Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**14** Horror Make-over

**14** Horror Make-over

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Monday: First Day of School Fair...

Sa dressing room...

"Oi, Dick. Paabot nung lipstick! Dadagdagan ko pa yung mga dugo-dugo niya sa mukha. Wahaha!"

"Oh sige sige! Lalagyan ko naman siya ng black eye shadow. Haha, mukha na talaga siyang white lady bro!"

"Eye liner pa oh lagyan mo..."

"Dick, guluhin pa natin buhok niya..."

"Ok DJ, you can open your eyes now!!!" sabi nilang dalwa

"WHHHHAAAAAHHHHHH!!! S-Sino yang nasa s-salamin?!" sigaw ko

"Ikaw yan! Wahaha!!!" si Kuya Dick

"A-Ako?! A-Anong ginawa nyo sa'kin???!!!" nakakatakot ako grabeee!!!

"Masterpiece yan darling!" si Kuya Jasper

"Wag mong buburahin yan ah! Hanggang bahay dapat ganan pa rin itsura moooh!" si Kuya Dick

"Pag hinde... Nakuuu!!! Magtatampo talaga kami ng kuya mo." si Kuya Jasper uli (=_=)

Hayyy... Eh ano naman kung magtampo kayo?! Huhuhu... Nakakatakot! Ayoko ng humarap ng salamin.

(TTT0TTT)

......

Umuwi na sina Kuya... Ako naman papunta na ng Horror Booth...

Pinagtitinginan ako ng lahat ng madaanan ko. Yung iba parang nakakita ng multo...

Wuhuhuhu!!! Mukha nga naman akong multo eh!!!

(TTT____________________TTT)

"DJ... WOAH!!!" sabi ni Zac

"Ano? Aasarin mo ako na mukha talaga akong white lady? Oh sige tanggap ko na naman..." kahit na ang gwapo gwapo niya sa Policeman Costume niya, di ako papadala noh!

"Wahaha! Ang galing naman ng mga kuya mong mag-ayos. Napag-tripan ka nila masyado!" ang saya niya ah?!

"Oo na. Tawa pa! Bakit mo nga pala ako tawag?" ako

"Gusto ko lang sanang sabihin na I hired them. Bago sila makauwi sinabi ko na sila na ang mag-aayos sa'yo for the whole week... Haha! Because I know that they are fit for this job. Bye!" nagtatakbo na siya papalayo.

Hayyy!!! Nakakaasar ang mga tao ngayon!!!

Natanaw ko si Katarino na pinagkakaguluhan ng mga babae sa may entrance ng Horror Booth...

(*0*)!!!

Naka-vampire costume siya... Ang cool ng itsura niya sa pure black niyang costume. Nakadagdag pa sa kasexy-han niya yung pangil na suot niya... Tapos naka-contact lense pa siya na red...

Anubayan??!!! Sa halip na matakot yung mga tao sa kanya eh pinagkakaguluhan pa siya samantalang ako tingin ko pa lang nagtatakbuhan na yung mga tao... (-,-)

Alam ko na! (*-*)!

"Layuan nyo siya! Akin yang lalaking yan! Kung ayaw nyong malamon ng lupa lumayo na kayo! Wahahaha!!!" sabi ko na parang may sapi sa mga babaeng nanghaharas sa Katoy ko...

Nagsitakbuhan sila papalayo...

"S-Sino ka???!!!" sabi ni Katarino na parang may balak na sabuyan ako ng holy water (-,-)

"Si DJ. Tara, magtrabaho na tayo." cold kong sabi.

Wala bang thank you jan?!

"Ahm, t-thanks." si Katarino

Di ko na lang siya nilingon kasi yung ngiti ko di maalis. Grabeee!!!

Maraming napasok sa booth namin... Karamihan mga babae gawa kasi ni Katarino (-,-)

Ang trabaho ko naman at takutin sila. Yun naman talaga ang gawain ko eh dito sa booth na ito eh...

"Pagod ka na?" tanong sa'kin ni Katarino... Yiiieee!!! (*^*)b

"Hinde." ako

"Pagod na kasi ako. Jan ka na muna hah. Kakain lang ako." sabi niya sabay alis ng booth

Nakakainis na talaga siya!!! Whhhaaahhh!!!

May biglang naglagay ng takip sa bibig ko. At may tumaklob ng mukha ko gamit ang isang paperbag. Binuhat pa ako nito...

Nagpapadyak ako pero wala akong magawa kasi ang lakas niya... Kaya nagpadala na lang ako sa kanya...

Inuupo niya ako at tinaggal na niya ang paperbag na naka-takip sa mukha ko...

"H-Henry???"

"I'm sorry DJ but we have to do this..." sabi ni Maldy ng nakangisi

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro