko magagawa yun! Hindi ko kaya..." sigaw ko
"Try lang naman eh! Walang mawawala eh..." sabi ni Nova doon sa may sulok
"Ikaw Nova! Akala ko pa naman kakampi kita... Kasabwat ka rin pala nila! Pakawalan nyo akooo!!!" sigaw ko ulit
"Ay?! OA?! Na-hostage lang ang epek?" si Nova
"Huhuhu, ayoko ayoko!!!" nagwawala na ako
"Come on DJ! Malay mo bumalik sa dati ang lahat. Please naman oh! Marry my brother. Sa marriage booth lang naman eh." pakiusap ni Maldy
"Pero may policy na pag kinasal kayo sa Marriage Booth, kailangang mag-date sila ng isang araw... DI BA?!" palag ko. Sino pa kasing nakaisip ng planong ito?! (T^T)
"Pero rule lang yung kung couples kayo if hindi pa naman kailangan nyong maging mag-ON with in five days lang. Oh di ba?!" paliwanag ni Maldy
"Wuhuhu! Mas malala yun eh!!!" ako
"Sige pag di ka pumayag, ipapaksal ko yang Katarino mo sa mga babaeng nakalista dito. Arte ka pa jan eh madami pang nakapila kay Katarino, ikaw lang ang napagbigyan!" sermon ni Nova
"Sige na nga! Pero wag nyong buburahin yung white lady make-up ko hah!"
"Yey!!! Wedding time na!" si Maldy
.......
Baliktad ang naging sitwasyon. Ako pa talaga yung nag-intay sa may altar. Sinusundo pa kasi ni Maldy yung Kuya niya eh...
Si Henry naman yung pari dito...
"Hey, how's your feeling?" tanong sa'kin ni Henry
"Ang tagal po ng groom ko father. Nabubura na nga make-up ko eh." reklamo ko
"Haha, just wait..." si Henry
Hanggang sa pumasok ang matipunong Katarino sa booth na magkasalubong ang mga kilay...
Napangiti ako ng malapad...
"What is this? A joke? I don't have time for this." tapos aalis na siya
"Katarino!" nagulat ang lahat sa pagtawag ko sa kanya
Pero di siya lumingon at tumakbo siya papalayo... Kaya naman hinabol ko siya...
Tumigil siya sa may garden at sa wakas naabutan ko siya.
Buti na lang wala tao dito. Ngayon... Ilalabas ko na lahat-lahat ng kinikimkim ko sa loob ko...
"Aalis ka na naman?" mangiyak-ngiyak kong sabi "Iiwan mo na naman ako? Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako dahil sa isang taon na pang-aabandona mo sa'kin?" naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko "Sobrang saya ko nung nabalitaan kong uuwi ka na. Makakasama na naman kita. Pero sobrang nadurog ang puso ko sa inasal mo noong nagkita tayo... hanggang sa inaasal mo ngayon. Sa kabila ng lahat ng ito, mahal pa rin kita... M-mahal na mahal kita." humahagulhol na ako. Gusto kong tumigil pero ayaw talaga, ayaw tumugil ng puso ko sa kakadikta sa bibig ko. "I-Ikaw mahal mo p-pa ba a-ako?"
"Mahal?" ngumisi siya "Ni-hindi nga kita minahal eh. Ginamit lang kita DJ. D-Dahil s-sa..."
"Dahil saan?!" ako
"Ahm... Dahil sa business! Oo, tama... Dahil sa business. Alam ko simula pa lang na ikaw na ang tagapagmana ng Yellow Stone na talaga namang tumatalo sa Red River namin. Kaya naisipang kong... Naispan kong paibigin ka! At sa huli, eto... Saktan ka. Para man lang makaganti ako sa pamilya nyo... Ginamit lang kita DJ. Ginamit la---"
"Tumigil ka! Alam kong nagsisunungaling ka lang Katarino!!! Iniimbeto mo lang mga ito." ako
"H-Hinde! T-Totoo ang lahat ng iyon. Kaya DJ, tigilan mo na ako..." umalis na siya
Iniwan niya akong umiiyak...
Lagi na lang akong umiiyak ng dahil sa kanya...
Bakit mo nagawa sa'kin yun?!
......
Bumalik ako sa Marriage Booth ng walang kagana-gana...
Sinalubong ako ni Maldy... "I-I'm very sorry DJ. Hindi ko alam na ito pala ang mangyayari."
"Wala kang kasalan... Ako ang nagpakashunga dito... Walang kasal na magaganap. Aalis na ako. Mananakot pa ako ng mga OA na tao." Oo, doon ko na lang ilalabas ang sama ng loob ko.
"Wait! May papalit sa groom!!!" sigaw ni Louis... Andito rin pala siya?! Chismoso (-,-)
"Sino?" si Maldy
"Si Zac!!!" sigaw ni Louis
"What?! Me?!" sabi ni Zac na katabi pala ni Louis. Psh, chismoso number two
"Ok then... let's start the wedding..." sabi ni Henry
TEKA?! Ikakasal daw kami ni sunget???
*.*.*.*.*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro