Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**12** Stucked with you

**12** Stucked with you

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Sa SC room...

"Ok. Naka-assign na kayo sa kanya kanyang booth

. Walang halung pandaraya yun kasi nagbunutan tayo. Ibibigay ko ang Tuesday to Thursday para sa paghahanda nyo para sa School Fair next week. Then sa Friday, i-me-make up natin yung mga na-miss natin sa klase. I know that we can do this guys... " si Zac

Anong booth ko?

Horror booth (-,-)

Ang kasama ko si Katarino...

Whhhhaaahhh!!! Mas gusto ko pa dun sa Jail Booth. Kahit manghabol pa ako ng manghabol ng mga kriminal maghapon, gagawin ko. Huhuhu... Basta hindi ako matali na kasama itong si Katarino (TTT-TTT)

"Good luck, White Lady." bulong sa'kin ni Sunget habang naka-ngisi

Sinamaan ko lang siya ng tingin... Kainis!!! Mas gusto ko pang makasama yung masunget na yun eh!!!

Wehehe, joke lang!

San booth siya? Sa Jail Booth kasama si Louis. Ampopogi nila lalo siguro pag nag-costume sila ng policeman... Yihieee!!! Haha...

"Let's go." cold na sabi ni Katarino sa'kin

Sumunod na lang ako sa kanya...

Habang naglalakad kami, tahimik lang ako pati siya...

Pero ang dami kong gustong itanong sa kanya...

"Katarino, tapatin mo nga ako. Ano ba ang naging problema? Gulung-gulo na ang isip ko sa'yo eh. Halos mamatay ako nung iniwan mo ako! Pero hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Ikaw mahal mo pa rin ba ako?"

Shempre di ko sinabi yun... Sa utak lang... Hayyy... (-___-)

*.*.*.*.*

<pretty author's point of view>

[Author's note: Wahaha! Miss me? Here na! Ienjoy nyo ng saglit ang third person's point of view/pretty author's point of view xD]

Nakatingin lang si Zac kayna DJ at Katarino habang naglalakad sila sa hallway...

"Oi, selos ka noh?" sabi ni Louis sa kanya

"Hindi pa ako nagseselos sa buong buhay ko noh!" sagot ni Zac

"Hindi pa nga eh baka ngayon lang?!" panloloko ni Louis kay Zac

"Dude, please shut up. Magsusukat pa tayo ng policeman costume." si Zac

"Kailangan pa ba yun dude?!" naiinis na sabi ni Louis

"Yep, we need to wear those costumes for a week."

"What the hell..."

"Gusto mo sa detention room?!"

"Naku, pres! Kahit isang buwan pa akong mag-costume!!!"

"Haha, fine..."

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Nandito kami ngayon sa storage room para kuhanin yung mga pang-decorate sa Horror Booth namin... (-,-)

Gusto kong malaman kung ano ang iniisip ni Katarino ngayon...

May feeling pa kaya siya para sa'kin? Sana... Sana meron pa kahit konti lang dahil paparamihin ko ang konti na yun!

"Ano nga palang costume ang isusuot mo?" bigla na namang nagsalita yung bibig ko (-,-)

"I don't have any idea." parang ayaw niya akong kausap ah! Samantalang dati kung makulit niya ako wagas wagas!!! (-,-)

"You?" habol niya

Tinatanong niya ako?!!!

"Hehe, ghost buster sana pero ang nire-request nila ay white lady. Kaya yun white lady na lang..."

Narinig kong napatawa siya...

TUMAWA siya???!!!

"Hmhp! Nakaka-hatsing dito! Ang gabok!!!" sabi niya... Palusot pa! Eh tumawa naman talaga. Hahaha!!!

"Tara na." bubuksan niya na sana yung pinto pero naka-lock ito

"Sh*t. Bakit naka-lock toh?!" sabi ni Katarino

"Ay? Naka-lock?!" Wahaha! Kung sino man ang naglock. Nagpapasalamat po ako! (*-*)v

Umupo na lang si Katarino sa may sulok...

Ako naman nagsisigaw... "Tulong po! Tulooooooonnnnggg!!!" para naman di obvious na gusto ko siyang makasama ngayon ^^

"Stop. Busy ang mga students ngayon. Walang makakarinig sa'yo." sabi ni Katarino dun sa may sulok

"May phone ka?" tanong ko sa kanya. I changed my mind. Gusto ko ng lumabas dito. Masyadong HOT!!! Lalo na pag nakikita ko si Katarino!!! (>_____________<)

"W-Wala! Ikaw?!" oh? Bakit siya galit?!

Kinuha ko ang phone ko, yung phone na bigay niya sa'kin... Sana naman tanda niya pa noh? "Patay na ih. Nag-Flappy Bird kasi ako kanina..."

"So we are stucked here..." kinalibutan ako sa pagkakasabi niya

Naupo na lang ako sa tabi niya kahit awkward...

"Naiinitan ka ba?" tanong ko sa kanya

Tumango lang siya... Kumuha ako ng kapirasong karton at pinaypayan siya...

"What are you doing?" nakakunot niyang sabi sa'kin

"Pinapaypayan ka po. Di po obvious?!"

"Pssshhh..." yan lang ang sabi niya

.......

Mga 30 minutes na kaming nandito at feeling ko inaantok na yung katabi ko... At tama nga ako... Dahil bumaksak na ang ulo niya sa balikat ko...

Hayyy... Katarinooo!!! (<__________<)

Mas lalo mo akong binibigyan ng dahilan para wag munang mag move on!!!

May narinig akong nag-ring sa bulsa ng pantalon niya...

Hindi naman sa chismosa ako pero dinukot ko yun... Haha! Trained na mandurukot?! xD

(0_0)?

May phone naman siya ah! Full charge pa nga eh at mukhang may load pa!

Bakit sabi niya wala?!

Di kaya??? Gusto niya akong makasama?!

Weh???!!! DJ, wag feeler ah!

Bigla namang may tumawag...

*Zac calling...*

Sinagot ko naman...

"H-Hello?!" ako

"DJ, ikaw ba yan?" si Sunget

"Oo!"

"Nasan kayo ni Rino?"

"Nasa storage room kami. Na-lock kami ni Katarino dito!!!"

"Sige, pupunta na kami jan."

Wala pang 5 minutes ay lumagabang na ang pintuan...

At nagising na si Katarino... Buti na lang, naisaksak ko agad yung phone niya sa bulsa niya...

Waha! Ako na talaga!!!

"Ayos lang kayo?" si Zac

"Yes." sabi ni Katarino sabay labas. Na-badtrip ata?!

Ang GULO GULO niyaaaaa tologo!!!

"Ayos ka lang DJ?" kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata ni Sunget

"Oo naman!"

"Nag-alala lang kasi ako kasi di kita ma-contact."

"Wala na kasing charge eh. Salamat nga pala ah!"

"Wala yun..."

"Wala daw! Alam mo ba DJ, halos mahimatay na yan sa pag-aalala!!!" singit ni Louis

Napangisi ako kay Zac...

"Maghanda ka ng shields mo Louis bukas..." seryosong sabi ni Zac

Haha, nakakatuwa talaga siyang magsunget...

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro